Day Four - IV

5.5K 148 1
                                    


Nagtatakang lumapit si Mama kay Maxine ng mapansin nya ito. Sa labas kasi ng bahay yung party. I can see na mga more or less 20 lang yung bisita.

"Ah hi po" Magalang na bati ni Maxine.

Amazing.

"Ah helo naman ija, naliligaw ka ba?" Pffff. Hahaha.

"Ah hindi po-" Lumingon sya sa akin.

"-kasama ko po si Ash" Bigla namang nagliwanag ang mukha ni mama ng makita ako.

"Ashley!! Baby!!" Nagtatatakbong lumapit si Mama sakin at niyakap ako.

Dahil sa sigaw ni Mama, natuon na ang atensyon ng mga tao samin.

"Ate!!" Lumapit si Andy. Lumayo naman si Mama kaya nag karoon ito ng chance na yumakap din sakin.

"Long time no see.. Tumataba ka yata?" Sabi ko dito. Inis na tumingin naman sya sakin. Hindi naman sya tumataba, inaasar ko lang.

"Ang dalang mong bumisita" Nakalabing sabi nya.

"Ikaw din naman ah" Sabi ko din dito.

Nag aaral kasi ito sa CLSU sa San Jose. Doon din ito nag bo-board. Kaya madalang ko lang din itong makita kahit na umuwi ako dito.

Kabilaang hawak nila Mama at Andy ang kamay ko at hinihila na ako papasok ng bigla kong maalala si Maxine.

"Ah mama, Andy, teka" Tinanggal ko ang mga kamay nila sa braso ko at binalikan ko si Maxine.

"Akala ko iiwan mo na ako dito" Sabi nito na parang iiyak na.

"Sorry! Na excite lang kasi ako!"

"..."

"Maxine.." Biglang may tumulong luha sa mga mata nya.
Hala! Bakit sya umiiyak?

Mas lalo tuloy akong nataranta.

"Hush wag ka ng umiyak" Hinila ko sya papalapit sa akin at syaka pinunasan yung mga luha sa mukha nya. Nasa ganoon kaming sitwasyon ng biglang may kumalabit sakin.

"Sino yan?" Nanunuksong tanong ni Andy na tumataas taas pa ang dalawang kilay.

"Shhhhh" Bawal ko sa kanya. Wala sa timing eh.

Kahit na madalang lang kami nito magkita, nagkwe kwento naman ako dito tungkol sa buhay ko. Ito nga lang ang nakaka alam ng bagay na iyon. Maski kila mama at papa hindi ko iyon sinabi. Syaka na siguro pag ready na ako.

"Hi.. Andrea Walker .. Andy na lang.."

Paghikbi lang ang sagot ni Maxine.

"Tsk tsk tsk.. ate naman.. you don't know how to take care of your girl. Bahala ka, baka iwan ka nyan." Pananakot nito sakin. Na aaminin kong effective.

"I'm.. I'm not her girl." 

Tinaasan naman sya ng kilay ni andy, saying 'oh really?', silently.

"Ano ka ba!! Lubayan mo nga!" Bawal ko sa kapatid ko. Tumawa lang naman iyon.

Hinawakan ko na ang kamay ni Maxine at pumasok na kami sa loob. Nakita ko na andoon pa din si Mama sa pwesto nya kanina.

"What took you so long?"

"I forgot something.. I mean someone pala." Nakangiting sagot ko dito tukoy kay Maxine. Ngitian sya ni Mama bago hinawakan sa kamay at hinila papalayo sa akin.

"Tara na sa loob" Masiglang aya pa nya. Gusto kong umalma, pwede naman kaming pumasok sa loob ng hindi nya kinukuha si Maxine sa akin eh.

Hayaan na nga.. para makapagbonding sila.

Seven DaysDonde viven las historias. Descúbrelo ahora