Day Three - III

5.6K 166 0
                                    


Nakita ko din naman iyong motor ko pagkalipas ng ilang sandali. Yan ang gusto kong sabihin pero hindi. Ang tagal bago ko ito nakita at noong nakita ko iyon..

4:16 na

Putek na yan!!

Nag dere- deretso na ako sa school. Baka makalagpas si miss sunget.

Malapit lang naman kung tutuusin. Kung walang traffic, 5 mins lang ang aabutin pero dahil traffic. 8 mins mahigit ang inabot.

Nang makarating ako saktong uwian na ng mga studyante. Nakahinga ako ng maluwag. Lagi namang late lumalabas si France kaya paniguradong nasa loob pa sya.

Hayzz buti na lang.

At tama nga ako. Panghuli ulit na naman lumabas si France. Bakit lagi syang late lumabas?

Palabas na sana sya ng gate ng harangin sya ng isang lalaki.

"Richard ano ba!" Iritang sigaw nya sa lalaking iyon.

Yung boyfriend pala niya yun.

"Mag usap lang tayo sandali ple-"

"Wala na tayong dapat pang pag usapan!" Sabay talikod nya't iniwan na yung lalaki doon.

"Oh ano pang tinatayo tayo mo dyan?" Tanong ni France ng nakalapit na sya sakin.

"Sunget"

Hinagis na naman nya yung bag nya sa akin bago naunang lumakad. Nakatayo lang ako sa harap ng gate ng bigla itong huminto at lumingon sakin.

"Nasaan yung kotse mo?" Sabay lingon pa nya sa 7/11. Sinisigurado sigurong hindi sya namamalikmata lang.

Napakamot na lang ako sa batok.

"Babe naman eh.." Nagulat pa ako sa boses na yun.

Ay andito pa pala sya.

"Ano ba?!! Break na nga tayo diba?!! Umalis ka na nga!" Sabi naman ni sunget. Pero mas tamang sabihing galit na galit na sigaw ni sunget..

"Please mag-"

"Susuntukin na kita pag hindi ka pa umalis dyan!"

Woooooaaahh hahaha. Fierce. I like it. Not her. Just her fierceness. Just making it clear.

"Eh babe naman sige na-" Hindi na niya pinansin yung boyfriend niya. Ay ex na pala at sa akin itinuon yung atensyon nya.

"Hoy nasaan na?!!" Sigaw nya sakin. Medyo nagulat pa nga ako. Bakit pati ako sinisigawan mo? Di mo naman ako ex ah? Nyeta.

"Ha?! Ah eh motor yung dala ko eh" Lumapit ako sa gwapong gwapong motor ko at pinakita sa kanya.

"Isasakay mo ako dyan?" Nakapamewang na tanong lang nya sa akin. Hindi man lang ba sya na-amazed sa gwapong motor ko?

Tsk. Ay hindi ay hindi. Ihahatid ko lang yung bag mo sa bahay nyo, tapos mag co-commute ka. Napa roll eyes pa tuloy ako sa tanong nya.

Inis na tumingin naman sya sa ginawa ko. You deserve it. Ang bobo ng tanong mo eh.

"Ano?!" Sigaw nya.

Bahagya akong napatalon sa gulat.

"Ayzz Peste! ano ka ba naman! Sigaw ka ng sigaw.. Langya! Oo malamang! Saan ka sasakay?! May nakikita ka bang ibang sasakyan? Tss shunga shunga mo.."

Seven DaysWhere stories live. Discover now