Day Three - I

5.9K 161 3
                                    


"How's number seven?" Si Karlo.

Sa hindi malamang dahilan ay hindi ko nagustuhan ang tanong nito pero alam ko na I'm doomed. I never disagree or dislike any idea or words coming from Karlo.

"Dude may pangalan yung tao". Pasinghal na sabi ko pa dito. Ohhh may problema nga. Me? Acting like this kay Mr. Lawyer? Then I might be crazy. Nagulat pa ako ng makita kong salubong na pala ang kilay ko sa harap ng salamin. Nagbibihis na kasi ako para sunduin si France ng bigla itong tumawag.

"Well.. I don't know her name" Taranta na sabi nito. Na sense siguro yung inis kong ewan kung saan galing at wala sa lugar.

Of course you don't. Napa face palm na lang ako. Ang bobo mo Ash. Malamang iyon ang itatawag nya kasi hindi naman niya alam ang pangalan nung babae.

Napabuntong hininga muna ako bago sumagot.

"France.. her name's france"..

"France.. nice name.. well then, alis na ako.. bye" May pagmamadaling sabi nito bago binaba ang tawag.

Toot toot toot

Nice.

First si Isaac

Ngayon naman si Karlo.

Calm down Ash.

Tropa mo sila.

Huminga muna ako ng malalim bago tumingin sa salamin.

Nang okay na ako ay sinuklay ko na ang mahaba kong buhok. Bago ko ito tinali.

Nagsuot din ako ng cap. Masyado kasing mainit sa labas ngayon.

Naka fit na T-shirt na puti ako and then faded denim jeans. Naka rubber shoes lang ako't sinuot ko na yung sunglasses ko bago tuluyang bumaba.

"Good Morning boss.. mukhang ang ganda ng gising natin ah" Tukso ng mga empleyado ko. Kakamot kamot lang ako ng batok.

"Ganoon talaga pag inlove" Medyo nagulat ako doon. Ewan ko kung biro lang o seryosong puna nila.

"Kita mo, nag blu-blush na si boss". Tukso pa nila.

At hindi nga sila nag sisinungaling. Namumula nga ang mga pisngi ko.

Hindi kasi ako sanay ng tinutukso. Yun, yun lang ang dahilan. Wala ng iba pa.

"Good Luck boss.. sana sagutin ka na nyan haha" iiling iling na sumakay ako sa kotse ko.

Ilang sandali pa ay nakarating na din ako.

Medyo natuwa pa nga ako na nag hihintay doon sa labas si France kasama ang nanay nya na agad din namang humalik sa pisngi ni France bago pumasok sa loob ng bahay ng makita ako.

Bumaba ako agad at lumapit kay France.

Inalalayan ko ito although nakakalakad naman na sya ng medyo matino ngayon. Kinuha ko ang bag nya at hinawakan ang isang kamay niya.

Dahil doon ay napalapit ako sa kanya't nakakaadik ang amoy na nanggagaling sa katawan nya ang bumungad sa akin. Is that natural? Ano yun? Shampoo? Perfume? Bakit ganun yung amoy nya? Nakakaadik.. Nakakaliyo.. Parang-

"Ano ba?! Baka pati ako masinghot mo!" Asik nito na tinulak pa ako ng bahagya.

Napangiti ako. Ang taray talaga. Pasalamat ka mabango ka.

"Ang bango mo eh" Nakangiting pagdadahilan ko. Tunay naman eh. Hindi naman siguro ako makukulong dahil doon? Kahit para akong naaadik sa amoy nya. Sya ang dapat makulong.. drug carrier.

Seven DaysWhere stories live. Discover now