"May bagyo ba?! Nyeta naman oh!! Wrong timing ang putek na ulan na yan!!" Napahampas pa ako sa manibela ng sasakyan ko sa inis.

"Takte!! Bahala na!" Kinuha ko ang yung rosas at bumaba na ng kotse ko.

"Maxine!!! Maxine!!!" Sigaw ko dito.

Pumulot ako ng maliit na bato at hinagis sa bintana ng kwarto nya.

"Maxine!!.. Please mag usap tayo!!"

Sigaw lang ako ng sigaw doon ng biglang bumukas ang pinto nila.

Lumabas doon si Maxine na nakapayong. Lumapit sa akin.

"Please.. I'm sor-"

"Umuwi ka na." Sabi nito. Malakas ang tinig nito dahil malakas ang ulan para marinig ko ito.

"Maxine please .. please mag usap lang tayo. Kahit sag-"

"Umalis ka na" Sabi niya at nagtuloy tuloy pabalik sa bahay nila.

"Hindi ako aalis dito hanggang hindi tayo nag- uusap!!" Sigaw ko dito. Huminto ito saglit bago nagtuloy- tuloy na pumasok sa loob ng bahay nila at isara ang pinto.

Gusto kong magwala. Gusto kong sumigaw. madami akong gustong gawin, pero ng mga sandaling iyon tumayo lang ako doon. Humalo na ang mga luha ko sa patak ng mga ulan. Nanlalabo na ang paningin ko. Nilalamig na ako, pero nakatayo lang ako doon. Pakiramdam ko humiwalay yung kaluluwa ko ng sandaling isarado ni Maxine ang pinto ng bahay nila. Na parang sinarado na din nya ang puso nya. Hindi nya ako pinapasok sa gate nila. Na parang hindi na nya ako papapasukin ulit sa buhay nya. Ng mga sandaling sinabi ko na hindi ako aalis dito hanggang hindi kami nag uusap at tumalikod lang sya, parang tinalikudan na din nya lahat ng pinagsamahan namin. Na parang hindi iyon mahalaga. Na parang wala akong halaga sa kanya.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ako doon. Naramdaman ko na lang na hindi na kinaya ng katawan ko at bumagsak na ako sa malamig at basang semento.

-------

Nagising ako ng may mainit na bagay na nakadikit sa pisngi ko. Hindi ko alam pero napangiti ako doon. Biglang nawala ang mainit na bagay na iyon, gusto kong mag protesta pero hindi ko kaya. Parang nanghihina ako. Kaya isang ungol lang ang nagawa ko.

May mga kilos akong naririnig at mga taong nag uusap pero hindi ko sila maintindihan. Blurred ang mga boses nila, para silang mga bubuyog. Natahimik ang paligid, may tumabi sa akin. Hinawakan nito ang kamay ko. Yung init na iyon, hinawakan ko ito. Gusto kong higpitan pero hindi ko kaya. Para bang napakahirap gawin. Pati pag dilat ng mata hindi ko kayang gawin.

Ilang minutong ganoon bago nahiga kung sino mang tao na iyon sa tabi ko. Yumakap iyon sa akin. Gusto ko iyon dahil giniginaw ako. Nakatulog na ulit ako noon.

--

Nagising ako dahil naiihi ako. Pagmulat ng mata ko ay nagtaka ako sa nakita ko. Wala iyong mga poster ko ng mga magagarang sasakyan maski ang mga kotseng maliliit na sabi ni Isaac ay laruan ng bata ngunit kung tutuusin ay para ka na ring bumili ng tunay na motor sa halaga ng mga presyo nito. Medyo nataranta ako doon. Shit! Nanakaw ba?.

Pero hindi. Hindi ito ang kwarto ko! Mag wawala na sana ako ng may yumakap sakin. Bigla akong nataranta. Nyeta! Sino to?!. Sinilip ko pero madilim. Nakasarado ang mga bintana at makulimlim sa labas. Umuulan yata. Dahan dahan akong tumayo pero lalong humigpit ang hawak sakin ng kung sino mang siraulong ito!!. Wala akong natatandaan na uminom kami nila Isaac!.

"Ash.." Sabi nito. Doon ako natigilan.

Walang tumatawag sakin ng Ash. Lahat sila Ashley or Dude or Boss.. Maliban kay- Shit.. Si maxine nga!!. Doon unti unting pumasok sa slow kong utak ang mga naganap. Bigla akong natuwa. 'May paki elam pa din sya sa akin'. Bumalik ulit ako sa pagkakahiga. 'Anong oras na ba?' Tumingin tingin ako sa paligid. Hmmmmm 11:34.

Nakahiga lang ako ng biglang bumukas ang pinto. Pumasok doon yung nanay ni Maxine na may dala dalang tray ng pagkain.

"Mabuti at gising ka na. Alalang alala kami sayo" Nakangiting sabi nito. Ewan ko pero para akong kiniliti sa narinig kong yun. 'KAMI' ibig sabihin lagpas sa isa. Silang dalawa lang naman ni maxine nakatira dito kaya malamang ay ito yung isa pa. Nakangiting ewan ako.

Nilapag na nito iyon sa table sa tabi ng kama ni Maxine.

"Anong naisipan mo at nagpa ulan ka?" Natatawang tanong nito. Nahihiyang yumuko ako.

"Hindi ko po alam.. hindi na po kasi ako nakapag isip kanina".. Sabi ko dito.

"Sana magka ayos na kayo. Kumain ka na" Utos nito.

"Sige po".

"Lalabas na ako at may ginagawa pa ako sa baba.. ayos ka lang naman na diba?. Kaya mo na sarili mo?" Tumango tango ako.

"Salamat po.". Nakahiga pa din ako at ninanamnam ang pagkakayakap ni Maxine sakin. Ang sarap sa feeling. Pero mas masarap kung gising ito.

Nang bigla itong gumalaw. 'Oh Gosh! Joke lang po iyon'. Shit! Baka mag ala Godzilla ito. Ilang sandali pa at tuluyan na itong dumilat. Nang mapagtanto nito na gising na ako ay inis na tumingin ito sakin.

"Sorry" Sabi ko. Bumangon ito at tumayo. Ginaya ko ito.

"Tsk" Sabi nito.

Hindi ko alam pero tiklop ako ngayon. Magalit sya ng magalit ok lang. Saktan nya ako kung gusto nya ok lang. Kahit anong gawin nya ok lang basta andito sya. Basta kasama ko sya.

Inis na tumingin na naman ito sakin.

"Kung akala mo makukuha mo ako dyan sa ulan ulan epek mo!! Nagkakamali ka!! Kung ako lang masusunod, hahayaan na lang kita sa labas hanggang sa masagasaan ka doon!!" Sigaw nya.

Putek na yan! Ang sakit nun.

Nakakaiyak. Gusto kong umiyak. Hindi dahil sa sinisigawan nya ako, kundi dahil ok lang sa kanya na tumayo ako doon hanggang sa masagasaan. Di ko na napigilan at naiiyak na tumingin ako sa kanya.

"Ok.. kung yan ang gusto mo"

Gusto mong magpasagasa!! Edi magpasagasa!!

Peste!

Nag sorry na nga eh!

Dere- deretso akong lumabas ng kwarto nya. Tumatakbong sumunod naman sya sakin.

"Hoy! Bwisit ka!! Saan ka pupunta?!!".

Palabas na ako ng bahay ng lumingon ako sa kanya. Nasa pangalawang baitang sya ng hagdan.

"Gagawin ang gusto mo. Diba kung ikaw lang naman ang masusunod hahayaan mo na lang ako sa labas hanggang sa masagasaan ako? Then so be it" Sabi ko at palabas na sana ng sumigaw ito.

"Bwisit ka!!! Sige magpakamatay kang bwisit ka!! Sige tumayo ka doon sa ulan hanggang masagasaan ka.!! Sige iwan mo ko!! Umalis ka na at iwan mo ko!! Huwag ka ng babalik!!!" Sigaw nitong umiiyak na din. Parang iba naman ang gusto nitong iparating. Kabaligtaran ng lahat ng mga sinabi nito.

Nakatayo lang ako doon.

Luhaang tumingin ito sakin. Nagtatatakbong umakyat ito. Napagpasyahan kong sumunod dito.

--------------------------------

Seven DaysWhere stories live. Discover now