Chapter Five

2K 28 1
                                    

Chapter Five

Hindi rin makapaniwala si Jelor. Naaalala niya ang kanyang pangalan. Wala siyang nakalimutan sa kanyang nakaraan bilang isang anghel. Wala kahit isa. Malinaw sa kanya ang lahat. Marahil ito na ang sinabi ni Omar na regalo sa kanya ng langit. Matutupad pa niya ang isang bagay na gusto niyang gawin. Iyon ay ang bantayan si Regiena. Iyon din marahil ang dahilan kung bakit sa squatter area na ito siya ibinaba ni Omar.

"Ang gwapo talaga pati ng pangalan mo. So ano na nga? Bakit napadpad ka dito sa amin with costume?" Tanong pa ni Rosa.

"Galing nga ako sa isang costume party. May hinahanap ako." Tugon niya rito. Sa pagkakataong ‘yon ay kailangan niyang hindi sabihin ang totoo. Hindi iyon kasalanan sapagkat pribado ang mga bagay tungkol sa kanyang pinagmulan. Hindi pwedeng malaman ng mga tao.

"Sino? Girlfriend mo?" Hindi siya nakasagot. "Tama ba? Girlfriend mo. Ano ha? Gf mo ba?"

"O-oo." Sa sobrang kulit nito ay napasang-ayon nalang siya.

"Sige tutulungan nalang kita. Gusto ko yang mga hanapan na ganyan. Tama talaga ang kutob eh. You need my help! Pero teka bakit dito napadpad ang gf mo? Di ka naman mukhang mahirap." Tila hindi ito matatapos sa pagtatanong.

"Kadami mo namang tanong sa kanya ate. Ang mabuti pa tulungan mo na siya mamaya pagsikat ng araw. Malay mo ba kung nagka-LQ sila tapos dito naisipang magtago nung babae. Kahit na medyo imposible yon. Hayaan mo na siya sa dahilan kung bakit dito. Manghihimasok ka pa ng buhay eh." Pagsabat ni Roland.

"Wow naman Roland! Wow naman! Oo nga pala no! Ikaw ang mas dapat kong panghimasukan ng buhay! Kasi imbes na maghanap ng trabaho baka doon ka lang sa malanding babae pumunta! Hindi kita pinatapos sa kursong Industrial Technology kahit hindi sa sikat na school para lang bumuhay ng ganong babae. Unahin mo naman ang paglayas natin sa lugar na to oh!" Pagbubunganga nito sa kapatid.

"Maghahanap talaga ako ng trabaho maghapon ate. Wag kang mag-alala. Gabi na ako makikipagkita sa kay Jecka." Saka na ito lumabas ng bahay.

"Matinde! Makikipagkita pa rin." Napasapo nalang ang babae sa noo.

"Bakit hindi mo hayaang baguhin ng kapatid mo si Jecka? Mabait ang kapatid mo." Sambit ni Jelor ng silang dalawa na lamang.

Binaling nito sa kanya ang atensyon. "Isa ka pa. Akala mo naman kilala mo na yung babaeng yon."

"Pwede bang kila Jecka tayo maunang maghanap?" Pakiusap niya rito.

"Ayokong makita ang babaeng yon! Sa lahat ng lugar dito sa squatters dun mo talaga gustong mauna? Gusto mo ring maging parokyano niya? Hindi tayo don mauuna! Maaaring sa bungad palang napadpad na yung gf mo no! Mababait pa yung mga tao sa bungad. Doon pwede pang makapagtago yon ng ligtas. Kasi doon sa kabila naku mga walang kaluluwa na ang mga tao don."

Sinunod nalang niya ang suhestyon nito dahil may punto naman. Ayaw na rin niyang makipagtalo pa lalo pa't ayaw niyang magpahalata na may mga nalalaman siya sa lugar na iyon. Maghapon nga lang ang lumipas pero hindi nila natagpuan si Regiena. Malaki ang hinala niyang narito lang din  ang dating anghel tulad niya. Naniniwala siyang iyon pa rin ang dahilan ng langit kung bakit siya rito sa lugar na ito dinala at hindi inalis ang kanyang mga alaala.

Hindi ako susuko. Gagabayan kita Regiena.

"Kumusta naman ang paghahanap ng trabaho slash pakikipaglandian sa babaeng yon?" Bungad ni Rosa sa kapatid nito.

"Nagkita lang kami saglit ate tapos ay hinatid ko lang siya sa kanila. At kuya Jelor may babaeng walang matandaan sa nakaraan niya ang nandon?"

Napatayo siya sa sinabi nito. "Ano?"

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon