Chapter 71

26 0 0
                                    

Chapter 71

Tinitigan si Angela ni Satanas. "Anong iniwan niyo sa Maldives, Regiena?"

"W- walang akong alam Panginoon. Naging maayos ang lahat sa Maldives mula nang dumating kami. Naging matagumpay ang Illuminati Ball. Napigilan namin lalo na ni Paris ang mga kaluluwang naipit sa lupa. Hanggang sa makaalis kami ay wala namang kakaiba." Tugon niya.

"Hmmmm..." pinagmasdan siya nito. Tila binabasa na nito ang kanyang isipan. Wala siyang ibang inisip upang wala itong makita. "Kung gayon Dement ay magtungo ka na roon at alamin ang pinagmulan ng kapangyarihang iyon."

Naglakad palayo si Dement ngunit bago iyon ay lumapit muna ito sa kanya. "Siguraduhin mo lang na wala kang kinalaman sa pagkamatay ni Paris at wala kang nililihim sa amin. Ako mismo ang magpi- prisinta sa Panginoong Satanas na patayin ka."

Nag- abang silang lahat sa pagbabalik ni Dement. Hindi siya pwedeng kabahan dahil malalaman iyon ni Satanas. Makalipas ang halos tatlumpung minuto ay nakabalik na ito.

"Anong balita Dement?" Si Lilith ang nagtanong.

"Wala po akong nakita at naramdamang kakaiba sa Maldives. Walang kakaibang kapangyarihan ang naroon." Pagbabalita ni Dement sa mga Panginoon nito saka lumingon sa kanya.

"Kung gayon ay umalis na kayong lahat." Utos ni Lilith. "Iwan niyo na muna kami ng mahal kong Satanas."

Lahat sila ay umalis na ng silid. Siya ang nahuli. Nag- iwan siya ng siwang sa pinto upang mapakinggan ang pag- uusap ng mga ito.

"May mali sa pagkamatay ni Paris mahal ko." Panimula ni Lilith. Dinig niya ang tunog ng ahas sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito. "Kung anuman 'yun ay may kinalaman 'yun sa nais niyang sabihin, sa naganap sa Maldives at sa Tagapagligtas."

"Ano ang nais mong imungkahi mahal kong Lilith?"

"Bihagin na natin ang Tagapagligtas. Hindi na natin siya kailangang magpagala- gala rito ng malaya. Kung hindi natin siya kayang patayin ay ikulong nalang natin siya sa isang lugar kung saan hindi na siya makakawala kailanman."

"Sige. Kausapin mo si Dement at sabihin ang iyong naisin. Hindi na rin ako makapapayag pa na may makahadlang pa sa paghahari ko sa lupa. At ikaw naman mahal kong Lilith kuhanin mo na ang Diyosa ng Apoy."

"Masusunod mahak kong Panginoong Satanas."

Dali-dali siyang umalis sa labas ng pinto. Kailangan niyang masabihan sina Santi at Santo sa planong pagkuha sa Diyosa ng Apoy. Matapos kasi niyang ikulong sa botelya ang malditang Diyosa ay binigay na niya ito sa Diyosa ng Hangin upang ito ang mag- alaga sa kapatid. Sa ngayon ang isa pa niyang dapat intindihin ay ang kanyang kaligtasan. Dahil sa kanyang pagbabalat- kayo bilang si Regiena ay nasa panganib siya.

Lumabas siya ng St. Peter's Basilica. "Santi! Santo!"

"Angela? Bakit mo kami kinausap? Alam naming malalagay ka sa panganib kapag naramdaman nilang may mali sa iyo." Tugon ni Santi.

"Papunta sa inyo si Lilith. Susugurin niya kayo upang kuhanin ang Diyosa ng Apoy." Nasabi na niya sa mga kaibigan ang kanyang pakay nang dumating naman ang babaeng demonyo na kampon ni Lilith.

"Hindi ikaw si Regiena! Isa ka sa mga kaluluwang naipit sa lupa!" Sigaw nito.

"Oo!" Saka siya bumalik sa kanyang dating anyo. "At ngayon ikaw naman ang magiging si Regiena." Sinuntok niya ito sa ilong.

"Aaaaaah!" Habang namamalipit ito sa sakit ay mabilis siyang nag- orasyon upang baguhin ang anyo nito. Ginawa niya itong si Regiena. Matapos ay umalis na siya. Kitang- kita niya kung paano ito hinuli ni Dement.

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon