Chapter 64

19 1 0
                                    

Chapter 64

"Anak ko..." lumitaw ang ina ni Regiena, ang Mahiwagang Babaylan sa impyerno habang aandap- andap ang liwanag na nagmumula rito.

"Ina? Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya rito.

Hinawakan nito ang kanyang mga kamay. "Anak ko kailangan mong lumaban. Hindi ka pwedeng mamatay. Kunin mo ang lahat ng liwanag, lakas at buhay sa katawan ko. Mabuhay ka. Kailangang mapalabas natin na hindi ka kayang saktan at patayin nila Satanas. Sa gayon ay hindi ka na nila sasaktan. Siguradong gagawa sila ng ibang paraan tulad ng pagbura ng alaala mo."

"Pero paano ka ina? Paano ka na kapag binigay mo sa akin ang lahat ng liwanag, lakas at buhay mo?" Umiiyak niyang tugon dito habang para siyang kandila na nauupos.

"Masaya na akong makita ka anak ko. Kung saan man ako mapunta ay patuloy kitang babantayan. Mas nanaisin kong magkaroon ng magandang buhay ang nakakaraming tao kesa manuod lang sa buwan. Bigyan mo ng magandang bukas ang mundo. Wag mong hayaang magtagumpay ang kasamaan. Ito na ang pagkakataon ko upang maayos ang mga pagkakamaling nagawa ko noon. Alagaan mo ang iyong ama. Naiwan siyang nasa buwan ngayon. Hilingin mo sa Diyos na gawin siyang normal. Karapat- dapat siyang mabuhay dahil mabuti siyang anghel noon. Ang tanging pagkakamali namin ay nagmahal kami at sumuway sa utos ng langit. Sayo aking anak, ang pagmamahal ang magbibigay ng ngiti mula sa langit."

"Ina wag. W- wag mo itong gagawin."

"Wag ka nang magsalita. Mauubos na ang hangin sa katawan mo. Kailangan ko nang ilipat sayo ang lahat ng liwanag, lakas at buhay ko."

Narating na ni Regiena ang huling tibok ng kanyang puso. Hindi na siya makasinghap pa ng hangin sa kanyang ilong papasok sa kanyang baga. Ngunit sa isang iglap ay nabago ang lahat. Sa marahang paraan ay muling dumadaloy ang hangin sa kanyang katawan. Ang tibok ng kanyang puso'y unti- unting bumabalik sa normal. Ilang sandali pa'y...

"Haaaaaaaa....." naduwal siya. Dali- dali niyang hinawakan ang kanyang dibdib at ang gawing likuran sa tapat ng kanyang puso. Wala na iyong butas. Ang dugo ay natuyo na. Kusang naghilom ang kanyang sugat. Buhay siya!

"P- paano nangyari ito? Hindi ako napatay ni Satanas?" Sambit niya sa sarili. "Kailangan na naming ituloy ang aming mga plano."

Umupo na muna siya ng saglit upang tinupin ang nawala niyang lakas. Nang tuluyang umayos ang kanyang pakiramdam ay saka siya tumayo at lunakad. Sinundan niya ang mga nakasabit na apoy sa pader. Sa dulong bahagi ay isang bulwagan. Naroon ang trono nila Satanas at Lilith. Nagtago siya. Napakinggan niya ang buong usapan ng dalawa.

..........

"Ina... naroon ka sa impyerno noong muntik na akong mamatay... iniligtas mo ako. Ikaw ang namatay." Saad ni Regiena sa ina nang maalala niya ang lahat.

"Oo anak ko. Wala na nga ako. Ngunit muli akong tinanggap ng Diyos sa langit. Walang makahihigit sa gantimpalang iyon ng kamatayan. Ibinulong ko na rin sa kanya na gantimpalaan niya ang iyong ama ng normal na buhay. Kailangan mong magtagumpay para sa kanya. Para sa anak mo at kay Jelor. Higit sa lahat kailangan mong magtagumpay para sa mundo at sa mga tao. Hindi sila dapat mabuhay sa takot, galit at kasamaan. Paalam anak ko. Paalam. Lumaban ka. Mahal na mahal kita."

Naglaho ito na para bang tinangay lang ng tubig. Nais niyang lumuha at sumigaw ngunit niya na niya magawa. Palalim na nang palalim ang kanyang kinaroroonan sa tubig.

Read my mind, got me at a stop light
Start me up, then you make a stop like
"Why you gotta put me in the spotlight?"
But you don't even ever hit the spot right

You're always ridin' my wave
(Ridin', ridin', ridin', ridin')
But never ridin' through

You get me up to let me down
One too many times to count
Why you gotta do that? (Why?)
You're the one who blew that
Make it tough to get it out
You're done, but I'm ready now
Why you gotta do that? (Why?)
You're the one who blew that

Every time you come, you do
Every time you come, you do

Call me up to comfort you and now I'm like
"Baby, it's already been a long night"
Keep playin' it cool but it's time to change the mood
Get to movin' or you can move along

Stuck inside of your cage
(I'm stuck right now)
I play your game to lose over and over

You get me up to let me down
Way too many times to count
Why you gotta do that? (Why?)
You're the one who blew that
Make it tough to get it out
You're done, but I'm ready now
Why you gotta do that? (Why?)
You're the one who blew that

I really thought you knew
Every time you come you leave me blue

Somethin' inside me is swimmin'
Thought you did somethin' you didn't
Soon as I hit the beginnin'
Is when you reached the end
Somethin' inside me is swimmin'
Thought you did somethin' you didn't
Soon as I hit the beginnin'
Is when you reached the end

You get me up to let me down
Way too many times to count
Why you gotta do that? (Why?)
You're the one who blew that
Make it tough to get it out
You're done, but I'm ready now
Why you gotta do that? (Why?)
You're the one who blew that

I really thought you knew
Every time you come you leave me-
I really thought you knew
Every time you come you leave me blue

Papalapit na si Regiena sa lupa sa ilalim ng tubig. Hahalik na ang kanyang katawan sa pisngi ng karagatan. Tuluyang naglaho ang liwanag na nagmula sa kanyang inang Mahiwagang Babaylan. Naghahalong asul at itim ang kulay ng paligid. Unti- unting pumikit ang kanyang mga mata. May kakaiba siyang naaninag ngunit hindi siya sigurado kung ano 'yun.

Pagmulat ng kanyang mga mata ay nasilaw siya sa liwanang. Iba iyon sa liwanag ng buwan. Hindi rin naman liwanag ng araw. Maputi at matingkad ang ilaw. Kahit ang paligid ay napakaputi.

"Nasaan ako?" Tanong niya sa sarili at kung may nakakarinig man sa kanya sa lugar na iyon. "May tao ba rito? Nasaan ako?"

Isang malamig na hangin ang umihip sa lugar na iyon. "Anak." Saka isang boses ang kanyang narinig.

"Sino po kayo? Magpakita po kayo sa akin." Nagpaikot- ikot siya ngunit wala naman siyang nakitang ibang tao sa paligid.

"Ikaw ay nasa isa sa mga silid ng langit." Sumunod na sinabi ng boses.

"Langit? Patay na po ba ako? Panginoong Diyos? Ikaw po ba 'yan?" Sunud- sunod ang kanyang mga katanungan.

"Ako nga anak kong itinakdang maging bagong tagapagligtas ng mundo. Hindi ka pa patay. Nais lamang kitang makausap upang ibigay ang aking basbas sa iyo."

"Basbas?"

"Oo. Nais kong malaman mo na malaki ang tiwala ko sayong kakayahan. Ikaw na anak ng Mahiwagang Babaylan. Lahat ng mga nangyari sayo ay may dahilan. Mula noong bumagsak ka sa lupa mula sa isang anghel hanggang sa naging tao ka. Nagmahal at nagkaroon ng anak. Marami nang nabago sayo. Napakarami mo nang isinakripisyo para marating mo ang iyong kinalalagyan. Ito na ang sapat na panahon upang ipagkaloob sayo ang kapangyarihan na tulad sa iyong ina. Dahil sa tunay na pag- ibig at sa iyong puso ay binabasbas ko na sa iyo ang kapangyarihan ng isang babaylan. Mas magiging makapangyarihan ka sa iyong ina. Nawa'y gamitin mo nang tama ang iyong kapangyarihan upang ipagtanggol ang mundo. Iparanas mo sa mga tao ang kagalingang nararapat para sa kanila. Likas na mabuti ang mga nilalang na ginawa ko. Kailangan lamang nilang malaman iyon sa kaibuturan ng kanilang puso."

"Panginoong Diyos..." saka siya unti- unting inantok. Napaupo nalang siya at tuluyang nakatulog.

Sa muling pagmulat ng kanyang mga mata ay si Jelor na ang bumungad sa kanya. Basang- basa ito.

"Regiena! Salamat po Panginoong Diyos dahil iniligtas Niyo si Regiena!" Niyakap siya nito ng ubod ng higpit.

"Iniligtas mo rin ako Jelor. Dahil sa iyong pag- ibig sa wakas ay karapat- dapat na ako sa aking tungkulin."

...........

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon