Chapter 59

23 1 0
                                    

Chapter 59

"Dalhin sa bukana ng purgatoryo ang babaeng kaluluwang naipit sa lupa pati na si Damian." Utos ng Itim na Santo Papa. "Maraming naghihintay na pagsubok doon sa mga kaluluwang naipit sa lupa. Mahahati sila. May magliligtas sa kanilang kasama. May kailangang pumigil sa itim na misa."

"Masusunod Panginoong Satanas." Yumukod si Dement. Siyang tunay. Nasa katawan na ng Itim na Santo Papang Hudas si Satanas.

..........

"Wag! Wag po! Patawarin niyo ako! Wag niyo po akong papatayin! Parang awa niyo na po!" Pakiusap ng Santo Papa sa kanyang Diyos na si Satanas.

"Hindi kita papatayin. Kakailanganin pa kita. Hindi pa tapos ang itim na misa." Tugon nito.

"Marami pong salamat mahal na Satanas. Maraming-maraming salamat po." Umiiyak siyang humalik sa nagbabagang paa nito.

"Wag kang magpasalamat. Nagawa ko na ang lahat para sa iyo. Nalagay na kita sa pedestal na dapat mong kalagyan. Hanggang dyan nalang ang maitutulong ko sa iyo. Ang pedestal na kinalalagyan ko na ang sunod mong nais matuntungan." Yumuko ito at itinaas ang kanyang ulo. Napakainit ng kamay nito. "Gagamitin ko ang iyong katawan. Ako mismo ang magsasagawa ng itim na misa. Pagsasabay- sabayin ko ang lahat ng masasama at nakakatakot na ugali ng mga tao. Ipapamukha ko sa kanila ang kasamaang pilit nilang tinatago sa kanilang mga puso. At ang iyong kaluluwa Dandan, aking alagad ay mananahan na sa impyerno. Sa ibaba ng aming trono ni Lilith. Kapag ako'y nasa lupa na. Ikaw na ang bahala sa impyerno."

Hinawakan nito ang kanyang ulo. Parang niluluto ang kanyang bunbunan. Wala siyang ibang magawa kundi umiyak. Tila tinutunaw at pinapakuluan ang kanyang utak pababa sa bawat lamang loob na meron siya. Unti- unti siyang nauupos na parang isang kandila. Ramdam niya ang paghiwalay ng kanyang kaluluwa mula sa kanyang katawan.

..........

"Damian. Damian." Mahinang pagtawag ni Angela sa demonyo. Nakakulong sila sa isang madilim na silid. Kitang- kita niyang si Satanas ang kumuha sa kanila mula sa Maldives. Ngayo'y kailangan nilang makaalis kung nasaan man sila. Kailangan nilang makaligtas.

"Ito na ba ang katapusan natin Angela?" Tanong sa kanya ng demonyo.

"Hindi. Makakaligtas ka. Kailangan mong makaligtas. Ibabalik ko na sa iyo ang iyong mga alaala. Nalalaman mo ang lahat ng plano namin kaya dapat na 'yung mabura." Saka siya yumuko at nagsimulang magbigkas ng orasyon.

"Aaaaaaaaaaah!" Ilang saglit pa'y wala nang tigil sa pagsigaw ang demonyo. "Nasaan ako? Bakit ako nakatali? Nasaan ako?!" Tila bumalik na ang dating Damian. Nagbalik na ang mga alaala nito.

"Mukhang tintraydor ka ng mga kapwa mo demonyo huh?" Tugon niya rito. Isang plano ang kanyang nabuo mula sa kanyang isipan. "Narinig ko si Dement. 'Yung kanang kamay ni Lilith. 'Yung kinaiinggitan mo. Siniraan ka niya kay Lilith at sa Diyos mong si Satanas. Gumawa siya ng kwentong nakipagsabwatan ka raw sa aming mga kaluluwang naipit sa lupa para maging makapangyarihan ka. Ayun nandito ka rin kasama ko. Nakakulong. Kawawa ka naman."

At saka biglang bumukas ang pinto. Iniluwa noon si Dement at ang dalawa pang demonyong kasama nito.

"Demonyo ka Dement! Kahit kailan talaga ay wala kang ginawa kundi siraan ako kina Lilith!" Nagsimula nang magwala si Damian.

"Ikaw ang sumira sa sarili mo nang makipagkuntsabahan ka sa mga kaluluwang naipit sa lupa!" Tugon ni Dement.

"Hindi ako nakipagkuntsabahan sa kanila! Wag kang gumawa ng kwento!"

Biglang kinuha ni Dement ang kwelyo ng damit ni Damian. "Sinungaling! Kahit kailan talaga ay nakakahiya ka! Kahit na kailan ay walang kang kwentang kakambal!"

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon