Chapter 45

31 0 0
                                    

Chapter 45

Sumakit ang kanyang ulo habang nagpupulong sila. Unti- unting bumalik ang mga alaala ni Regiena.

"Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!" Sigaw ni Regiena. Parang tumatagos sa kanyang bumbunan ang kamay ni Satanas. May kung anong init ang pumapasok sa kanyang ulo pababa sa bawat hibla ng kanyang katawan. "Aaaaaaaaaah!" Napahiyaw nalang siya sa sakit. Nais man niyang umiwas at lumayo ngunit hindi niya magawa.

"Kung hindi ka namin mapapatay ikaw ay mapapasailalim sa aking kapangyarihan. Wala kang ibang susundin kundi AKO! Ako si Satanas! Ang iyong Panginoon! Regiena Nicolle!"

"Ikaw ang aking Panginoon, Satanas." Tugon ni Regiena. Wala na siyang matandaan pa. Ang alam niya lang ay susundin niya ang lahat ng sasabihin ni Satanas.

"Hahahaha! Magaling mahal kong Satanas! Kontrolado na natin ang tagapagligtas! Hahahaha!" Saad ni Lilith.

"Ano pong mapag- uutos ninyo Panginoon?" Tanong niya.

"Ipapadala na kita ngayon din sa Vatican. Magaganap bukas ang unang itim na misa ng Itim na Santo Papa upang ipalaganap ang takot. Nais kong tumulong ka lang sa misa. Ipalaganap ninyo ang unang bahagi ng pagsakop natin sa lupa. Ipalaganap ninyo ang takot."

"Masusunod Panginoon."

Pinagpapawisan na siya at ramdam niyang mawawalan siya ng malay.

"Anong nangyayari sayo Regiena?" Tanong ng Santo Papa. Tila napansin na nito ang kanyang pinagdaraanan.

"Tila masama po ang kanyang pakiramdam mahal na Santo Papa." Si Damian ang sumagot para sa kanya. "Dadalhin ko na po siya sa kanyang silid. Tapos ay kukunin ko na po ang listahan sa inyo ng mga imbitado para sa Illuminati Ball. Kailangang makapagpahinga si Regiena upang maayos namin ang lahat ng kakailanganin sa ball."

"Hmmmm... bantayan mo siyang mabuti Damian." Nagdududang tugon ng Papa.

"Masusunod po mahal na Santo Papang Hudas."

Dinala na siya ni Damian sa kanyang silid. Inihiga siya nito sa kanyang kama.

"Makakatulog ka na muna ng matagal na panahon. Para rin ito sa ikabubuti mo." Iyon ang narinig niyang sambit sa kanya ni Damian. Ngayong naaalala na niya ang lahat ay tanda na niya ang mga pasakit na dinulot sa kanya ni Damian noon. "Sasabihin ko na muna kay Jelor na nainom mo na ang gamot."

Tumayo ito. "Jelor. Nainom na ni Regiena ang gamot. Makakatulog na siya. Saan ko siya dapat dalin? Hindi pwedeng nandito lang siya at matutulog. Baka kung saan siya dalhin ng Santo Papa."

Pinapakinggan niya ang usapan ng dalawa. Marahil iyon ang sinabi ni Jelor na epekto ng gamot, na siya'y makakatulog. Nasabi sa kanya nito na kontrolado nila si Damian. Baka magduda ito sa gamot kaya marahil ang sinabi ng lalaki sa demonyo ay makakatulog siya kapag nainom niya ang gamot.

"Sigurado ka bang nainom niya bago matapos ang dalawang araw ang gamot?" Paninigurado ni Jelor.

"Oo sigurado ako."

Medyo bumuti na ang kanyang pakiramdam. May naisip siya.

"Sinong kausap mo Damian?" Bumangon siya. "May kausap ka bang kaaway?"

"R- regiena? Gising ka? P- paano?" Nagtatakang reaksyon ng demonyo.

"Oo gising ako. Bakit? Wala namang epekto 'yung gamot eh."

Napahawak nalang sa batok nito ang demonyo.

I was told that it was Heaven
I was told that it was there before
I was told that you would never leave, ooh
And I was told that it was there before

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon