Chapter 56

31 1 0
                                    

Chapter 56

Nagtungo na sina Regiena at Paris sa ball area kung saan gaganapin ang Illuminati Ball. Ang pinaka espesyal sa lahat ng ball. Ang pinakamasama ang hangarin. Ang pinakamalagim. Pinakakahindik- hindik. Masusing pinili ang mga taong magiging bahagi ng ball sa taong iyon dahil sila ang magpapalaganap ng masasamang emosyon sa mundo bago ang pag- akyat ni Satanas pagkatapos ng mga itim na misa.

Kakaiba ang masquerade party ng Illuminati Ball. Dahil ang suot nilang maskara ay mga headress na itsurang hayop. Baboy ang kay Regiena. Samantalang uwak naman ang kay Paris. Ang kay Senator George Kennedy ay buwaya samantalang oso ang sa negosyanteng si Wang Wei Tsui. Naroon na rin ang totoong Katy Grande na napapunta pa rin ni Paris. Ahas naman ang maskara nito. Si Leonardo Cruise lang ang wala roon. Gayunpaman ay napalitan pa rin ito ni Paris. Ang pumalit ay ang porn star na si Big Kobie na nais maging Hollywood actor. Tamaraw naman ang ulo nito. Silang mga babae ay nakasuot ng black dress o gown. Samantalang black suits naman ang sa mga lalaki.

Kakaiba ang ayos ng hall kung saan ginanap ang ball sa hotel. Puno ng chandelier na nakasabit pero hindi modern lights ang decor bagkus mga kandila. Marami ring mga ulo ng hayop sa pader. Nakakatakot. Parang totoo ang mga 'yun. Tapos sa bawat sulok ay may mesa ng iba't- ibang pagkain at iba't- ibang uri ng mga alak.

Malakas din ang tugtog. Maingay. Hindi maintindihang rock music. Parang mga dasal ang orasyon ang lyrics.

Tumayo na sa gitna ng entablado si Paris kung saan naroon ang mic na may stand. Nasa tabi lang siya nito. Ingay na ingay na siya at labis na nawiwirduhan sa mga kaganapan pero patay malisya pa rin siya.

"Good evening our very special guests." Pagbati ni Paris. "Welcome to the darkest and wildest Illuminati Ball of all time!"

"Woooooah!" Sigaw ng mga imbitado.

Iilan lang sila sa loob ng ballroom. Ang nagpapaingay lang talaga ay ang malakas at wirdong tugtog.

Habang nagpa- party ay kumain na sila. Hindi siya masyadong nakakain dahil parang hilaw pa ang mga luto. Sobrang malasado o medium rare. Sana lang ay hindi siya nahalata ni Paris. Busy ito sa pag-entertain sa mga bisita.

Ilang saglit pa'y tumigil na ang tugtog. Pumila sa gitna ang mga imbitado sa Illuminati Ball. Naglabas ng timba si Paris.

"Timba talaga?" Naibulong niya sa sarili. Lumapit siya upang makita kung ano ang laman 'non. "Dugo?"

"This is the blood of a person named Leonardo Cruise. Drink his blood. Sign to this Satan's contract." May hawak din itong itim na kwaderno at itim na makaunang ballpen. "Then you will be powerful. You will be able to speak different languanges. All your desires will come to life. Just remember to spread fear, anger and evil deeds. Make sure hustle in doing so because Satan's ruling on Earth is getting near!"

Uminom na nga ang mga ito ng dugo ng tao. Pumirma sa kasunduan para kay Satanas at sa pagiging Illuminati. Hindi niya pinigilan ang ball. Naging matagumpay ito. Nagtinginan sila ni Paris at nagpalitan ng ngiti.

Oh, she's sweet but a psycho
A little bit psycho
At night she's screamin'
"I'm-ma-ma-ma out my mind"
Oh, she's hot but a psycho
So left but she's right, though
At night she's screamin'
"I'm-ma-ma-ma out my mind"

She'll make you curse, but she a blessin'
She'll rip your shirt within a second
You'll be coming back, back for seconds
With your plate, you just can't help it

No, no, you'll play along
Let her lead you on
You'll be saying, "No, no"
Then saying, "Yes, yes, yes"
'Cause she messin' with your head

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon