Chapter 48

23 1 0
                                    

Chapter 48

"Tagapagbantay?" Pagtawag ni Jelor nang nasa labas na sila ng kubo. "Kami ang mga kaluluwang naipit sa lupa. Nais ka sana naming makausap."

"Maligayang pagdating."

Labis nilang ikinagulat ang nakitang lumabas sa bahay- kubo. Isang lalaking ubod na ng tanda at may tungkod ang Tagapagbantay. Hindi lang basta matanda na kulubot ang mga balat at kuba na. Para itong patay na pero humihinga pa. Bakas ang isanlibong taon sa itsura nito. Literal na matanda.

"Kayo po ang Tagapagbantay ng Lupa?" Tanong ni Santo. Siniko niya ito.

"Ako nga. Kahit ganito ako katandang tingnan ay tanging ang Diyos lamang ang pwedeng kumitil sa aking buhay. Kahit si Satanas ay walang kakayahang kantiin ako." Saad ng Tagapagbantay.

"Hindi po ba mahirap? One thousand years tapos nandito lang kayo?" Hindi pa rin talaga tumigil ang bibig ni Santo.

"Santo ano ba?" Si Santi na ang sumuway dito.

"Hayaan mo siya." Tila walang problema sa matanda. "Hindi naman ako naiinip dito. Nakikita't naririnig ko ang buong mundo. Para akong may malaking sinehan. Nakita ko na ang lahat ng mga kaganapan sa iba't- ibang panahon sa iba't- ibang mga bansa. Napakarami na ring mga kaluluwang naipit sa lupa na tulad ninyo ang ginabayan ko. Ngunit kayo ang pinaka- espesyal sa kanilang lahat. Kakaiba ang inyong misyon upang mapunta kayo sa dapat niyong patunguhan."

Pinagmasdan sila nitong isa- isa. Mata sa mata. "Kayong apat kasama ang babaeng nasa Maldives ngayon ang sasagip sa muling pagtatangka ng kasamaan na maghari sa mundo. Sa pamumuno iyon ng itinakdang Tagapagligtas, ang anak ng Mahiwagang Babaylan." Bumuntong hininga nito. "Ngunit hindi iyon magiging madali. Susubukin kayo. Parang walang katapusan ang laban. Ngunit kailangan niyo lang magpatuloy. Ang mahahabang gabi ay makakamit din ang umagang tatamasahin."

"Nauunawaan po namin Tagabantay." Saad ni Jelor mismo. "Narito po kami upang hingin ang inyong tulong. Hindi namin basta- basta magagawa ang laban na ito kung kaming apat lang at si Regiena. Kailangan pa po namin ng makakatulong."

"May dalawang nilalang na makakatulong sa inyo. Ang Diyosa ng Hangin at ang Diyosa ng Tubig. Sila ang pinakamakapangyarihang mga Diyosa rito sa lupa. Natatangi ang kanilang mga kapangyarihan na galing sa kalikasan. Inaalagaan din nila ang mundo kaya hindi sila makakapayag na mamuno ang kasamaan, si Satanas dito. Tuluyang masisira ang kalikasan kapag narating ng mga tao ang pagiging sakim at makasarili na nais ipalaganap nila Satanas dito sa lupa."

"Baka po pwedeng pasabihan na ang dalawang Diyosa na samahan na kami." Pakiusap ni Santo.

"Magkakaroon kayo ng mga bato na hihimasin ninyo upang matawag sila. Sa isang kisap- mata ay magtutungo sila sa kinaroroonan ninyo." - Tagapagbantay.

"Pahingi na po ng mga bato. Hehe!" Nakangising saad ni Santo.

"Kailangan niyo muna silang kalabanin at patunayang karapat- dapat kayo sa kanilang tiwala."

"May labanan?" Dismayadong tugon ni Santo. "Paano po 'yan tatlo kami?"

"Kayo lang Santo at Santi ang kakalaban sa mga Diyosa. Ako ang kakalabanin ni Jelor."

Nagkatitigan silang tatlo. "K- kakalabanin ko po kayo?" Tanong niya sa matanda.

"Oo. Kahit manalo sila Santi at Santo sa mga Diyosa kung matatalo ka naman sa akin ay hindi niyo makukuha ang mga bato."

"Bakit naman po ganon? Bakit naman kailangan pa namin kayong kalabanin? Magkakakampi po tayo rito 'di ba?" Hindi na nga maawat ang kakulitan ni Santo. Hindi na rin nila ito pinipigilan dahil nais din nilang malaman ang mga kasagutan sa mga tanong nito.

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon