Chapter Three

2.8K 39 3
                                    

Chapter Three

Maging ang mga anghel ay may buhay din. Hindi lamang sila nakikita ng mga tao ngunit ang ibig sabihin ay namamatay din sila. Kamatayan. Iyan ang nasa isip ni Regiena habang nadadala ng hangin. Hangin na dati'y kakampi nya sa paglipad.

Napagod na siyang sumigaw. Hinayaan na lamang niya ang sarili na mahulog. Kapag namatay naman ang isang anghel ay ikalawang buhay din ang handog sa kanila. Ngunit hindi sa paraiso ngunit sa mundo ng mga tao. Magiging mortal na ang isang anghel kapag ito'y pumanaw. Kapag ito ay pumanaw na kagustuhan ng langit, ang ibig sabihin ay matanda na ito. Isa itong sanggol na magsisimula ng bagong buhay bilang tao. Ngunit sa oras na pumanaw ito dahil sa isang aksidente o sa ibang paraan sa nauna ay mabubuhay ito bilang mortal kung ano ang edad nito bilang anghel. Wala nga lang itong matatandaan sa dati nitong buhay. Dahil nakita na nito ang buhay ng mga tao bilang anghel de la guardia ay madali na lamang nitong maibabagay ang sarili. Awtomatiko na iyon kahit wala pa itong maalala. Ang ikalawa ay isang maliit na porsyento lamang ang posibilidad na mangyari. Halos lahat ng anghel ay namamatay dahil kagustuhan na ng langit na dalhin sila sa lupa at maging mabuting tao. Sino ba naman ang mananadyang patayin ang isang anghel upang maganap ang ikalawang sitwasyon?

Ipinikit ni Regiena ang kanyang mga mata.

.....

"Omar ikaw na ang bahala kay Sonia. Ililigtas ko si Regiena!" Bulalas ni Jelor.

"Sige!" Saka sila lumipad pababa.

Parang ibon na sinasalubong ni Jelor ang hangin pababa. Napakabilis niya. Malapit na nyang maabutan si Regiena. Ngunit sa isang iglap ay humarang si Sonia sa himpapawid, sa kanyang direksyon.

"Hindi ko hahayaang iligtas mo ang karibal ko sayo! Hayaan mo syang bumagsak sa lupa at mamatay!" Tila demonyo na ito sa tinuran nito. Demonyong may pakpak.

"Patawarin mo ako. Ngunit kailangan kitang saktan. Para ito sa kabutihan!" Sinuntok niya ito dahilan upang mawala sa kanyang harapan. Pinagpatuloy niya ang paglipad pababa.

"Wag kang susuko Regiena!" Sigaw niya sa anghel na ililigtas.

"Mamamatay ka Regiena! Isa itong kasaysayan! Isang anghel na namatay dahil pinatay!" Naagaw agad ni Sonia ang kanyang atensyon. Nabigla siya ng makita nyang may hawak itong punyal. Ang itim na punyal ni Satanas. Marahil ay si Jecoba rin ang nagbigay nito kay Sonia.

"A-ano'ng gagawin mo!?"

"Papatayin siya!"

Mas lalo pang bumilis ang kanilang paglipad. Kailangang maunahan nya si Sonia. Ngunit tuso ito. Nakuha na nito ang katangian ng mga demonyo.

"Nakakapuwing ang hangin! Mag-ingat ka!" Bigla naman itong nagsaboy ng itim na alikabok dahilan upang pansalamantala siyang mawalan ng paningin.

"Aaahhh!" Nang mawala ang epekto ng alikabok ay bumalik siya sa paglipad pababa. Mas binilisan pa niya. Malapit na si Sonia kay Regiena. "Wag!"

Ngunit nahuli na si Jelor. Naitarak na ni Sonia ang punyal sa dibdib ni Regiena. Dali-dali naman itong lumipad palayo. Ikinampay pa nya ang kanyang mga pakpak hanggang sa tuluyan nyang abutan si Regiena. Inalalayan nya ito. Nakuha pa nitong imulat ang mga mata.

"B-bakit?" Tanong nito bago muling isara ang mga mata. Isara ng tuluyan at harapin ang kamatayan.

Pumatak ang luha sa kanyang mga mata habang marahang nilalapag ang anghel sa lupa. Sa kauna-unahang pagkakataon ay may napatay na anghel. Kahit ang kalangitan ay lumuha sa nangyari. Literal na nagpaulan ang langit. Namuo ang makapal at madilim na ulap saka iyon ibinagsak sa kalupaan.

"Hindi ito maaari." Narinig nyang sambit ni Omar. Lumapag din ito sa lupa. "Hindi ko nahuli si Sonia. Hindi ko kayo nasundan dahil maraming itim na alikabok ang sinaboy niya sa akin. Patawad."

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon