Chapter 66

17 1 0
                                    

Chapter 66

Nang hindi na niya nararamdaman ang presensya nito ay saka niya minulat ang kanyang mga mata.

"Kitang- kita ko Regiena. Si Dement 'yun! Lumapit siya sa atin ngunit hindi niya tayo nakita. Lumalabas na ang iyong kapangyarihan!" Bulalas ni Jelor sa kanya.

Pagtingin niya sa kanyang mga palad ay umiilaw iyon. "Ngunit hindi ko pa rin talaga alam kung paano gagamitin ang aking mga kapangyarihan. Ano nga ba ang mga 'yun?" Saka niya sinara ang kanyang mga palad at doon lamang nawala ang liwanag.

"Hmmm... saan at sino ang dapat nating tanungin." Biglang sumigla ang mukha nito. "Alam ko na!"

"Alam mo na kung kanino tayo pwedeng magtanong?" Tanong niya.

"Oo. Sa nilalang na nagmamasid at nakakarinig sa lahat. Sa Tagapagbantay ng Lupa."

Hindi na sila nag- aksaya pa ng oras. Kaagad silang nagtungo sa gitnang bahagi ng Mt. Everest kung saan naroon ang tirahan ng Tagapagbantay.

"Alam kong dito kayo pupunta." Bungad sa kanila ng matanda. "Nagagalak akong makilala ng personal ang Tagapagligtas." Lumuhod ito sa kanya at tila ba nagbigay galang.

"Naku! Hindi niyo na po kailangang gawin 'yan. Tumayo na po kayo." Pilit niya itong pinatayo at inalalayan pa nga ngunit naging mapilit ang matanda.

"Hayaan mo ako Tagapagligtas. Isang karangalan na makilala ka."

Napatingin siya kay Jelor at saka ito tumango. Nang tumayo na ang Tagapagbantay ay saka siya nagtanong dito. "Ang sabi po ni Jelor kayo ang nakakakita at nakakarinig ng lahat dito sa mundo. Pwede ko po bang malaman kung paano ko malalaman ang aking kapangyarihan at kung paano ko magagamit ang mga 'yun?"

"Ako ang Tagapagbantay ng Lupa. Oo nga't nalalaman ko ang lahat sa daigdig dahil naririnig at nakikita ko lahat pero hindi ko sakop ang mga nagaganap sa labas ng daigdig."

"Ano pong ibig niyong sabihin? Hindi namin dito mahahanap sa mundo ang kasagutan sa mga tanong ni Regiena?" Si Jelor na ang nagtanong.

"Oo sapagkat nasa ibang lugar ang kasagutan. Ibang nilalang ang may alam." Saka ito tumingala.

"Sino po?" Tanong niya.

Hindi umimik ang Tagapagbantay ng Lupa. Napatingala na rin tuloy sila ni Jelor. Doon niya naisip ang sagot. "Ang aking ina, ang Mahiwagang Babaylan."

"Siyang tunay." Binalik ng Tagapagbantay ang tingin sa kanila. "Ang iyong kapangyarihan ay tulad ng sa Mahiwagang Babaylan. Siya lang ang makakapagsabi sayo kung ano ang mga 'yun at kung paano gagamitin."

"N- ngunit patay na po ang aking ina." Napayuko siya.

"Hindi ibig sabihin 'nun na hindi niya iniwan ang kanyang mga kaalaman. Alam niyang ikaw ang itinakdang maging Tagapagligtas. Siguradong nag- iwan siya ng bagay na makakapagturo sayo ng kapangyarihan ng isang makapangyarihang babaylan kung dumating ang panahon na mawala siya."

Napagtanto na rin niya kung saan iyon matatagpuan. "Sa buwan. Sa buwan ko matatagpuan ang bagay na iyon."

"Mahusay Tagapagligtas. Mahusay. Kaya wala akong nalalaman dahil nasa buwan ang mga kasagutan sa iyong tanong. Ang lugar kung saan namalagi ang iyong ina at ama sa loob ng dalawampung taon."

"Pero paano po kami makakapunta sa buwan?" Muling tanong ni Jelor.

"Hindi ka makakasama Jelor. Tangin babaylan lamang ang may kakayahang pumunta doon." Ibinaling nito ang pansin sa kanya. "Mamayang gabi sa ilalim ng liwanag ng buwan ay kailangan mong tumapat. Kusa kang makakarating ng buwan sa pamamagitan ng liwanag nito. Ngunit matinding pagsubok ang pagdaraanan mo ngayon dahil nababalot ng itim na usok ang mundo. Kailangan mo iyong mahawi para dumiretso sayo ang liwanag ng buwan. Iyon ang maitutulong sa iyo ni Jelor."

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon