Chapter 19

61 2 0
                                    

Chapter 19

"Oh ano pang hinihintay mo? Pumayag na akong makipag- date sayo ah? Sabihin mo na sa akin ang lahat." Pagpupumilit ni Regiena sa impormasyong kailangan niya kay Alex.

"Gabi na. Minarkahan ka na ni Damian. Nasa panganib ka Regiena. Halika may pupuntahan tayo." Saka nito hinablot ang kanyang kananh braso at umalis sila sa Italian restaurant.

Nang papasok na sila sa bar ay saka niya binawi ang kanyang braso. "Aano tayo sa bar? Pwede ba Alex! Hindi mo ako madadaan sa ganyan. Pumayag akong makipag- date sayo pero dapat sabihin mo na muna sa akin ang lahat."

"You need a protection. Nasa loob ang makakapagbigay sayo ng proteksyon." Tugon nito.

Nairita na siya rito. "Alam mo ewan ko sayo!" Akmang tatalikuran na niya ito nang isang malamig na kamay ang humawak sa kanyang balikat. Dahan- dahan siyang napatingin dito. Isang babaeng puting- puti ang mga mata. Wala ang itim sa gitna ang tumambad sa kanya.

"Aaaaaah!" Napasigaw siya.

Unti- unting ring bumalik ang itim ng mata ng babae. Napakaganda nito. Mahaba ang tuwid nitong buhok. Nakasuot ito ng dark red lipstick na talaga namang agaw pansin. Nakasuot ito ng black leather jacket at maigsing itim na leather na palda. Tinernuhan din iyon ng itim na boots na abot sa tuhod nito. Gothic na parang emo ang pormahan nito.

"Halika sa loob. Mapanganib dito sa labas. Kailangan mo ng proteksyon." Anyaya ng babae.

Dahil sa pangingilabot na dulot nito sa kanya ay napilitan na siyang sumama sa dalawa sa loob. Pumasok sila sa isang kwarto sa likod ng stage. Naroon ang ibang band members ni Alex. Dalawang lalaki na parehong pormahan ng babae at magkamukhang- magkamukha rin ang mga ito marahil kambal ang dalawa.

"Sila nga pala ang band members ko. Si Angela, ang aming pianist." Tinuro ni Alex ang babaeng kasama nila. "Yang kambal sina Santi at Santo. Si Santi, may balat sa pwet yan yung kaibahan nilang magkakambal. Siya yung guitarist namin. Si Santo naman ang drummer."

"Gago ka Alex! Bakit mo pa sinabi 'yung balat ko sa pwet!" Saka binato ni Santi si Alex ng hawak nitong tumbler.

"Siya si Regiena? Siya yung babae kagabi di ba na sinampal ka Alex?" Tanong naman ni Santo.

"OMG! Siya nga! Hindi ko siya namukhaan. Grabe yung bad aura sa kanya ngayon eh." Komento naman ni Angela.

"Oo nga. Nababalot siya ng marka ng demonyo. Si Damian ang naamoy ko sa marka." Saad ni Santi.

Nangilabot si Regiena sa narinig. Alam ng mga ito na si Damian ang may marka sa kanya, kung anuman ang markang iyon. Isa lang ang sigurado niya ngayon, hindi talaga ordinaryong tao sina Alex pati na rin ang mga kabanda nito.

"Dalian mo na Angela. Ibigay mo na kay Regiena ang puting kristal." Utos ni Alex.

"Heto na dadasalan ko lang." Saka may kinuhang nagliliwanag na puting kristal ang babae sa make up kit nito. Pumikit din ito at binulungan ang puting kristal. Saka ito lumapit sa kanya. "Kunin mo ang puting kristal Regiena. Tapos ay manunuod ka ng isang kanta namin para maging mas mabisa ang basbas sa puting kristal. Ito ang magpoprotekta sayo sa marka ni Damian at sa mga kampon ng kadiliman. Tapos ay makakalimutan mo na ang mga nakita at narinig mo ngayon. Ang maaalala mo lang ay ang pagkikita niyo ni Alex at nanuod ka lang ng gig namin."

Pagkakuha niya ng puting kristal ay agad niya iyong ibinulsa. Ngunit wala siyang nakalimutan. Tandang- tanda niya pa rin ang lahat. "Bakit kailangan kong makalimutan ang lahat? Sabihin niyo nga sa akin. Sino ba kayo? Ano kayo? Ano si Damian?" Tanong niya sa mga ito.

"T- teka nga. Wala kang nakalimutan?" Tanong ni Angela.

"W- wala. Tandang- tanda ko ang lahat." Tugon niya.

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon