"Oo.. at hinding hindi ka iiwan ng pasaway na ito" Nakangiting sabi ko. Ngumiti din naman sya. Ang ganda ng mga ngiti nya.

And I'm proud to say na ako lang ang kayang magpalabas nun.

"Anong tinitignan mo"

"Yang labi mo.. inaakit ako" Bigla naman ako nitong tinulak syaka nito tinakpan ang bibig niya.

"Hindi kaya" Natawa tuloy ako.

"Tara na sa labas. Ang init dito" Sabi ko na pinaypayan pa ang sarili ko. Tagaktak na din ang pawis ko. Nauna ng lumabas si Maxine. Nagulat pa ako ng makita ko si Andy paglabas ko. Nakasandal ito sa dingding.

"Pawis na pawis ka ate. Anong ginawa nyo sa loob?" Tukso nito.

"Ikaw kaya ikulong ko sa stock room?. Tignan ko lang kung hindi ka pagpawisan"

"Yun nga ba ang dahilan?" Pang aasar pa nito.

Hindi ko ito pinansin at sinundan ko na lang si Maxine. Nakita ko itong nakikipag habulan sa mga bata. Nangiti tuloy ako.

Pinapanood ko lang sya habang nakapatong ang magkabilang braso sa hamba ng terrace namin.

"Why don't you join them?"..

Napa ayos ako ng tayo sa boses na iyon. Lumakad si Papa palapit sa akin at ginaya din yung posisyon kong nakapatong ang magkabilang braso sa hamba ng terrace habang nakatingin sa mga bata.

"Pa.. hindi na." Umiling pa ako. Bumalik na ulit ako sa posisyon ko.

Napalingon ako kay Papa ng marinig kong bumuntong hininga siya.

"She looks different"

"Who?.. Maxine?"

Tumango naman si papa.

"When I was in Gapan, lagi kong dinadaanan si Maximo. Her Dad. He's a friend of my business partner then suddenly he became my friend too. You're just 8 back then. And she's like 5. Maxine.. she's always cheerful. She's like the sunshine in their family. Lighting you up, making you smile. She's simply full of joy. But, When her dad died, every-"

"Her dad died?" Nagulat ako doon. Tumango tango naman ito.

"Car accident. After the funeral. I think she's about 10 that time. Everything changed. Then her mother went to Canada with her brother-"

"Canada? Brother? " Tumango ulit ito.

Yung family picture!

Now it makes sense kung bakit kindi kamukha yung babae doon ng nanay nya! Hala?! Eh sino yun?! Lola nya?!

"Yes, canada with her brother Franco".

"How can she leave her daughter just like that?" Bigla akong nainis sa nanay nya. Yun siguro yung tinutukoy ng nanay nya.. o Lola?

"She got married with this canadian man. He used to be our friend too by the way. Maximo and I met him in Antipolo and it just clicked. Dylan.. That's his name. We will talk about business. We'll play golf. We're just that close. Then one day he admitted that he got a thing to Freen. Maxine's mother. Maximo got mad, then punched him senseless.  He's barely alive when we rushed him in the hospital. Then he recovered he went back to Canada. When he heard that Maximo died, he used that opportunity to win Freen's heart, then after months. I heard that Freen's in Canada and got married. Then I lost connection. I thought she brought Maxine with her too." Kwento nito.

Napatulala ako doon.

Tinapik naman ni Papa yung balikat ko.

Kaya siguro ganun sya, parang galit sa mundo.

Seven DaysWhere stories live. Discover now