Day Four - III

Magsimula sa umpisa
                                    

Huwatttttt?

Inis na pinatay nya yung radyo. Bago galit na tumingin sakin.

"Wait.. galit ka ba?" Tanong ko dito. Oo madalas itong mainis sakin pero ngayon ko lang nakita ang mukha nya na ganito. At kahit na ngayon lang nya iyon ginawa, alam ko at sigurado ako na isa lang ang ibig ipahiwatig ng mukha nya na iyon: GALIT. Totoong galit.

Pinark ko na muna yung sasakyan ko.

Galit pa rin itong nakatingin sakin ng lingunin ko bago tumawa. Tawa na hindi masaya. Tawang nang iinsulto.

"Ako?!! Galit?!! Hindi!! Hindi ako galit!! Panira ka lang naman sa buhay ko!! Simula noong umpisa pa lang!! Wala kang modo!! Mahangin ka!! Ang yabang yabang mo!! At paki elamera ka pa!! Sino ka ba sa akala mo?!! ha!!! na isang araw napag isipan mo na.. 'Oh gusto kong mantrip sa araw na ito at pipili ako ng maswerteng biktima, pik pak boom you are the lucky winner, congratulations!!!! Bigla bigla ka na lang sumulpot at pilit mo ng sinisiksik yang sarili mo!! sa buhay ko!!!" Sigaw nito na dinuro duro pa yung dibdib ko. Umiiyak na nga sya. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa outburst nya.

"France.." Tinaas nya ang kanang kamay nya na parang sinasabing 'don't'.

"Wag.. Please lang" Parang may kumirot sa dibdib ko ng makita kung gaano sya hindi magkandaugaga sa pagpunas ng luha nya. Ganun yun kadami. Lalapitan ko sana sya ng bigla na lang syang lumabas ng kotse.

Lumabas din ako. Nasa mapunong lugar kami. Bukid na halos pero sementado naman yung daan. Makitid lang yung medyo may kalumaang kalsada na ito at parang mahihirapang makadaan ng sabay ang dalawang kotse. Pero ok lang kasi wala naman halos nag dadaan na mga sasakyan. May isang route kasi na mas maayos at maluwang ang kalsada, doon karamihan dumadaan ang mga sasakyan.

Pagkababa ko ay nakita ko syang nag lalakad palayo.

"France!" Tawag ko sa kanya pero tuloy tuloy lang sya.

"Sorry ok!.. Sorry sa kung ano mang kinakagalit mo!" Sigaw ko sa kanya dahil malayo na sya masyado sa akin. Dere-deretso kasi syang lumalakad, mukhang walang intensyong huminto. Putek na yan.

Nakahinga ako ng maluwag ng huminto sya. Hinarap nya ako.

"Iba ka rin eh nuh. Nakakabilib. Sabihin mo nga sakin, bakit ka nag so-sorry?" Naka cross arms pa na tanong nya. Hindi ito mataray ngayon. Walang taas kilay. Parang wala syang emosyon. Parang nagtatanong pero wala syang pakialam sa isasagot ko.

"Kasi nagagalit ka" Sagot ko. Tuluyan na akong nakalapit at isang hakbang na lang ang layo ko sa kanya.

"Ha! Magaling! Sobra! tsk! hindi mo nga alam kung anong dahilan ng galit ko" Hindi makapaniwalang sabi nya. Hindi din ako makapaniwal sa kanya.

"Kasi ayaw mong sabihin! Paano ko malalaman kung hindi mo sinasabi?!"

"Huwag mo akong sigawan!"

"Hindi naman--Ok I'm sorry" Malumanay na sagot ko na dito sa huli.

Inis na tumingin ito sakin. Mas ok yan kaysa sa walang expression.

"Hey I'm-" Shit! Nag lakad na naman sya palayo. Tumingin ako sa likod ko. Malayo na kami sa kotse ko pero natatanaw ko pa naman.

"France!"

"France!"

Putek na yan. Dere deretso lang sya na parang walang naririnig. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nasa kaliwa sya at unti unti ng lumiliit sa paningin ko. Samantalang sa kanan naman ay yung kotse ko.

"Hoy France!! Putek naman oh!!"

Nataranta ako ng tumakbo sya. Kaya tumakbo na din ako at hinabol sya.. bahala na yung kotse na iyon.

Seven DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon