Hindi naman sa nagmamadali siya. She just had her twins, tama namang sila muna ang isipin. Pero ayaw niya namang magkaisip na ang mga ito, at hindi pa din De Vara ang apelyido nila! Asawa na nga niya si Van, pero wala namang mga papel.

"I will, mommy." Selina smiled to her at nagpaalam na aalis lang ito at magpapasalon kasama ang mga amiga niya habang siya naman umakyat para tignan ang mga anak.

She glanced at her phone when it started ringing. Unknown number.

"Hello?" she answered. Tahimik lang ang nasa kabilang linya. "Hello? Who's this?" ilang segundo pa ang nakalipas at binabaan na siya ng telepono. Nag ring naman ulit ang phone niya at lumabas ang mukha ni Van. She immediately smiled.

"Hey!" lumabas siya sa kwarto ng mga kambal at hinanap si Yaya Medy na siyang naka-assign para sa kambal. "Paki-ayos yung gamit nila, magm-mall tayo." she said to her. Tumango lang naman ito. Wala talagang yaya ang kambal pero dahil kinakailangan niya ng tulong minsan, Van personally assigned Medy to the twins.

"Hey, you're going to the mall?" Van asked habang kumukuha naman ng shorts at oversized shirt si Zara.

"Yup, it's getting boring here." ani niya at inilagay si Van sa speaker para makapagbihis. "I'll text you when we get home."

"Want me to pick you up or go with you?" Van asked. Tumayo na si Zara at kinuha lang ang bag bago bumalik sa kwarto ng kambal at binihisan ang mga ito.

"No, I can manage. I'll bring Yaya Medy with me. Sige na, I'll go ahead. I love you."

"Malapit na akong mag-selos sa mall, Zara. Madaling-madali ka ah?" Napahalakhak naman si Zara at umiling na lang bago binuhat si River habang si Medy naman ang kay Ocean.

"Hindi naman po, Sir. Pero palabas na kasi kami ng bahay so might as well drop the call." Nakangiti niyang sabi. Pumasok na sila ng kotse. Sumunod pa ang mga guards sa kanila na hinarangan naman niya. "We'll go alone. Mall lang naman."

"Why don't you bring your guards, Zara? That's for you and the twins' safety." May pagkaparanoid kasi ang pamilya niya at gustong may personal bodyguards pa sila maliban sa guards sa mansyon. Ang dahilan ay marami silang kaaway sa business world, baka mamaya ay madamay pa ang mga bata. Pumayag na lang siya pero ngayon nga ay ayaw naman niyang mag mall na may sumusunod-sunod sa kanya.

"Van, we'll just go to the mall. Mabilis lang at isa pa malapit lang din naman. There's nothing to worry about!" sinenyasan niya ang mga guards na pumasok na sa loob. Pumasok na din siya sa kotse at pinaandar ito.

"Text me when you're home or when you get there, okay?" Napangiti naman si Zara bago tuluyang nagpaalam. She looked at the twins through the rearview mirror, gising si River habang tulog pa din si Ocean. Nahagip din ni Zara ang isang itim na van na nasa likod niya - kahit may naramdaman siyang kakaiba, hindi na lamang niya ito pinansin.

They arrived the mall in no time. Halatang-halata ang hatak atensyon nila. Zara didn't bother at pumasok na sa isang store.

"Good afternoon, Ma'am! Are you looking for anything in particular?" Tanong ng saleslady. She smiled and said no. Nagtingin-tingin siya ng damit na magugustuhan, nakasunod pa din sa kanya ang saleslady at nang kinuha nga niya ang isang naka-hanger nagsalita nanaman ito.

"May size pa po kami niyan, Ma'am. Regalo po ba o para sa inyo?" Huminga na lang ng malalim si Zara at nagtimpi. She doesn't want to be rude naman, pero minsan talaga may mga saleslady na masyadong concerned sayo to the point na nakakairita na.

"No, it's okay. I'm good." Zara saw some baby clothes kaya agad niya itong nilapitan at idinikit kanila Ocean at River. "What do you think, Riv? Do you like it?" Itinaas ni River ang kamay at paa nito, napangiti naman siya.

"Ma'am, we have different colors po niyan. Actually, may iba pa pong baby clothes sa taas." Napairap na lang siya sa saleslady at hindi na nag-ikot pa. After paying the twins' clothes, lumipat na siya sa iba pang store.

Ginabi na sila sa pags-shopping kaya nag decide siyang doon na din kumain. Halos lahat ng napamili ay para sa kambal niya. She did bought killer heels for herself naman pati ilang damit. Binilhan niya din ng polo at ilang damit ang asawa at maging si Medy, binilhan na din niya ng damit. Tumanggi pa ito but then she insist. Mabilis silang natapos kumain at nakasakay ng kotse. They were almost on their way home nang makapansin muli siya ng itim na van sa likod niya.

She was so sure. It was the van earlier.

"Hold the twins tightly, Medy." sabi niya dito at inapakan ng mabilis ang gas. The van went fast, too. Lalong nag-panic si Zara ng umiyak si Ocean at nahigit na nga niya ang hininga ng humarang ang van sa tapat nila. She locked the door and dialed Van's number.

"Pick up, Van... Pick up!" Kinakabahan niyang usal. Dalawang itim na van ang nakaharang sa kanila at inilabas nito ang mga lalaking may takip ang ulo. They tried to open Zara's car pero dahil nakalock ito, tinutok nila ang baril kay Zara. Nabitawan niya ang telepono at tinignan ang kambal. River and Ocean are crying. Kabang-kaba na din si Yaya Medy.

Napatalon sila sa gulat ng may sumipa sa kotse niya at itinutok na ang baril sa mga anak niya. Hindi pa rin siya bumababa at nainis na nga ang mga lalaki. Binaril nila ang pintuan ng kotse dahilan ng pagbukas nito.

"Who are you?! Anong kailangan niyo?!" May lumapit kaagad sa kanyang ilang lalaki at itinali ang kamay at paa niya. Sinubukan niyang kumawala ngunit sinuntok lang siya nito dahilan ng pang-hihina niya. Some men went at the back to get the twins. "No, please! Wag ang kambal ko! No!" She pleaded bago siya takpan ng busal sa bibig. Nakita niya din ang pagtatali kay Medy bago sila ipasok sa van. She looked around at gumawa ng ilang ingay bago maramdaman ang panyong inilapit sa ilong niya at tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Ang huling rinig na lang niya ay ang iyak ng dalawang anak niya.

Pure SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon