Exodus 23: Death

2.8K 62 0
                                    

"Bakit kaya umuulan ng mga ahas sa labas?" Nagtatakang tanong sa akin ni Zayne.
 
Nandito na kami sa loob ng antique shop. Walang tao rito. Nakabukas lang ang pinto kaya nakapasok kami agad ni Zayne.
 
"Hindi ko alam." Tugon ko kay Zayne. Pero sa totoo lang nakukutuban ako kung sino ang may pakana ng pag ulan ng mga ahas. Pero mahirap gumawa ng konklusyon agad lalo na't wala naman akong proweba. Isang nilalang lang naman ang naiisip kong maari na gumawa nito. Walang iba kundi si Kai.
 
Medyo may kalakihan din ang antique shop. Ang daming lumang mga gamit dito. Napansin ko naman na biglang nawala sa aking tabi si Zayne. Baka naglilibot lang siya sa ibang sulok ng antique shop.
 
Patingin-tingin lamang ako sa paligid. May nakita akong isang portrait ng babae. May nakasulat na pangalan sa ibaba ng picture frame nito, Kristina. Katabi naman ng portrait ay ang isang lumang malaking salamin. Napagmasdan ko ang aking sariling repleksyon sa salamin. Nang bigla akong napaatras. Hindi ko alam kung namalikmata ba ako o may nakita akong isang lalaki na lumitaw sa loob ng salamin. Humakbang ako papalapit muli sa salamin at inilapit ko ang aking mukha. Tinitigan ko ang aking sariling mukha sa salamin nang biglang namilog ang aking mga mata sa sarili kong repleksyon. Nakita kong biglang kumindat ang kanang mata ko sa salamin kahit hindi naman talaga ako kumikindat. At napansin kong biglang may gumuhit na nakakakilabot na ngiti sa aking labi sa repleksyon ko sa salamin. Napaatras ako sa sobrang pagkagulat at takot. Naramdaman ko naman na biglang may nabangga ako sa aking likuran. Agad na nilingon ko ito at nakita kong si Zayne lang pala.
 
"O, ba't parang nakakita ka ng multo diyan?" Kunot noong tanong sa akin ni Zayne.
 
"Ahhhmmn... huwag mo na lang ako intindihin Zayne." Sagot ko sa kanya. Muli kong binalingan ng tingin ang aking sariling repleksyon sa salamin pero mukhang wala ng kakaiba rito. Baka namamalikmata lamang ako kanina.
 
"Saan ka ba galing Zayne at bigla kang nawala?" Tanong ko sa kanya.
 
"Diyan lang. Naglibot-libot lang ako kanina."
 
"Hoy, sino kayo? Mga magnanakaw kayo no?!" Biglang may lumitaw na isang lalaki sa kahera. Bigla naman kami nagulat ni Zayne. Sinabihan naman ako ni Zayne na tumakbo papalabas ng antique shop. Tumakbo naman kami agad papalabas. Buti na lang paglabas namin ay humupa na ang pag ulan ng mga ahas.
 
Dumating na rin sa wakas ang Bullet Chase Van Model 2080 sa Metropolis station. Sumakay na kami rito agad pabalik ng institute.
 
Pagbalik namin ng institute ay nakita namin na may mga ambulansya. Nakita namin ni Zayne na may ibang mga estudyante na nakahandusay sa sahig at walang malay. Yung iba duguan. At may ibang patay na ata. Mukhang natuklaw at nabiktima sila ng mga ahas na inuulan ng langit kanina.
 
"Buti at ligtas kayong dalawa!" Bungad sa amin ni Ayesa.
 
"Ano ba ang nangyari sa kanila? Sa mga ibang estudyante?" Nag aalalang tanong ni Zayne.
 
"Umulan ng mga ahas kanina sa institute at maraming mga estudyante ang hindi nakaligtas sa ulan kanina. Karamihan ay... patay na!" Bulalas sa amin ni Ayesa hanggang sa napaiyak na lamang siya.
 
"Wala man lang akong nagawa para mailigtas ang iba? Napakawala kong kuwentang presidente ng student council huhuhu!" Humahagulgol na turan sa amin ni Ayesa.
 
"Huwag mong sisihin ang iyong sarili Ayesa. Ang mga nangyari kanina ay nakatakda na talaga." Bigla kami napatingin sa likuran namin lahat. Si Mr. Light pala ang nagsalita. Ang dean namin.
 
Bigla akong napakunot ng noo sa kanyang sinabi. Makahulugan. Ano ang ibig niyang sabihin na nakatakda na ang lahat ng nangyari kanina?
 
Umalis na rin agad si Mr. Light at tinungo ang building ng kanyang opisina.
 
Hanggang sa biglang nakaramdam kami nang napakalakas na paglindol na naman ulit kagaya ng sa Metropolis. Napaluhod kami lahat at nagsipag yukuan ng mga ulo. Makalipas ang ilang segundo ay nawala na rin ang lindol.
 
Nang kinagabihan ay pareho kami ni Zayne na hindi pa dinadapuan ng antok. Pareho kami balisa at hindi komportable. Marahil ay dahil sa mga nangyari ngayon araw ng Sabado.
 
"Natatakot ako." Sabi bigla ni Zayne habang naka indian seat sa kanyang kami. Ako naman ay nakatayo lang habang nakasandal sa may bintana at nakasilip sa labas.
 
"Bakit?" Tanong ko.
 
"Dahil sa mga nangyari kanina. Naalala ko bigla ang panaginip ko. Maraming namatay. Parang pag gunaw ng mundo ang panaginip ko na iyon. Hindi kaya nagsisimula nang mangyari ang aking masamang panaginip?"
 
"Nagkataon lang ang lahat siguro. Huwag mo masyado isipin iyon Zayne."
 
"Pero paano mo naman maipapaliwanag ang pag ulan ng mga ahas sa langit?" Napakibit balikat na lamang ako sa tanong na iyon sa akin ni Zayne.
 
"Aray!" Bigla kong dinig kay Zayne. Nilapitan ko naman si Zayne at tinanong kung ano ang biglang sumakit sa kanya.
 
"Ano iyon? May masakit ba sa'yo?" Tanong ko.
 
"Yung kaliwang balikat ko biglang kumirot." Daing ni Zayne sa kumikirot niyang balikat.
 
"Hindi kaya natuklaw ka ng ahas?" Nag aalala kong tanong sa kanya. Umiling naman sa akin si Zayne.
 
"Imposible. Ilang gabi ko na rin nararamdaman ang pag kirot ng aking kaliwang balikat." Sagot niya sa akin habang hinahawakan ang kumikirot na kaliwang balikat.
 
"Patingin nga ng kaliwang balikat mo." Sabi ko. Nang itataas na sana ni Zayne ang manggas ng kanyang t-shirt ay biglang may kumatok sa pinto ng kuwarto namin. Naglakad ako papunta ng pintuan para alamin kung sino ito. Pag bukas ko ng pinto ay nakita ko si Ayesa.
 
"Ayesa, ikaw pala." Sabi ko.
 
"Bukas na ang public viewing sa garden dito sa institute ng mga namatay na estudyante kanina. Alas otso ng umaga. Everyone is expecting to be there. Okay, that's all good night." Saad sa akin ni Ayesa.
 
"Good night din Ayesa." Pagkatapos nun ay umalis na rin si Ayesa at isinarado ko naman ang pinto.
 
"Ano daw yun?" Tanong sa akin ni Zayne.
 
"Pinapaalala lang sa akin ni Ayesa na bukas na ang public viewing sa mga remains ng estudyanteng namatay kanina." Sagot ko kay Zayne.
 
"Ganun ba."
 
"Kumikirot pa ba ang kaliwang balikat mo?"
 
"Hindi na. Oo nga pala may gusto nga pala ako sa'yo ipakita---" Natigilan bigla si Zayne sa kanyang sinasabi sa akin ng biglang lumindol na naman.
 
"Lumilindol na naman!" Natatarantang sabi ni Zayne.
 
"Kumalma ka lang at kumapit sa headerboard ng iyong kama!" Sigaw ko sa kanya.

Exodus (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon