Exodus 3: Voice

8.2K 204 36
                                    

"So is this the place already written on the flier?" Maarteng turan ni Zoey sa amin lahat. Nasa labas na kami ngayon ng Villa Exodus Resort. Medyo naningkit naman ang mga mata ko nang natagpuan na namin ito. Lumang-luma na kasi ang lugar. Saka parang wala masyadong tao o mga bakasyonistang gusto mag check dito. Kabalintunaan sa mga details na nakasaad sa flyer na napulot kanina ni Mikaela sa daan. Ang sabi sa flyer very in demand daw sa mga bakasyonista itong Villa Exodus Resort. Maraming booths, fun activities, at kung anu-ano pa.

"This resort really looks rustic." Sabi ni Penelope na naka-pouty lips pa at nakapamewang habang nagpapaypay ng dala niyang abaniko.

Napansin ko naman bigla na kanina pa walang kibo sa bawat isa sina Denise at ang best friend kong si Raphael. Napalapit tuloy ako kay Raphael at napatanong dito.

"Rap, okay ka lang ba? I mean kayo ni Denise pansin ko kasi kanina pa kayo hindi nagkikibuan." Hinintay ko siya na sumagot pero hindi ito nagsalita. Bigla niya lang ipinatong ang kanyang kamay sa balikat ko at ngumiti sa akin at umiling.

Mayamaya pa ay nagulat na lamang kaming lahat nang biglang bumukas sa harapan namin ang napakalaki at kinakalawang na gate ng resort. Kapansin-pansin din ang makapal na fogs sa buong kapaligiran.

"Resort ba talaga ito?" Nagtatakang sabi ni Stacey.

"Oo nga resort ba talaga 'to? Eh, mukhang abandonado na ito." Pagsang-ayon din naman ni Penelope sa sinabi ni Stacey.

"Alam ninyo guys tama na muna ang mga queries ninyo. Much better if we all just pass to this gate para makapag inquire na." Suhestiyon ni Ivan. Nakita ko naman na nag shrugged na lang si Penelope sa sinabi ni Ivan. Ginawa naman na namin ang sinabi ni Ivan. Nagsimula na kami pumasok ng gate. Sa pagpasok namin sa gate ng resort may naramdaman akong kakaiba sa paligid. Pakiramdam ko biglang nag iba ang temperatura ng paligid. Biglang lumamig at naging maalinsangan. Nagpalinga-linga ako habang naglalakad papasok ng resort wala talagang katao-tao. Tapos may nakita pa akong swimming pool na nangingitim at napapalibutan ng mga lumot sa gilid nito. Narinig naman namin ang kusang pagsarado ng gate nitong resort.

"In fairness na impressed ako sa gate nila. Authomatic lang haha. " Wika ni Zoey. Oo nga tama si Zoey may pagka high-tech din kahit paano ang resort na ito. Ibig sabihin lang no'n ay may mga staff dito sa resort. Hindi talaga ito abandonado. Posibleng may mga hidden cctv camera na nakalagay sa labas ng gate at nakita kami kanina kaya kusang nagbukas ito.

Habang naglalakad kami ay may parang naulinigan akong isang tinig ng babae. Parang sumisigaw, para bang nag mamakaawa. Tinanong ko si Mikaela kung narinig ba niya ang naririnig kong sigaw ng babae pero umiling lamang at sinabi niya na wala naman siyang narinig. Hinayaan ko na lamang yung naririnig ko. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon pero pakiramdam ko may mali sa resort na ito. Nagpatuloy lamang kami lahat sa paglalakad sa loob ng resort hanggang sa may isang lalaking nakaputing long sleeves na polo, itim na pantalon, at makintab na itim na sapatos. Nakangiti siya sa amin lahat.

"Welcome to Villa Exodus Resort, a place of haven, tranquility, and relaxation! " Bati ng lalaki sa amin lahat.

"Mag checheck-in po sana kami ng mga kaibigan at girlfriends namin just for one night. May available rooms pa po ba kayo? " Magalang na tanong ni Zac sa lalaki. Malamang ang lalaking sumalubong sa amin ay isa sa mga posibleng staff ng resort.

"Yes sir, meron pa po kami available na rooms. Actually sobrang dami po namin vacant rooms. Hindi po kasi kami peak season ngayon. Sunod na lang po kayo sa akin sa may lobby ng resort to discuss further more about the accommodation rates. " Saad sa amin ng lalaki. Sumunod kami sa kanya patungo ng lobby nitong resort. Pagpasok namin sa lobby ay may naabutan kaming tatlong lalaki na nasa front desk. Kami na ni Mikaela ang lumapit sa lalaking nakaupo sa gitna ng front desk. Kulay dilaw ang buhok niya. May matangos na ilong. May maputing kutis. Artistahin ang mukha.

Exodus (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon