Exodus 14: The Spirit Guardian

3.4K 68 2
                                    

"Napapagod na ako tumakbo Ell. Pahinga muna tayo." Sabi sa akin ni Mikaela na hinihingal.
 
"Sige." Pag sang ayon ko sa kanya. Pumasok muna kami sa loob ng cafeteria ng hotel. Isinarado ko nang maigi yung main entrance door. Napansin ko naman na wala ng ibang tao rito. Ang mga ibang staffs kagaya ng waiter wala na.
 
"Kawawa sina Isaiah at Zoey. Nakuha na sila pareho ni Kai." Sabi ni Mikaela habang paupo sa isang silya. Tinabihan ko rin siya.
 
Paano ba kami makakatakas nito kay Kai. Hindi siya basta-basta lamang na nilalang. May kapanyarihan siyang tinataglay. Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa niya na pagpapalutang kay Isaiah mula sa sahig papunta sa kanyang kinatatayuan. Mahirap kalabanin ang isang katulad niya. Mga ordinaryong tao lamang kami. Wala kami kakayahan na katulad ng kay Kai.
 
"Iwan mo na ako Ell." Bigla akong napalingon kay Mikaela.
 
"Ano?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
 
"Iwan mo na ako rito Ell. Umalis ka na. Tumakas ka na. Iligtas mo na ang iyong sarili." Sabi ni Mikaela sa akin.
 
"Ano ba iyan pinagsasabi mo Mikaela?"
 
"Iwan mo na ako. Tutal ako naman talaga ang kailangan ni Kai. Balewala na rin kung makatakas pa tayo. Wala na ang mga ibang kaibigan natin. Wala na rin si ate Denise. Iniwan na ako ni ate Denise. Wala na akong babalikan sa bahay namin. Sina mama at papa sumakabilang buhay na rin. Wala na. Wala nang natitira sa akin huhuhu." Sabi sa akin ni Mikaela at tuluyan na siyang  napaiyak. Batid kong nawawalan na ng pag asa si Mikaela.
 
"Mikaela, makinig ka sa akin. Huwag ka mawalan ng pag asa. Huwag kang susuko. Hindi ka nag iisa. Kasi nandito pa ako. Hindi kita iiwan." Sabi ko sa kanya para lumakas ang kanyang loob.
 
Hindi puwede sumuko si Mikaela. Hindi ko rin hahayaan na makuha siya sa akin ni Kai. Si Mikaela ang pinakaimportanteng tao sa aking buhay ngayon. Siya ang babaeng mahal ko. Siya ang taong gusto kong makasama hanggang sa pag tanda. Poproteksyonan ko siya laban kay Kai.
 
Nang biglang nakaramdam kami ng isang malakas na pag lindol. Bigla kami napayuko ni Mikaela. Kasabay ng lindol ang boses ng isang babae na pumapalahaw. Napansin ko rin na lumuluha na naman ulit ng dugo ang mga mata ng estatwa rito sa cafeteria. Mayamaya pa ay humupa na ang malakas na lindol.
 
Sa pagkawala ng lindol ay isang misteryosong babae naman ang lumitaw sa harapan namin ni Mikaela. Humihikbi ito. May buhok ito na ginintuan kulay na tumatakip sa kanyang mukha. Kung hindi ako nagkakamali siya rin ang babaeng nagpakita sa amin ni Mikaela nang kumain kami rito sa cafeteria kagabi nang lumindol ng napakalakas.
 
"Tulungan ninyo ako huhuhu." Humihikbing turan sa amin ng babae.
 
"I... ikaw. Ikaw din ang babaeng nagpakita sa amin kagabi." Nahihintakutan kong turan sa babae.
 
"Hindi pa naman nakikita ang aklat ng propesiya." Sabi naman ni Mikaela.
 
"Malapit na. Nalalapit na ang malaking sakuna. Nararamdaman ko." Wika ng babae sa amin.
 
"Sakuna?" Kunot noo kong tanong sa babae.
 
"Oo. Ang sakuna nalalapit na. Hindi mag lalaon ay mabubuo na muli ang aklat ng propesiya." Wika muli ng babae.
 
"Pero paano mabubuo muli ang propesiya kung wala pa rin ang nawawalang huling pahina? Ang epilogo na binabanggit ni Kai?" Nagugulimihan kong turan sa babae.
 
"Hindi magtatagal ibibigay na ng demonyong si Mortigano ang isa pang kopya ng epilogo na siya lamang ang mayroon sa kanyang matapat na alagad. Si Kai." Sabi ng babae.
 
"Pero paano? Nandito pa si Mikaela. Ang kaluluwa na lamang ni Mikaela ang kailangan ni Kai para makumpleto na ang limang daan na human souls na iaalay niya sa kanyang diyos-diyosan na si Mortigano." Sagot ko sa babae.
 
"Pero teka sino ka ba? At bakit ka sa amin humihingi ng tulong?" Tanong ni Mikaela.
 
Napansin m namin na dahan-dahan lumutang sa ibabaw ng sahig ang mga paa ng babae. Kasabay nito ang pag ihip nang malakas na hangin. Nahipan ng hangin ang kanyang ginintuang buhok na kumukubli sa kanyang buong mukha. Pagkatapos ay bumungad sa amin ang mukha ng misteryosong babae na blanko. Walang mga mata, mga kilay, at ilong.  Tanging bibig lamang.
 
"Dahil ako ang espiritong tagabantay ng aklat ng propesiya. Ako si Cassiopeia!" Matapos niya magpakilala at banggitin ang kanyang ngalan ay biglang kumulog at kumidlat nang napakalakas sa labas na kitang kita sa labas ng bintana nitong cafeteria.
 
"Pero bakit blanko ang iyong mukha... Cassiopeia?" Nagtatakang tanong ni Mikaela.
 
"Dahil winasak ni Kai at ng kanyang mga kapatid limang taon na ang nakakaraan ang aklat ng propesiya. At nawala pa ang orihinal na epilogo. Babalik lamang ang anyo ng aking mukha sa oras na mabuo muli ang aklat ng propesiya sa pamamagitan ng nawawalang pahina ng epilogo." Paliwanag sa amin ni Cassiopeia. Pagkatapos noon ay dahan-dahan na bumalik sa lupa ang kanyang mga paa at bumalik sa paghikbi. Pero sa pagkakataon na ito ay mas tumindi na ang kanyang pagluha.
 
"Tulungan ninyo ako. Tulungan ninyo ako na maunahan ang tapat na tagasunod ni Mortigano na si Kai sa paghahanap ng epilogo. Isang malaking sakuna ang naghihintay sa atin lahat kapag napasakamay ni Kai ang epilogo." Pagsusumamo sa amin ni Cassiopeia.
 
"Pero paano ka namin tutulungan? Saan kami magsisimula? Saan kami unang maghahanap sa nawawalang orihinal na epilogo? Ikaw na rin ang nagsabi limang taon na ang lumipas nang nawala ang epilogo. Habang si Kai naman base sa narinig namin na pag uusap nila ng kanyang kapatid na si Lay ay naghihintay na lamang makumpleto ang limang daan na human souls sa Devonian Bottled Glass na iaalay niya kay Mortigano kapalit ang panibagong kopya ng epilogo." Nagugulumihan kong turan kay Cassiopeia.
 
"Alam ko. Kaya nga habang hindi pa nakukumpleto ang mga human souls sa Devonian Bottled Glass ay unahan ninyo na siyang hanapin ang nawawalang orihinal na epilogo." Sagot ni Cassiopeia.
 
"Parang ang hirap naman kasi ng gusto mo Cassiopeia. Parang napakalabo na mahanap pa ang nawawalang epilogo. Saka hindi ba nila naisip na baka nakasama na rin sa pagwasak nila ng aklat ng propesiya ang epilogo noon." Sabi ko.
 
"Diyan ka nagkakamali mortal. Makapanyarihan ang huling pahina. Ang epilogo. Mawasak man ang buong aklat ng propesiya pero ang epilogo ay mananatiling buo. May basbas ni Mortigano ang epilogo. Tanging si Mortigano lamang ang maari na sumira sa pahina ng epilogo." Paliwanag ni Cassiopeia. "Bago ko makalimutan may isa pang nilalang ang maaari nga pala makawasak din sa epilogo. Ang Halo. Ang anak ni Haring Elijah na taga kaharian ng Exodus.
 
"So, ano na ang gagawin namin?" Tanong ko sabay buntong hininga.
 
"Alam ko kung nasaan ang nawawalang epilogo." Tugon ni Cassiopeia.

Exodus (Completed)Where stories live. Discover now