Exodus 22: Cassiopeia's Blessing

3K 63 0
                                    

"Kunin mo ito Migz." May iniabot na isang maliit na bilog na bagay sa akin si Zayne habang naglalakad ng hallway sa institute.
 
"Ano at para saan naman ito?" Tanong ko kay Zayne nang kinuha ko na ang maliit na bilog na bagay.
 
"Gamot iyan na parang chewing gum. Isubo mo na bago tayo sumakay sa Bullet Chase Van Model 2080. Para hindi ka mahilo mamaya sa biyahe." Tugon sa akin ni Zayne. Pagkatapos ay sinubo ko na ang gamot. Parang bonamine lang pala ang lasa nito.
 
Excited na ako kasi first time kong gagala sa future. Excited na akong makita ang mga bagay na meron sa labas ng institute.
 
Tinungo namin ni Zayne ang tinatawag nilang FTVA sa institute o Free Terminal Vehicle Area. From the name itself libre lang ang sakay dito. Wala kami babayaran na pamasahe. Isa ito sa mga pribilehiyo ng mga kabataang nag aaral sa Fire Castle Institute of Learning.
 
Pagpasok ko sa loob ng Bullet Chase Van Model 2080 ay sobra akong namangha. Sobrang lawak ng loob. Ang ganda ng interior design. Ang mga seats ay astig. Bawat upuan ay may kanya-kanyang virtual tv monitor. Kuwento rin sa akin ni Zayne na puwede manood dito ng more than 10, 000 channels all over the world. Puwede rin maging sofa bed ang mga passenger seats na may blanket covers pa para mas may privacy kapag natulog. Meron din twelve stations na hinihintuan ang Bullet Chase Van Model 2080. At ang unang station na hihintuan nito ang pupuntahan namin ni Zayne. Ang Metropilis.
 
Hindi nga pala ako puwede masyado ma-overwhelm sa makabagong bagay dito sa future. Dapat ako mas mag tuon ng pansin sa aking misyon. Sa paghahanap ng epilogo.
 
Naupo na kami ni Zayne sa passenger's seat.
 
"Huwag mong kalimutan isuot ang safety belt." Bulong sa akin ni Zayne. Isinuot ko na ang belt. At sa oras na naisuot ko na ang belt ay bigla akong nagulat. Mabilis na umandar ang Bullet Chase Van Model 2080. Wala pa ata tatlumpung segundo ay bigla rin itong tumigil. Nabaling naman ang tingin ko kay Zayne. Napansin kong hinuhubad na agad niya ang safety belt sa upuan na kasusuot niya lang wala pa ang isang minuto nakakaraan.
 
"O, Migz tumayo ka na. Lalabas na tayo ng Bullet Chase Van Model 2080." Napakunot naman ako ng aking noo sa kanyang turan. Ano'ng sinasabi niyang lalabas na agad?
 
"Lalabas na agad?" Nagtataka kong tanong.
 
"Oo, tara na. Nandito na tayo sa Metropolis. Hubarin mo na ang safety belt." Naguguluhan man ay sinunod ko na lang ang sinabi sa akin ni Zayne. Hinubad ko na ang safety belt at lumabas na kami ni Zayne ng sasakyan.
 
Nang nakalabas na kami ni Zayne ng sasakyan ay nanlaki ang mga mata ko nang napagtanto ko na wala na kami sa Free Terminal Vehicle Area ng institute. Bumungad sa akin ang malalaking gusali, maraming tao, mga vendor's na nagtitinda ng kung anu-ano sa daanan, at marami pang iba.
 
"Ang bilis naman ng biyahe." Sabi ko. Ganun ba talaga kabilis ang Bullet Chase Van Model 2080 bumiyahe?
 
"Welcome to Metropolis!" Biglang sabi ni Zayne.
 
Ang tinatawag nilang Metropolis parang version ng Quiapo o Divisoria sa Maynila dito sa future. Hanggang sa napako ang tingin ko sa isang simbahan. Nabasa ko sa isang karatula na nakakabit sa bakuran nito na "Welcome to Basilica Del Manor Nazareno!" Kung hindi ako nagkakamali iyon ang Spanish name ng Quiapo Church.
 
"Nasa Quiapo ba tayo?" Tanong ko kay Zayne.
 
"Quiapo ba kamo? Uhhhmn,  oo nasa Quiapo tayo pero Metropolis na ang tawag dito." Tugon sa akin ni Zayne.
 
Bukod pala sa mga makabagong kagamitan dito sa future pati ang ibang pangalan ng lugar ay naiba na rin.
 
Ang daming tao rito sa Quia---este Metropolis pala. Isa kaya sa mga taong nakakasalubong namin ngayon sa daan ay si Enrys? Posible naman diba. Sa dami ba naman ng mga tao na dumaraan sa Metropolis. Hanggang ngayon hindi pa rin nagsasalubong ang mga landas namin. Siya ang makakatulong sa akin para mahanap ko agad ang epilogo sabi ni Cassiopeia.
 
"Tara, pasok muna tayo sa loob ng simbahan." Yaya sa akin ni Zayne. Tumango naman ako sa kanya.
 
Habang naglakakad papalapit sa simbahan ay may napansin akong mga ilang street vendors na nasa gilid. Kahit nasa future na ako nababatid kong marami pa rin sadlak sa kahirapan ang ibang pilipino sa bansa. May ibang nagtitinda ng mga kandila, mga batang naglalako ng sampaguita, at mga manghuhula na nagpapabayad kapalit ang serbisyo nila.
 
Nasa loob na kami ng simbahan. Halos ganun pa rin ang anyo ng simbahan sa loob. Kahit 2029 na ngayon sa future na-preserve pa rin ang orihinal na istruktura nito. Ang altar at mga banal na pigura gaya ng ilang santo at anghel na nakadisplay sa loob pati ang Black Nazarene.
 
Naupo na kami ni Zayne sa upuan na malapit sa altar ng simbahan. Napansin ko naman na lumuhod si Zayne at tila nanalangin ng taimtim. Sinabayan ko na rin siya. Lumuhod na rin ako at nanalangin sa Poong Maykapal. Isa lamang ang tanging panalangin ko sa Diyos at iyon ay matapos na ang bangungot na aking dinaranas ngayon. Gusto ko na bumalik sa dati kong normal na buhay. Nang biglang nagkabanggaan ang mga balikat namin ni Zayne habang nakaluhod. Dahil sa naramdaman namin na isang napakalakas na pag lindol.
 
Dinig sa loob ng simbahan ang pagkataranta ng ibang tao. May ibang sumisigaw dahil sa takot, yung iba nagsisipag takbuhan na sa labas ng simbahan, yung iba naman nanatili lamang sa ilalim ng kanilang upuan.
 
Habang lumilindol ay parang may narinig akong boses ng lalaki. Isang nakakakilabot na boses ng lalaki na tila nagmumula sa kailaliman ng lupa. Parang tinatawag nito ang aking pangalan.
 
"Ell!"
 
Binalewala ko na lamang ang aking naulinigan. Baka nagkakamali lamang ako. Saka may iba rin talaga na sumisigaw at nagsisipagtilian sa loob ng simbahan dahil sa malakas na intensity ng lindol. Isa-isa naman ng nagsisipagbagsakan ang mga banal na replikang pigura ng mga santo ultimo ang banal na itim na Nazareno  sa loob ng simbahan.
 
"Ano ba ang lindol na ito bakit ang tagal?" Sigaw ni Zayne. "Ngayon lang ako nakaranas nang ganitong napakalakas na lindol!"
 
Hanggang sa narinig ko ang ibang tao na sumisigaw ng salitang ahas.
 
"Ahas!"
 
"Bakit ang daming ahas?!"
 
"Tulong! Baka tuklawin ako niyan!"
 
Ang daming sumisigaw tungkol sa mga ahas. Hanggang sa tuluyan na ngang nilulusob na ng mga iba't ibang uri ng ahas ang loob ng simbahan.
 
"Migz, may ahas sa likuran mo!" Narinig kong sigaw ni Zayne sa akin. Agad na napalingon naman ako sa aking likuran at doon ko nga nakita na may ahas nga. Ngunit mukhang huli na para sa akin ang umiwas dahil sobrang lapit na ng ahas sa akin! Tanging pagsigaw na lamang ang aking nagawa.
 
"Aaaaaah!"
 
Ngunit ng oras na malapit na akong tuklawin ng ahas ay nakita kong biglang nagliwanag ang aking buong katawan. Nakita ko ang ahas na tutuklaw na sana sa akin na biglang nasunog at naging abo. Naalala ko na binasbasan nga pala ako ng kapanyarihan ni Cassiopeia na walang kahit anong masama ang maari na makapanakit sa akin habang nasa misyon ako.
 
Napansin ko naman si Zayne na biglang napatulala nang nakita na nasunog at naging abo ang ahas na muntik ng tumuklaw sa akin.
 
"Paano nangyari iyon? Ikaw ba may gawa nun?" Nagtatakang tanong sa akin ni Zayne. Napakibit balikat na lamang ako sa tanong ni Zayne para sa akin.
 
"Zayne kumapit ka sa magkabilang balikat ko at tatakbo tayo palabas ng simbahan." Sabi ko kay Zayne. Habang tumatakbo na kami palabas ng simbahan ay napansin kong lahat ng daanan kong mga ahas sa harapan namin ay nasusunog at nagiging abo. Hanggang sa tuluyan na kami makalabas.
 
Paglabas namin ng simbahan ay doon namin nadiskubre na umuulan pala ng katakot-takot na hindi mabilang na ahas sa langit. Pero dahil sa may basbas ako ni Cassiopeia lahat ng malapit ng bumagsak na ahas papunta sa amin ni Zayne ay nasusunog agad at nagiging abo sa ere.
 
Pakiramdam ko sa mga oras na ito ay isa na rin akong sphinx at ang kapanyarihan ko ay proteksyonan ang aking sarili sa kahit anong panganib.
 
Ngunit hindi pa nakakabalik sa station ng Metropolis ang Bullet Chase Van Model 2080 kaya hindi pa kami makaalis. Hanggang sa itinuro sa akin ni Zayne ang isang antique shop na hindi kalayuan sa simbahan. Pinasok namin ito at doon muna nanatili habang hindi pa bumabalik ang Bullet Chase Van Model 2080.

Exodus (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon