Exodus 20: Necklace

2.8K 66 0
                                    

Nakabalik na kami ng kuwarto ni Zayne.
 
"Thanks God I'm done with the dinner!" Masaya kong sabi.
 
Nakita ko naman si Zayne na kumukuha ng damit sa aparador. Ako naman ay napaisip bigla. Wala akong kahit anong gamit. Kahit damit wala. Paano ito? Hanggang sa napansin kong lumapit si Zayne sa akin at may iniabot na mga nakatuping mga damit.
 
"Sa'yo na lang." Sabi sa akin ni Zayne.
 
"Huh? Bakit?" Nagtataka kong sabi.
 
"Kanina nang magkakasama tayo sa canteen nabanggit mong wala kang mga damit. Kaya naisip kong ibigay na lang sa'yo ang iba kong damit. Sana magkasya sa'yo." Paliwanag sa akin ni Zayne.
 
"Salamat." Sabi ko sa kanya. Mabuti at mabait naman pala itong si Zayne may pagka-nerdy looking lang talaga. At least, mababawasan na ang alalahanin ko bukod sa misyon kong mahanap ang nawawalang epilogo.
 
"Wala ka bang mga kaibigan Zayne?" Tanong ko sa kanya.
 
"Wala." Matipid niyang sagot habang inaayos ang iba niyang gamit sa kanyang back pack.
 
"Bakit naman? Mabait ka naman. And I guess you have a good personality."
 
Tumingin naman sa akin ng tuwid si Zayne bago mag salita.
 
"Thanks for the nice words Migz. But its hard to trust." Seryosong turan niya sa akin.
 
"Kung sa bagay." Sabi ko.
 
"And if there's a good advice that I can give to you is that, be careful who you trust, the devil was once an angel too."
 
"Tama ka."
 
Ang lalim ng kanyang sinabi. Pero alam ko gusto niya lang iparating sa akin na mag ingat ako.
 
"Maiwan muna kita maliligo lang ako sa banyo. Maligo ka na rin mamaya pagkatapos ko bago ka matulog Migz." Paalam sa akin ni Zayne.
 
Naaawa ako kay Zayne. Wala siyang mga kaibigan dito sa institute. Lapitin pa ng mga bullies. I hope I could establish a friendship with Zayne para mabawasan na rin ang kanyang pagiging aloof or loner.
 
Narinig ko naman na biglang bumuhos ang malakas na ulan. Tumayo ako sa pagkakaupo rito sa kama at sumilip sa bintana.
 
Ibang iba na talaga ang daigdig na aking ginagalawan ngayon. Bukas Sabado na. Sana mahanap ko na ang halo na makakatulong sa akin kung nasaan ang nawawalang pahina ng epilogo. Pero saan ako unang maghahanap bukas. Hindi ako pamilyar sa mga pasikot-sikot dito sa future. Ni hindi ko nga alam kung ang kinatitirikan lupa ng Fire Castle Institute of Learning ay nasa Quezon City lang kung saan din ako nakatira talaga.
 
Sumagi naman sa isip ko ngayon dahil nasa hinaharap na ako nasaan kaya ang aking future version. For sure by this time in the future 51 years old na ako. Kasi sa panahon na pinanggalingan ko which is year 1999 isa lamang akong 21 years old fresh college graduate.
 
Sana kung buhay pa ang 51 years old na ako magkaroon ng pagkakataon na mag krus ang amin landas para malaman ko kung magtatagumpay ba ako sa aking misyon. Panigurado marami akong itatanong sa kanya. Marami kaming mapapag-usapan.
 
Tumigil na ang ulan. Natapos na rin si Zayne maligo. Ako naman ngayon ang maliligo. Pagkatapos ay matutulog na rin ako. Mukhang magiging abala ako bukas nang dahil sa aking misyon.
 
Nasa loob na ako ng banyo. Natuwa naman ako nang nakita kong may bath tub. Gusto ko iyan. Puwede ako mag babad para makapag relax kahit paano nang biglang sumagi sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Cassiopeia tungkol sa kuwintas na ibinigay niya.
 
Ang sabi sa akin ni Cassiopeia ay ilubog ko lang ang kuwintas sa isang malinis na tubig at ipapakita na nito ang kasalukuyan. At ganun nga ang gagawin ko ngayon.
 
Pinuno ko ng tubig ang bath tub. Nang napuno na ito ay inilagay ko ang kuwintas. Nakita kong biglang nag liwanag ang buong laman na tubig ng bath tub. Hanggang sa may namumuo nang mga pigura dito.
 
Ipinakita agad sa akin ng tubig ang Villa Exodus Resort. Sumunod ay ang isang kuwarto na pinagpupugaran ng napakaraming ahas. Sa gitna ng kuwarto ay nakikita kong nakaupo si Mikaela at nakagapos siya. Hindi pa kinukuha ni Kai ang kanyang kaluluwa. Pagkatapos ay biglang dumilim ang tubig. Hanggang sa may panibagong mga pigura na naman na nabubuo sa repleksyon ng tubig. Si Cassiopeia at Kai.
 
"Ano ba Cassiopeia buksan mo na ulit ang itim na portal. Ipadala mo ako sa hinaharap para mapigilan ang mortal na si Ell! Hindi ko siya hahayaan na makita ang nawawalang epilogo sa hinaharap! Masisira ang mga plano ko!" Namomoot na sabi ni Kai kay Cassiopeia.
 
"Hindi rin ako makakapayag sa gusto mong mangyari Kai!" Protesta ni Cassiopeia.
 
"Matigas ka talaga Cassiopeia. Dahil diyan tikman mo ang parusa na aking igagawad sa'yo!" At hinagupit ni Kai si Cassiopeia ng isang latigo na nagliliwanag habang nakatali ang mga kamay at paa ni Cassiopeia sa pader.
 
Naririnig ko ang napakalas na sigaw ni Cassiopeia habang nilalatigo siya ni Kai. Napakasama talaga ni Kai. Demonyo siya! Siya ang punot dulo ng lahat ng mga nangyayari ngayon! Ang dapat sa kanya ay mamatay na at mapunta na rin sa impiyernong dapat niya kinaroroonan!
 
Nang biglang narinig ko ang boses ni Zayne na tinatawag ako sa labas ng pintuan ng banyo. Kinuha ko naman agad ang kuwintas na nakalubog sa tubig ng bath tub.
 
"Hi, Zayne! Bakit ka napakatok sa akin dito sa banyo?" Natataranta kong sabi sa kanya. Naku sana wala siyang narinig na kahit ano mula sa bath tub.
 
"Just nothing. I thought you were screaming. Siguro guni-guni ko lang iyon. Sige maligo ka na Migz. Matutulog naman na ako sa kama." Sabi sa akin ni Zayne habang palinga-linga sa loob ng banyo.
 
"Good night, Zayne!"
 
"Same to you, Migz."
 
Nakahinga na rin ako ng maluwag. Buti hindi na ako masyado inusisa pa ni Zayne sa loob ng banyo.
 
Masaya na rin ako kahit paano kasi nakita ko muli si Mikaela nang dahil sa kuwintas na ibinigay sa akin ni Cassiopeia. Pero nangangamba rin ako sa kabilang banda. Alam na ni Kai na nandito ako sa hinaharap para hanapin ang nawawalang epilogo.

Exodus (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon