Exodus 9: The Lost Epilogue

4.5K 95 7
                                    

"Takbo Kai! Umalis ka na!" Sigaw ng isang lalaki.
 
"Hindi puwede Luhan! Magkakasama tayong lumikha sa librong ito, magkakasama rin tayong dapat sumira nito!" Tugon ni Kai sa lalaking nag ngangalan na Luhan.
 
"Ikaw na lamang ang tanging puwedeng mabuhay sa atin lahat Kai. Kapag namatay ka pa nang dahil sa librong ito mawawalan na ng saysay ang lahat ng pinaghirapan natin!" Sigaw naman ng isang lalaking may hawak ng isang kulay itim na librong nagliliwanag.
 
"Hindi ako makakapayag sa iyong gusto Sehun!" Protesta ni Kai. Hanggang sa biglang may isang malakas na pagsabog ang naganap sa kuwartong kinaroroonan nila Kai.
 
***
Kai's POV:
"Aaaaaaaah!" Kai gumising ka! Nanaginip ka na naman ulit.
 
Napabalikwas ako nang naulinigan ko si Lay. Napanaginipan ko na naman ulit.
 
Ilang araw ko na rin napapanagipan yung nangyari limang taon na.
 
"Napanaginipan ko na naman ulit Lay."
 
"Kalimutan mo na iyon Kai. Tapos na iyon." Tugon sa akin ni Lay habang hinihimas ang aking likuran.
 
Magkasama kami ng aking kapatid na si Lay sa kuwarto. Magkatabi kami matulog dito sa kama.
 
"Paano kung---" Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin nang biglang inakbayan ako ni Lay sa balikat.
 
"Huwag mo na nga kasi isipin iyon. Gugulo lang ang kasalukuyan kung iisipin mo pa iyan at pilit ibabalik mula sa nakaraan." Turan niya sa akin.
 
Pagkatapos niyang sabihin sa akin iyon ay nagpaalam muna akong lalabas ng kuwarto. Gusto ko maglakad-lakad muna upang mapag isa at makapag isip ng mga bagay-bagay.
 
***
Nandirito ako ngayon sa rooftop ng Exodus resort. Napagmasdan ko ang napakalawak na lupang kinatitirikan ng resort. Napabuntong hininga ako nang malalim.
 
Nasaan na ba kasi ang nawawalang pahina ng aklat? Ang epilogue na ako mismo ang nag akda? Ang buong libro ay nawasak na maliban lamang sa huling pahina.
 
Masyadong mahiwaga, mapanlinlang, at mapanganib ang aklat ng propesiya na amin ng aking sampung kapatid na magkakasamang isinulat noon nang dahil sa isang layunin. Ang layunin na mapa---.
 
"Aaaaaaaah!" Sumisigaw na naman siya ulit! Habang tumatagal mas lumalakas ang kanyang pagsigaw. Ibig sabihin nito mas nalalapit na ang panahon ng pagsasakatuparang ng nakasulat sa aklat ng propesiya.
 
***
Ell's POV:
 
Kanina ko pa sinusubaybayan si Kai simula pa lamang sa kanyang kuwarto. Nag usap kasi kami ni Mikaela kanina na manmanan si Kai. Dahil isa siya sa mga staff ng resort.  Panigurado may alam siya sa mga kababalaghan na nararanasan namin sa resort simula noong dumating kami rito.
 
Ang lamig dito sa rooftop. Ano naman kaya ang pumasok sa utak ni Kai at naisipan niya na pumunta rito? At ano yung sinasabi niyang aklat ng propesiya? Bakit parang masyado siyang mukhang takot at nag aalala. Nag sisimula na talaga akong mawirduhan kay Kai.
 
"Aaaaaaaah!" Ano iyon? Pumapalahaw na naman ulit yung babaeng nagpaparamdam sa amin ni Mikaela. Bakit kaya siya sumigaw bigla?
 
Hanggang kailan ba ako mananatili sa misteryosong Villa Exodus Resort na ito?
 
Hindi ko na rin maiwasan ang makaramdam ng labis na takot at kaba. Which reminds me again about Zoey. Yung kinuwento sa akin ni Mikaela na nakita niya raw si Zoey na biglang nag iba ng anyo. Parang halimaw. Tapos ngayon nawiwirduhan naman ako kay Kai. Yung aklat ng propesiya anong meron do'n? At yung nabanggit pa niya na nawawalang huling pahina ng aklat.
 
Ang daming tanong na tumatakbo sa isipan ko sa mga sandaling ito. Kailangan ko ng mga karampatang kasagutan sa mga tanong na ito. Pero saan ko naman hahagilapin ang mga kasagutan?
 
"Anong ginagawa mo rito?" Bigla akong napaatras sa aking kinatatayuan nang narinig ko ang boses ni Kai sa likod.
 
"Kanina ka pa ba Kai diyan?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.
 
"Ikaw ang dapat kong tanungin niyan sir. Kanina ka pa po ba rito? At anong ginagawa ninyo rito sa rooftop ng ganitong oras?"
 
"Ah, hindi naman. Sige maiwan na kita Kai." Sabi ko sa kanya at pagkatapos ay nagmadali na akong umalis ng rooftop.
 
Nakakapagtaka paano niya ako nakita sa tinataguan ko sa likod ng pintuan? At saka ang bilis naman niya mawala sa kanyang kinatatayuan kanina sa rooftop.
 
Anyway, kailangan ko nang balikan si Mikaela sa kuwarto. Kailangan na niya malaman ang ilang bagay na nalaman ko sa pagmanman kay Kai.
 
***
"Ell buti nandito ka na!" Humahangos na sabi sa akin ni Mikaela.
 
"Bakit ano iyon? May nangyari bang hindi maganda kanina nang wala ako Mikaela?"
 
"Yung babaeng nagpakita sa atin doon sa cafeteria lumitaw na naman siya ulit sa harapan ko."
 
"May sinabi ba siyang mahalaga sa'yo?"
 
"Kailangan daw natin makita at mawasak ang aklat ng propesiya." Bigla akong napakunot ng noo sa turan ni Mikaela. Naalala ko kanina nang nakita ko si Kai sa rooftop, nabanggit niya sa kanyang sarili na nawasak na raw ang buong libro maliban lamang sa huling pahina. Hindi kaya ang talagang gustong sabihin ng babaeng nagpakita kay Mikaela ay yung nawawalang huling pahina ng propesiya?
 
"Sige hanapin natin ang libro." Iyon na lamang ang isinagot ko kay Mikaela. Hindi ko muna sinabi sa kanya ang aking natuklasan. Baka kasi malito lang siya at masyadong maguluhan.
 
Sa tingin ko ang dapat talaga namin mahanap ay ang nawawalang pahina. Pero saglit lang bakit pati kami kailangan pa namin hanapin iyon nawawalang pahina? Tutal aalis na rin kami kapag sapit ng umaga. Bahala na.
 
***
Naglalakad kami ngayon ni Mikaela sa hallway. Hindi naman alam kung saan nga ba kami patutungo nang biglang napatigil kami. May naulinigan kaming dalawa ni Mikaela na kakaibang tunog. Parang tunog na nagmumula sa isang ahas.
 
"Sssssssh..."
 
Naramdaman kong napahawak ng mahigpit sa aking kanan braso bigla si Mikaela.
 
"Ano 'yon Ell?" Kinakabahan na tanong sa akin ni Mikaela.
 
"Hindi ko alam. Mas mabuti pa siguro kung magmadali na lamang tayo sa paglakad." Tugon ko sa kanya. At pagkatapos ay naglakad na kami ng mabilis sa hallway. Ngunit nang maabot na namin ang dulo ng hallway ay pareho kami nagulat sa sumalubong sa amin.
 
"Kumusta Ell at Mikaela? Saan kayo pupunta?" Biglang nagpakita sa amin si Zoey at nakangisi pa ito.
 
"Zoey...?" Kinakabahan kong sabi.
 
"Oo naman Ell. Wala ng iba pa." Pagkatapos sabihin iyon ni Zoey ay napansin kong biglang nag iba ang kulay ng mga mata niya. Naging kulay berde ito. Hanggang sa narinig kong bumulong sa kaliwa kong tainga si Mikaela.
 
"Ell yung balat niya tingnan mo." Tumingin naman agad ako sa balat ni Zoey at nanlaki ang mga mata ko. Biglang may tumutubong mga kaliskis dito.
 
"Mikaela kailangan natin bumalik sa kuwarto." Bulong ko kay Mikaela. Tumango naman siya.
 
"O, ba't parang nakakita kayo ng multo?" Nakangising tanong sa amin ni Zoey. Hindi na namin siya sinagot. Ang ginawa na lamang namin ni Mikaela ay tumakbo nang mabilis papalayo kay Zoey.
 
"Aaaaaaaah!" Narinig namin ni Mikaela na sumigaw nang malakas si Zoey. Parang nagagalit ito. Hindi na namin pareho nilingon si Zoey. Ang mahalaga na lamang ay makabalik na kami sa kuwarto. Baka kung ano pa ang gawin sa amin ni Zoey kapag naabutan niya kami.

Exodus (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon