Exodus 2: Flyer

9.2K 234 37
                                    

"Paano na kami makakaalis nito ng mga barkada ko?" Bulong ko sa aking sarili. Mukhang wala pa naman vulcanizing shop dito? Hanggang sa may narinig akong tumawag sa aking pangalan. Nilingon ko ito at nakita kong si Isaiah. Sabay-sabay na silang lumabas ng convenience store nina Zac, Ivan, at Raphael.

"Ano nangyari? Ba't parang gulat na gulat iyan mukha mo Ell?" Tanong sa akin ni Raphael.

"Flat yung mga gulong nitong sasakyan natin." Sagot ko. Biglang nanlaki ang mga mata ng apat sa aking sinabi. 

"Malaking problema ito. Paano tayo makakarating agad sa Isabela kung flat ang mga gulong ng kotse?" Aniya ni Ivan na nakataas ang kilay. Napansin ko naman kumuha ng isang pirasong sigarilyo sa kaha si Zac. Nilagay niya sa bibig ito at sinindihan ng lighter. Mukhang na stress siya bigla dahil sa kinahinatnat ng kotse.

"Damn't it! This is bullshit! Eh mukhang hindi lang basta na flat ang mga tires. Mukhang may sumabotahe talaga. Bakit may tastas? Patay ako sa uncle ko nito. Hiniram ko lang sa kanya iyan!" Naaaburidong saad ni Zac. Mukha nga na magiging problema sa amin lahat ang flat tires. Mukhang wala pa man din malapit na vulcanizing shop dito.

Hindi sa kalayuan kung saan nakaparke ang sasakyan namin ay may narinig kaming lahat na tilian ng mga babae. Napatingin kami sa isang kulay asul na van. Parang dito nanggagaling ang tilian. Naisipan namin puntahan ito. Paglapit namin sa asul na van ay may nakita kaming mga pamilyar na mukha. Ang mga girlfriends ng barkada ko. Teka anong ginagawa nila rito?

"What are you doing here Penelope?" Tanong ni Ivan. Girlfriend ni Ivan si Penelope. Tatlong taon na sila sa relasyon. Kaso bago kami mag graduate nabalitaan na lang namin na naghiwalay na raw sila. May attitude problem kasi si Penelope. Kahit nga ako hindi ko rin siya gusto. Though maganda siya pero lahat ng gusto niya ang dapat nasusunod parati. Hawak niya nga sa leeg si Ivan. Kaya nag decide si Ivan na siya na mismo ang makipag break kay Penelope. Medyo odd no? Boyfriend talaga ang nakipag break sa girlfriend. Poor Penelope.

"Ivan are you not happy kasi nandito ako, kami ng iba kong friends at ng mga girlfriends ng mga barkada mo." Maarteng turan ni Penelope. Nakita ko naman na napaismid lang si Ivan sa kanya at nag taas ng kilay.

"Ano bang nangyari sa inyo at nagtititili kayo kanina?" Basag ko sa tensyon sa pagitan nina Penelope at Ivan. Hindi naman sumagot si Penelope sa tanong ko. Ngumuso lang siya at itinuro ang mga gulong ng van nila. Nagulat naman ako sa aking nakita pati na rin sina Ivan, Zac, Isaiah, at Raphael. Flat din lahat ng mga gulong ng van nila katulad sa amin. Ang weird. Paano naman iyon nangyari? Is this some kind of a joke?

"What the hell!" Bulalas ni Zac.

"Can you help us guys?" Tanong ni Stacey. Si Stacey naman ang girlfriend ni Zac. Kung si Penelope ay may attitude problem, si Stacey naman ang masasabi kong santa. Bukod sa maganda ay napakabait pa. 

"Sorry baby pero flat din ang mga gulong ng kotse na sinakyan namin eh." Sagot ni Zac sa girlfriend niya.

Hindi ko alam kung bakit ginawa sa amin ito. Wala rin akong ideya kung sinong loko-loko ang sisira ng mga gulong ng mga sasakyan namin lahat. 

Napatingin naman ako sa isang babaeng nasa likuran ni Stacey. Si Mikaela. Siya yung nililigawan kong babae ngayon at hindi ko inaasahan na kasama rin siya. Malamang sinama siya ng ate niya na si Denise yung girlfriend naman ng best friend kong si Raphael. Nginitian ako bigla ni Mikaela. Ginantihan ko rin naman siya ng ngiti.

"Guys paano na tayong lahat ngayon? Nga-nga-bells na lang ba?" Mataray na sabi naman ni Zoey habang nakapamewang. Si Zoey naman ang long time girlfriend ni Isaiah since high school. Sa kanilang mga mag babarkdang babae si Zoey at Penelope ang mag best friends. Kaya no doubts kung may attitude problem din si Zoey. Hanga nga ako kay Isaiah eh, mantakin mo ba naman na nakatagal siya sa isang brat girl na kagaya ni Zoey.

"Pero teka nga muna ano ba talaga ang dahilan at nandito kayong lahat?" Tanong ni Ivan.

"Sinundan namin kayo. Simple as that." Direstahan sabi ni Penelope kay Ivan. Don't tell me hindi pa rin matanggap ni Penelope na break na silang dalawa ni Ivan? Kaya hanggang dito sinundan niya si Ivan para makipag balikan? Dinamay at sinama pa ni Penelope ang ibang mga kaibigan niya sa kanyang pagiging desperada. Napailing na lang si Ivan sa sinabi sa kanya ni Penelope sabay buntong hininga nito.

Napagdesisyunan na lang ng lahat na iwanan na lamang namin muna sa stop over ang mga sasakyan upang maghanap ng isang vulcanizing shop. Nagsamasama na lang kaming lahat sa paghahanap habang naglalakad sa mahabang  kalsada.

Lahat ng mga barkada ko kaakbay nila ang mga kanya-kanyang girlfriends maliban lamang sa akin at kay Mikaela. Kapansin-pansin naman ang pilit na pag iwas at pag layo ni Ivan sa kanyang ex-girlfriend na si Penelope. Masyadong trying hard si Penelope just to get the attention of Ivan. Siya mismo ang umaakbay sa balikat ni Ivan. Pero si Ivan parang diring-diri sa ginagawa ni Penelope sa kanya. 

"Slut." Bulong ni Mikaela sa kanyang sarili. Narinig ko naman ang kanyang sinabi patungkol kay Penelope habang pinagmamasdan niya ito.

"Sinabi mo pa." Bulong ko naman kay Mikaela. Nagkatawanan naman kami pareho sa bawat isa. Totoo naman talaga ang sinabi niya tungkol kay Penelope. Slut. Hiwalay na nga silang dalawa ni Ivan pero si Penelope pilit pa rin na naghahabol at lumalandi rito.

Napansin ko naman na may pinulot sa daan si Mikaela na isang kapirasong papel. 

"Ell, tingnan mo 'to." Iniabot sa akin ni Mikaela ang papel. Villa Exodus Resort.

"Mag stay na lang kaya muna tayo diyan? Dumidilim na rin kasi ngayon sa daan. Saka based sa flyer malapit lang naman ang resort sa stop over na pinanggalingan natin kanina." May point nga si Mikaela. Mukhang dapat nga muna kami pumunta at mag stay for a while sa Villa Exodus Resort na ito.

Tinawag ko ang iba namin mga kasamahan at nagtipon-tipon sa isang gilid ng kalsada. Sinabi ko sa kanila ang suhestiyon ni Mikaela na mag stay na lang muna sa resort na nakita namin sa flyer. Sumang-ayon naman ang lahat. Saka kanina pa kami naghahanap ng vulcanizing shop pero bigo kami na makakita. 

Bumalik na kami lahat sa stop over. Kinuha namin sa mga sasakyan ang mga bagahe na dala ng lahat. Pagkatapos ay iniwanan na namin ang mga sasakyan pangsamantala sa stop over at sinimulan ng tahakin ang direksyon papunta sa Villa Exodus Resort.

Exodus (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon