"Tsk mabango ka din naman ah. Bakit hindi yang sarili mo ang amuyin mo!" Sigaw na sabi nito.

Mabango ako?

Bigla nitong tinakpan ang bibig nya bago galit na tumingin sakin.

Whahahahaha ang cute!

"Wala ng bawian." Nakangising pang aasar ko pa dito.

"Bwisit ka!" Sabay tabig pa nito sa akin syaka nagtuloy tuloy ng pumasok sa loob ng kotse ko.

Nilagay ko na ang bag nito sa back seat bago ako pumasok sa kotse.

Tumingin muna ako sa kanya.

Naka cross arms sya't nakanguso.

Ang cute talaga hahaha.

Pinaandar ko na din agad yung kotse dahil baka ma late si Miss sunget. Hmmmm edi lalo itong susunget pag nangyari yun, I know nagtitimpi pa sya ng lagay na yan. Ang liit liit eh, paano nya napagkakasya yung ganung kasungitan sa katawan nya?

Nang nasa school na ay dali- dali akong bumaba para pagbuksan ito.

Kinuha ko din ang bag nya sa likod syaka hinawakan yung kamay nya't inalalayan syang lumabas ng kotse. Napatingin ako sa kanya na nakataas ang isang kilay kasi hindi nya ako binawal sa ginawa ko.

Nang makarating na sa gate ay inabot ko na ang bag nya.

"Galingan mo ah" Sabi ko pa pero hindi nya ako pinansin.

"Sunduin kita mamaya miss sunget!" Pahabol ko sa kanya at this time ay nilingon nya na ako. Nakasinghal yung mukha nya't mukhang inis na inis sa hindi ko malamang dahilan.

"Tsk! Panget" Sabay talikod nya't takbo papalayo ng tumunog yung bell na senyales na start na yung class.

Nanlaki yung mga mata ko't napanganga pa ang bibig ko sa narinig.

What??!!

Panget?!!

Ako?! Panget?!!

Kelan pa naging panget ang maganda?

Arrrrrrrggggg

Hindi pa ako nakaka move on sa 'rapist' na sinabi nya sa akin tapos ngayon panget naman?

I know medyo pasaway akong tao pero honest naman ako! Di makatarungan na bigla bigla na lang syang maglalabas ng ganung kasinungalingan sa bibig nya!

Hindi yun makatarungan!

Inis na tumingin ako sa kanya.

Nasaan ang hustisya?!

Likod na lang nito ang nakikita ko. Nang biglang may humarang sa view. Mukha iyon.. medyo mukha lang paa.

"Oh ano pang ginagawa mo dito panget?" Pang aasar ni kuya Gary.

Sa halip na mainis ay nakangising tinitigan ko ito.

"Parang ang haba na masyado ng buhok mo kuya Gary.. may gunting akong-"

"Alis!!!!"

"Pfftttttt Hahahahaha sige sige sige.. love you kuya Gary muah muah" Nag flying kiss pa ako sa kanya pero binunot lang nya ang batuta niya at inamba sa akin.

"Bye bye!" Sabay talikod ko na tuloy sa kanya't nagtatatakbong sumakay sa kotse ko.

Nakarating din agad ako sa bahay. Nilagay ko muna sa garahe yung kotse. Ni lock ko din yun agad bago nag tuloy- tuloy sa office ko.

"May mga tumawag ba?" Tanong ko kay Cindy.

Sya ang tumatayong assistant ko slash secretary slash treasurer and keys keeper.

Seven DaysWhere stories live. Discover now