You see si Karlo lang ang matino sa grupo na ito. Lahat sila retarted, sadly pati ako pala.

Si Karlo ang nag aayos ng mga gulo na pinapasukan namin, which is wala naman syang kasalanan pero sya yung namomoblema. Nag te-take ito ngayon ng law sa U.P. Amazing right?

"Mag pupustahan tayo para mas exciting"

"Ayoko ng ganyan.." Kontra ko agad. Hindi lang talaga ako komportable sa mga sugal sugal na yan. Lalo na pag may perang involve. Hindi maganda kinakalabasan.

"Birthday mo?" Nakangising tanong nito.

"Wag kang pakasaya, baka maging last na birthday mo na yan.. Walang pustahan, mabubuhay ka ng matagal." Pananakot ko dito. Pasimple lang yun, dahil pag nahalata nya na ayaw ko ng pustahan mas lalo nya yung gugustuhin. I know why, kasi nung nalaman ko na takot sya sa gagamba hinagisan ko sya ng isang kahon nun. Friendship logic. If she hates it, give it to her. If she likes it, don't give it to her.. throw it, destroy it, flush it in the toilet.

"Pffttt whahahahahahaha"

"Ahh walang ganyanan" Reklamo agad nito at bumulong bulong na. Na kesyo birthday naman daw nya. At matagal daw nya iyong pinag isipan. Ayaw daw syang pagbigyan.

"Oo na.. Sige na.. Daming drama.. punasan mo na yang luha mo". Nakatawang sabi ko dito. Pero nasa kalagitnaan na din ako sa pagkuha ng upuan at ihampas sa kanya sa kaOAyan nya.

" Hahahahahahahaha" Mga abnoy yan. Hindi na talaga ako magugulat kung mabalitaan kong may record sa mental hospital yung mga yan.

"Tsk so ganito. Pustahan ang gusto-"

"Baka pwedeng tanggalin na yan?" Tanong ko dito. Sweet pa yung boses ko at magalang yun! Omuoo ka na nyeta! Hahampasin na talaga kita ng upuan!

"Hayaan mo na.. Birthday naman nya" Sabi ni Karlo. Minsan lang yan magsalita, pero may sense. Eh di sige. Tumango na lang ako. Si Lawyer na ang nagsabi eh. Case closed.

"Yes!!!"

"Shhhhh" Bawal dito ni Charles.

"So ganito nga.. Simple lang.. Kapag nanalo ka.. bibigyan ka namin ng tig five thousand". Excited na sabi nya. Tumingin muna ito sa tropa for approval. That's unfair! Bakit sakin di sya- aysss oo na oo na. Nyeta. Kung alam ko lang na ganito yung gagawin nya edi sana pala pinatakbo ko na lang sya na nakahubo nung intrams namin.

"Sige ok lang"

"Five thousand? Game game"

"Sige sige"

Pag sang ayon ng tropa.

"Pero pag natalo ka.. bibigyan mo kami ng tig five thousand. 55, 000 in total" Sabi nito. Nanlaki ang mata ko. Putek na yan! Medyo malaki iyon ah. Dapat talaga pinatakbo ko sya ng nakahubo nung intrams. Wait- let me build a time machine.

Tumango na lang ako para matapos na. Wala na din naman akong magagawa sa totoo lang. Quantity matters dito sa tropa. Since 11 sila , ayun bigti na lang.

"Kailangan maging kayo nung pampitong papasok sa 7/11 sa loob ng pitong araw" Nakangiting sabi nito. Pero alam ko kung anong nakatago sa ngiti na yun.

"Ha?!!! Ayoko nga! Paano kung matanda?! ha! At pano kung batang sipunin?! Ayoko nyan!" Reklamo ko agad. Magrereklamo talaga ako! Pause this shit, tatawag ako ng abugado!

"Yan talaga ang problema mo?. Hahaha di mo ba narinig? Kailangang mapaibig mo sa loob ng pitong araw" Si Menard. Pang asar. TSS bakit ba kasi nagsama sama yung mga abno na ito? At tinamaan ng bala ni batman naman oh! Bakit ko nakalimutan yung birthday ni Gerald?

"Tsk madali lang yun.. " Salubong ang kilay at bahagyang nakangusong sabi ko. Di talaga ako natutuwa sa nangyayari.

"Wow! Someone's cocky" Violet

"I'm just being honest-"

"And cocky" Violet

"Tsk basta ayoko nyan.."

"Birthday mo?" Tanong ulit nung lalaking humihingi ng death wish.

"Magiging last mo na talaga to" Inis na banta ko dito. Hindi naman sa pagmamayabang pero kaya kong gawin iyon. Ako kasi ang pasimuno sa gulo at mga away. Kapag may umaaway sa tropa ko, nireresbakan ko.

At wala namang rules na nagsasabing bawal mo gawin yun sa katropa mo.

Masasampolan ko talaga tong ugok na to.

"Pagbigyan mo na"

"Oo nga naman"

"Just for fun .. walang personalan"

"Tsk! Wala daw!"  Asik ko sa mga ito. Eh namemersonal tong loko na to eh!

Tumango na lang ako. Kahit ayaw ko. Putek na yan! Labing isa sila, mag isa lang ako. Lugi amputek!

"So game na!! Now!" Sabi nito na tinuro pa yung pinto. Mukha kaming tanga na titig na titig doon.

"One" Tukoy namin sa matanda na may kasamang bata.

"Pati ba yung bata?"

"Shunga ! Malamang!"

"Basta yung lahat ng papasok" Sabi ni Gerald

"Edi two na"

"Paano pag sabay?"

"Yung pinakaunang hahawak ng pinto" Sagot nito.

"Kalokohan to!" Sabi ko. Kinakabahan ako putek na yan! Pag uugod ugod na yan, tatakbo na ako ah.. Lokohan pala eh! Ngudngod ko sila dun!

"Ehh kung ayaw mo, madali lang naman. Bigyan mo kami ng tig, fi-five thousand". Kahit hindi ko ito tignan alam kong nakangisi ito.

"Three" Yung babaeng naka uniform. May kasama itong dalawang ka klase.

"Four"

"Five"

May papasok na sanang babae pero inunahan ito ng isang lalaki.

"Shit!"

"There you go!".

"Si number seven"

"Guysssss!" Reklamo ko. Oo alam nilang confuse ako pero wag naman ganito.

"wooooohoooooo" Nag ce-celebrate na sila. And I'm in deep shit right now. Ganyan silang kaibigan. Buti nga yung iba pag nadapa sila tatawanan muna sila ng tropa nila pero tutulungan din pagkatapos eh itong mga abno kong tropa? Sila yung nagtutulak para madapa ako, pi-picturan at gagawing memes sa Facebook, pagkakaperahan at hindi tutulungan.

"Oh paano ba yan? Seven days ah.. Ngayon yung Day One.. Good Luck! Guyss! Punta na tayo sa bahay!!!!" Sigaw pa nito pag katapos.

"Shhhhhhhh" Bawal ng mga tao sa 7/11.

Napalunok ako ng iwanan na nila ako at pinag tatapik pa ako sa balikat. Sign of Good Luck.

"Malay mo, after nito hindi kana confuse" Sabi pa ni Isaac. At sumunod na din ito sa tropa.

Ang tropa.

Minsan masaya kasama.

Madalas ipinapahamak ka.

Hayzz.

Tumingin ako kay number 7.

"Babe ang tagal mo naman" Sabi ng lalaking nilapitan nito. Napa- face palm na lang ako. Kung minamalas ka nga naman oh. Taken pa!!. Ano ba yan!!!

Arrrrrrrrrgggggg!

-------------------------------

Seven DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon