Bigla akong kinabahan. "H-ha? P-prepared? Ahmm, b-bakit po?" 

"Just follow what I've said, okay? Rush na kasi ang nangyari sa Seoul, e. Maiintindihan mo din kapag nakita mo na sila, okay?" 

"A-ah, sige po." Pinatay na niya yung tawag. Next week na kaagad? Bakit parang ang bilis naman? Pero, sabagay ganun na din yun. 

Ano ba yan. Bigla naman akong kinabahan. Hindi ako alam pero sa tono kasi ng boses ni Mary, parang napakadelikado ng nangyayari sa Seoul. Ano kayang meron sa koreanong magiging kaibigan ko? Hindi kaya ex-convict yun? 

Hindi naman siguro. 

**

One week after. 

NANDITO na kami ni Mary sa airport. Kinakabahan nga ako, eh. Hindi ko alam kung bakit. Halos isang oras na kami dito. Nakaupo lang kami sa loob ng airport. 

Thank God at wala na sina Kuya sa bahay. Pero nong last day nila, kumain kami sa kung saan-saan. Gusto daw nila akong makasama hindi daw yung puro Kpop ang alam ko. Hahaha! 

"Annika, maiwan muna kita dito, ha? Magbabanyo lang ako," tumango lang ako sa kanya then umalis na siya. 

After 10 minutes, wala pa din si Mary. Kinabahan na ako bigla. Hindi kaya niloloko lang ako ng babaeng yun? Maya-maya ay napatayo ako nang biglang dumami ang mga tao. As in, madami talaga! Puro babae pati na halos kasing edad ko! 

Anong meron dito? May artista ba? 

Medyo nakisingit ako sa kanila, wala naman akong makita kasi nga maliit ako. May tumutulak pa sa akin. Aray ko! Bigla kasing may tumapak sa paa ko. Nang hindi na ako nakatiis, umalis na ako sa kumpulan at naglakad na ako palayo. Shit. Mary, nasaan ka na? 

Nagulat na lang nang biglang may humawak sa kamay ko at higitin ako paalis sa lugar kung saan maraming tao. Nakita ko din na biglang nag-alisan yung mga tao sa gitna ng airpot dahil sinaway na sila nung mga guards sa airport. 

Teka? Sino naman tong humawak sa kamay ko? Pero, infairness! Ang lambot ng kamay niya! Nang tingnan ko siya, medyo napangiwi ako kasi tabon na tabon ng mga jacket ang katawan niya. Tapos, naka-bonet pa siya, naka-shades tapos may suot na headset. Yung totoo? Saan galing ang nilalang na to? 

Hindi ko maaninaw ang mukha niya kasi medyo malaki ang shades na suot niya. Ang alam ko lang, ang tangkad at sobrang puti niya. 

"Ahmm, yuhooo! Sino ka po? Puwede niyo bang bitawan ang kamay ko?" Napakunot-noo ako. Hindi kasi siya sumagot. Ni hindi din siya natingin sa akin. Nakatungo lang siya habang naglalakad at higit-higit ako. Sino ba kasi ito?! Letse ha. Napalinga ako sa paligid, halos lahat nakatingin sa amin. Lalo naman sa lalaking kasama ko! Duh? I don't even know him! 

Sa medyo walang tao kami tumigil ni Mr. Unknown. Hindi ko pa din talaga makita ang mukha niya! Hindi kasi siya nakatingin sa akin. Tinitigan ko na lang siya kahit nakatalikod siya. Ang tangkad niya talaga! Ang ganda ng kutis niya tapos ang puti-puti pa. Para siyang artista sa tindigan niya. Sino kaya to? 

Nakatingin lang ako sa kanya habang may kausap siya sa cellphone niya. Ang ganda pati ng cellphone! At ang laki pati. Napakunot-noo ako. May narinig kasi akong korean word na inimik niya. Korean?! So it means, koreano ang lalaking ito?! 

Ah ewan ko! Buwisit. 

Napakamot na lang ako sa ulo ko. Tatalikod na sana ako nang magsalita siya. 

"U-uhh, H-hey, wait!" 

Tumingin ako sa kanya. Puchaaa! Bakit hindi ko ba kasi makita ang mukha niya? Maliwanag naman tapos hindi ko makita?!  Napatingin ako sa likod ko nang biglang may sumulpot. Si Mary Lee at si..... teka? Kilala ko to ah? Si.... Lee Seunghwan ba to?! Yung overall manager ng exo? Marami kasing manager ang Exo, eh. Si Im Hyun Kyun tapos kung sino-sino pa!  

"Tita Mary, akala ko naman po iniwan niyo na ako. Nasaan na po ba yung koreanong makakasama ko na sinasabi niyo?" Bahagya akong lumapit sa kanya at bumulong ako. "Bakit kasama niyo si Lee Seunghwan? Manager ng Exo yan diba?" 

Hindi ko na pati napansin yung lalaki sa likod ko. Hindi ko naman siya kilala, eh. Pakialam ko ba sa kanya? Hmp! 

Nakangiting tumango siya at bahagyang natawa. "Ahh, yes." Tumingin siya kay Lee Seunghwan. "This is Annika and Annika, this is Mr. Lee Seunghwan. Exo's manager." 

Nanlaki ang mata ko pero ngumiti ako. Nag-bow ako sa kanya saka ngumiti. "Annyeong!" Bati ko sa kanya. "My name is Annika. Nice to meet you!" 

Tumango lang siya sa akin at kinamayan ako. Eh? Serious face talaga dapat? Nakakatakot pala talaga ang kumag na ito. Pero kahit ganon, ngumiti pa din ako sa kanya kahit ang pangit-pangit niya. Joke! 

"Tita Mary, nasaan na po yung ----" Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang lumapit sa amin yung lalaking nanghigit sa akin. I mean, sa tabi pala ni Lee Seunghwan.

"Anyway, that's the guy I was talking about." Sabi ni Tita Mary. 

Ngumiti ako dun sa lalaki. "Hello!" I bowed a litle. "I'm Annika! What's your name?" 

Nang ngumiti siya, biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. His smile.. It reminds me of Luhan's.... Nakatitig lang ako sa kanya. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang ilahad niya ang kamay niya sa akin. 

"Hi Annika. I'm Luhan." He smiled at me. 

Napanganga na ako ng tuluyan. Luhan? Siya si Luhan? Hindi ba ako nananaginip?! Bakit hindi ko man lang namukhaan kanina? Siya ba yung pinagkakaguluhan ng mga babae dun sa labas?! Bakit hindi ko naramdaman na siya si Luhanbaby ko?! 

Nang tanggalin niya yung shades niya. 

Suddenly, my knees turns into jelly. Luhan. Is that really you? Nang ngumiti muli siya sa akin, hindi na ako nakatiis. And the next thing happened, everything went black. 

**

Votes and comments! 
Thankyou! <3
-Kai

The Kpop Star And IWhere stories live. Discover now