"Opo. Salamat po." Humayo na si Sonia Marie at sina Regiena at Jelor na lamang ang naiwan. Pinagmasdan muna siya ng lalaking anghel. Gayundin naman ang ginawa niya rito. Tila balisa ito habang siya ay tinititigan. Hindi nya maiwasang ibalik ang atensyon sa kakisigan nito. Lihim siyang humanga sa maskuladong pangangatawan ng magiging tagapagsanay. Paghanga na tila nababahiran na ng malisya. Kung mahuhulog man siya ay malamang umibig na siya rito sa unang pagtatagpo palang nila. Lalo pa't walang harang na pumipigil sa kanyang emosyon. Tila hindi nabura ang emosyon ng pag-ibig at pagpapantasya sa kanya. Labis na paghanga ang nadama niya para rito. Kinabahan siya sa isinisigaw ng kanyang puso.

"Tatagan mo ang loob mo Regiena. Sumuko ang dating anghel de la guardia ng taong babantayan mo. Kailangan mo siyang mabago. Tayo na." Bigla na lamang nitong nilahad ang mga pakpak at saka iyon kinampay upang lumipad pababa sa lupa.

"Mahabaging Diyos gabayan nyo po ako." Napakagat nalang siya ng kanyang mga labi.

Saka niya nangangatog na inilahad ang kanyang mga pakpak. Kailangan niyang kalimutan kung ano man ang gumugulo sa kanya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay bababa siya sa lupa. Sinimulan nyang ikampay ang kanyang mga pakpak. Nakipagpatintero siya sa hangin at ulap pababa. Madilim pa ang paligid sa daigdig ng mga mortal. Nakaramdam siya ng kakaibang galak at pananabik ng makita ang mundo ng mga tao. Naroon ang malalaking gusali. Sa isang banda ay mga kabundukan at karagatan. Ngunit ang pinagtataka niya ay isang lugar na madumi at mga sira-sirang mga bahay ang kanilang tinatahak.

Tumigil si Jelor na kanyang sinusundan sa isang bahay na sementado naman ngunit ang pinto ay tela lamang at ang bubong ay gawa sa lumang yero.

"Narito ang taong babantayan mo." Lumakad ito sa pader at tumagos lamang.

"Nasan na siya?" Tanong ni Regiena sa sarili.

"Tumatagos tayo sa kahit anong mga bagay." Nabigla siya ng biglang lumabas ang ulo nito sa pader.

Pumikit siya at saka lumakad papunta sa direksyon ng pader. Pagmulat niya ay nasa loob na siya ng bahay. Napakagulo sa loob at isang babae na nakasuot lamang ng panloob nito ang natutulog.

"Siya ang una mong misyon dito sa lupa. Ang pangalan niya ay Jecka." Pagpapakilala ni Jelor.

"Jecka." Pinagmasdan niya ito at lumapit pa nga sya rito. "Mukha naman siyang maamo. Bakit nahirapan ang dati nyang anghel de la guardia?"

"Maagang naulila sa ina si Jecka. Ang kanyang ama ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Napatay ito sa harap niya mismo. Wala siyang kapatid. Ang kanyang nga kaanak ay pinabayaan na siya. Dito sa squatter area na ito kung tawagin nila dito sa Maynila siya nakatira. Pagbebenta ng kanyang katawan sa kahit na sino ang pambuhay nya sa kanyang sarili."

Napalunok nalang siya sumunod na mga inilahad nito. "Si Jecoba Rubia ang demonyong nagbabantay kay Jecka. Masyadong maimpluwensya ang demonyong iyon. Balita ko nga ay nakakausap na ni Jecoba si Satanas ng personal dahil sa galing nitong magpalaganap ng kasamaan."

Isa pang lunok at halos matuyuan na siya sa lalamunan. Saka nya napagtantong hindi biro ang kanyang unang misyon sa lupa.

"N-nasan na si Jecoba? Bakit wala pa siya rito?" Tanong niya.

"Iyan din ang pinagtataka ko. Kadalasan ay maaga palang ay nandito na ang demonyong yon."

Ilang sandali pa ay pareho silang nanghina. "Aaahh... ano'ng nangyayari?" Nalagasan din ang kanilang mga pakpak.

"Isa itong masamang pangitain. May nagawa na naman ang kasamaan laban sa kabutihan. Noong isang araw ay nangyari na rin ito." Sambit nito.

"Ano po kaya iyon?"

"Huwag mo na munang intindihin iyon. Papaimbestigahan din yan ng langit. Tingnan mo magigising na siya. Hangga't wala si Jecoba ay gabayan mo na si Jecka. Tayong mga anghel ay kapag iniiwan lamang ang ating mga binabantayan na tao kapag sila ay natutulog. Ang mga demonyo naman sa oras na maging mabubuting nilalang na ang mga tao ay iniiwan na nila ito. Kapag nakahanap nalang sila ng pagkakataon upang gawing masama ang tao saka sila bumabalik. Mga tuso sila."

"Hmmmmm....." pinagmasdan nila ang unti-unting paggising ni Jecka. "Tang na buhay pa ako." Bungad ng mortal paggising.

"Jecka... mali yan. Isa itong bagong araw para ituwid ang buhay mo." Bulong niya sa babae. Tila napaisip naman ito.

"Hanggang dito nalang ba talaga ako?" sunod na tanong ng babaeng mortal.

"Hindi Jecka. Hindi. Maaayos mo pa ang buhay mo. Kailangan mo lang itigil ang mga ginagawa mo ngayon. Humanap ka ng mas matinong trabaho." Tugon niya rito kahit hindi siya nakikita.

"Bwhahahaha!" Saka natuon ang atensyon nila sa isang babaeng demonyo. Mahaba ang buhok nito kasing haba ng sungay at buntot nito. Mapula ang mga labi nito gayundin ang ilalim ng mga mata. "Masama na ang babaeng yan. Hindi mo na siya mababago pa. Wala na syang pag-asa."

"Siya si Jecoba Rubia." Saad ni Jelor.

"Hindi totoo yan! Lahat ay may pagkakataong magbago. Hindi ka magtatagumpay!" Buong tapang niyang pagpasubali sa naging pahayag ni Jecoba.

"Nagtagumpay na ako. Tuluy-tuloy na ang tagumpay ng kasamaan! Bwahahaha! Hindi nyo alam ang ginawa ko bago ako pumunta rito! Tingnan mo nalang ang mga gagawing kababuyan ni Jecka!"

Isang lalaking mortal ang biglang pumasok.

"Sino siya?" Tanong niya.

"Siya si Roland Edolmo. Kaibigan ni Jecka na may lihim na pagtingin sa kanya. Gusto niyang tulungan ang kaibigan pero wala rin siyang magawa dahil mahirap lang din siya. Ngunit alam natin na pwede pa silang makaligtas sa apoy ng impyerno." Tugon ni Jelor.

"Wala na. Wala na siyang pag-asa. Jecka. Alam kong nag-iinit na ang iyong mga laman. Ayain mo ng makipagtalik sayo si Roland. Maaga pa oh. Siguradong naninigas pa ang ari niya." Udyok ng demonyo.

"Bastos talaga ang bibig mo demonyo ka! Tumigil ka Jecoba! Wag mong gagawin yan Jecka! Magtulungan nalang kayo upang baguhin ang kapalaran nyo. Hindi nyo kailangang sirain pa ang mga buhay nyo!" Simula palang ay napapalaban na si Regiena.

"R-roland. Parang may nakabakat sa shorts mo." Lumapit na nga ang babaeng mortal palapit sa lalaki.

"Wag kang magpapadala sa kanya Roland! Ang gusto mo ay tulungan siya! Hindi mo siya matutulungan sa ganyang paraan!" Dumating naman ang anghel de la guardia ni Roland na si Mark Jade.

"Roland naman hinihintay mo ang pagkakataong ito na matikman si Jecka. Palalampasin mo pa ba?" Utos naman ng demonyong tagabantay ni Roland na si Zula Lunam.

"Masyado pang maaga Jecka." Umiiling na tugon ni Roland.

"Ang mga kliyente ko ay walang pinipiling oras at lugar matikman lang ako. Ikaw na kaibigan ko, hindi ka man lang ba naakit sa akin? Ayaw mo bang linisin ang dumi na binigay nila sa pagkatao ko?" humahagod at mapang-akit ang boses ni Jecka.

"Hindi ko sila katulad Jecka. Gusto kitang tulungan pero hindi sa ganitong paraan." Pare-parehong nakahinga ang mga anghel sa sinabing iyon ni Roland.

"Tama yan Roland. Mahalin mo si Jecka. Gamitin mo ang pag-ibig upang isalba ang babaeng pinakamamahal mo mula sa impyerno." Lumapit si Jelor kay Roland at ibinulong iyon bilang dagdag na payo.

Author's Note:

Ano pong masasabi ninyo? Hehe!

Social media updates:
Note: Automatic pong mapapasama sa babatiin ko sa next published books ko under Precious Hearts Romances ang mag-follow sa akin sa Instragram at subsribe sa Youtube!

Facebook: Neri Joy Jayson
-all about writing and my characters po ito
Twitter: @lady_25me
-stalking app hehe
Instagram: @neri_joy_jayson
-my personal space, if you want to get to know me dito po ako tambay
Booklat: Neri_Joy_Jayson
-may exclusive stories po ako dito sana ay mabasa niyo rin
Youtube: Neri Joy Jayson https://www.youtube.com/channel/UCduNEWNBT3UIBJrpmtdsc8g
-#NeriKemeVlog, youtuber din kapag may time. Hehe!

AN ANGELIC REVENGEWhere stories live. Discover now