Chapter One

8.1K 68 4
                                    

An Angelic Revenge
By Neri Joy Jayson

Chapter One

Bilang isang anghel may mga emosyong ipinagbawal sa mga ito. Mga damdaming maaring maging hadlang upang makapagpasya sila ng tama. Kailangan kasi ay wala silang kinikilingan sa kanilang mga misyon. Sa pakidigma ng kabutihan laban sa kasamaan dapat maging metatag ang kabutihan sa tukso. Ang pakikipagtalik, kalaswaan, kalibugan at maging ang makaramdam ng pagtangi sa ibang kasiraan ay binubura sa mga anghel. Pinapanuod kay Regiena ang mga tagpo at sitwasyong nabanggit. Habang inaalis ang mga bawal na emosyon sa kanya. Hanggang sa wala siyang naramdamang reaksyon sa mga nakita.

Totoo ang mga anghel. Iba-iba ang papel na kanilang ginagampanan bilang pagsisilbi sa kalangitan. Ngunit ang mga anghel na nagbabantay sa mga tao ay tinatawag na anghel de la guarda o guardian angels. Karibal nila sa pagbabantay sa mga tao ang demonyo. Sa bawat isang tao ay may isang anghel de la guardia at isang demonyo ang nagbabantay. Sila ang nag-uudyok sa mga tao sa paggawa ng kabutihan o kasamaan.

Matapos maging anghel na tagamasid lamang ay sasabak na si Regiena Nicolle para sa kanyang unang misyon bilang anghel de la guardia. Gagabayan siya ni Jelor Alexis. Isang mas mataas na ranggo na anghel kaya naman taga-gabay na ito sa ibang mga anghel tulad ni Regiena Nicolle.

"Napakagaling na taga-gabay ni Jelor Alexis. Marami kang matututunan sa kanya. Hindi ka nya pababayaan." Kinamayan siya ni Sonia Marie. Ang babaeng anghel na dating ginagabayan ni Jelor. Natapos na nito ang pagsasanay kaya naman ganap na itong anghel de la guardia at hindi na kailangang bantayan pa. Sa pagdampi ng balat nito sa kanya ay tila may isang bahagi sa kanya na nawala. Nag-iinit siya. Hindi niya maintindihan ang kakaibang nadarama. Mabilis ang kabog ng kanyang dibdib.

"Nakakatuwa naman kung gayon. Sana ay magawa ko ng maayos ang pagiging anghel de la guardia." Hinigpitan nya ang pagkakakapit sa mga kamay nito. Kinakabahan pa rin siya at hindi iyon magawang mawala.

Sabay silang napalingon sa lalaking nilabas ng isa sa mga pintuan sa kaulapan. Nakaputi itong kasuotan na abot hanggang tuhod. Makikita ang makisig na bisig ng lalaki. Ang pakpak nito ay malaki na tila marami nang pinagdaanan. Pero hindi niya maiwasang hindi maalis sa kanyang pansin ang kagandahang lalaki at kakisigan nito. Mali iyon. Hindi niya iyon dapat madama at isipin. Kabubura lang ng mga ganong klaseng emosyon ng paghanga sa kanya.

"Kung tao lang siya malamang pinagkaguluhan na siya ng mga kababaihan." Bulong ni Sonia sa kanya.

"Marinig ka ng langit." Tugon niya rito at pagpapatay-malisya.

"Wala naman akong ibig sabihin don." Pagpapasubali ni Sonia.

Tinanggalan ng emosyon upang umibig ang mga anghel. Wala silang kakaibang nararamdaman para sa kapwa nila anghel at sa mga tao na rin. Lahat ng papuri nila sa kapwa ay walang kakaibang kahulugan.

Lumapit si Jelor sa kanila. Unang binalingan ng lalaking anghel si Sonia. Nagkamayan ang mga ito. "Sonia muli maraming salamat. Maaari ka ng umalis. Pagbutihan mo ang iyong pagiging anghel de la guardia."

"Maraming salamat din po sa lahat Jelor. Tatanawin ko pong malaking utang na loob at hindi ko kakalimutan ang mga itinuro ninyo sa akin. Paalam po." Saka muling humarap ang babae sa kanya. "Paalam Regiena. Magkita na lamang tayo sa mga ulap. Maguumaga na. Magigising na ang bago kong babantayan sa lupa." Kapag tulog ang mga taong kanilang binabantayan ay saka lamang sila nakakapanik pabalik sa kaulapan.

"Salamat muli Sonia. Mag-ingat ka." Paalis na sana ang babae ng muling pigilan ni Jelor.

"Sandali lamang Sonia. Lumalakas ang pwersa ng kasamaan. Marami silang naiisip na taktika upang pabagsakin ang kabutihan."

AN ANGELIC REVENGEWhere stories live. Discover now