twenty

1K 34 12
                                    

EPILOGUE




After one year..




"CHANYEOL, JONGIN, SEHUN, SEULGI!!! FIGHTING!!!"


"Putcha, ang sakit sa tenga," reklamo ni Kyungsoo at tinakpan ang mga tenga niya.


"JONGIN, I LOVE YOU DAW SABI NI KYUNGSOO! GALINGAN MO!"


"PUTANGINA MO, BAEKHYUN!"


"HAHAHAHA PUTANGINA MO RIN!" sabi ni Baekhyun habang tinatawanan si Kyungsoo.


Nang magsimula ang music ay todo cheer si Baekhyun para sa banda. Eto namang si Kyungsoo ay hinihiling na sana ay lamunin na siya ng lupa dahil nakakahiya si Baekhyun.


Isang taon na ang nakakalipas mula matapos lahat ng pangyayari. Isang taon na at naging matino na ulit ang pamumuhay nila. Ang The Unbeatable ay nagpatuloy sa pagkakaroon ng music show guestings at nagpeperform kapag iniimbitahan sila. Nakapagrelease narin sila ng first single nila! At ngayon ang pinakaunang beses nila ipeperform ang single nila.


Pero hindi si Baekhyun ang vocalist.


Umalis si Baekhyun sa banda dahil naramdaman niyang hindi siya bagay sa kanila. He has a good voice pero hindi talaga siya pangbanda. Chanyeol insisted na siya nalang yung vocalist but Baekhyun refused. Kasi nga, dapat babae ang vocalist. Baekhyun reasoned at napairap nalang si Chanyeol. Nirecommend naman ni Baekhyun si Seulgi na nakita lang ni Baekhyun sa kalye habang kumakain ng Pringles at kumakanta ng kung ano-anong kanta. Pumayag si Seulgi dahil wala siyang trabaho at si Chanyeol naman ay wala nang nagawa.


Afterall, successful na naman sila.


Sa loob nang one year, marami na ang nangyari. Maliban sa successful na banda ay si Jongin at Kyungsoo ay magpapakasal na. Pumepeste kasi si Krystal at pinagkakalat sa buong social media na may relasyon sila ni Jongin. At dahil masamang magalit si Kyungsoo, inaya niyang magpakasal si Jongin. Si Kyungsoo pa talaga ang nagpropose at napangiti nalang si Jongin dahil kapag si Kyungsoo nagselos, padalos dalos ang gawain.


Si Luhan at Sehun naman ay.. walang progress. Biglang naglaho si Luhan nung naging tao siya. Literal na naglaho, nakita ni Baekhyun at Chanyeol kung paano tangayin ng hangin si Luhan nung naging tao siya. Hindi alam ni Baekhyun kung ano nang nangyari kay Luhan, pero sana nasa mabuting kalagayan siya. Nagawa niya naman yung mission eh, nasaan siya ngayon? Ayan tuloy, si Sehun nganga parin.


Si Chanyeol at Baekhyun? Ayun, sila na. Going strong naman ang relationship.


Di nga kasi pakipot si Baekhyun eh.


Kaya lang, seloso si Baekhyun.

The TransformationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon