nineteen

740 30 4
                                    

CHAPTER NINETEEN



"Baekhyun?"


"Hmm?"


"Pwede ba tayong pumunta sa garden ng hospital?" Chanyeol aksed.


Baekhyun closed the book he's reading, "Sige."


Tinulungan ni Baekhyun na makaupo si Chanyeol sa wheelchair niya. Pangatlong araw na ngayon ni Chanyeol sa ospital at bukas ay madidischarge na siya. Kailangan nalang pagalingin ng paa niya na napuruhan dahil sa aksidente. Wala sila Kyungsoo, Jongin at Sehun ngayon dahil umuwi muna sila para makapagpalit kaya si Baekhyun ang naiwan.


At ang awkward lang nila.


Tahimik lang ang dalawa habang tinutulak ni Baekhyun yung wheelchair ni Chanyeol papunta sa garden ng hospital. "Ano nga palang gagawin natin doon?"


"May sasabihin lang sana ako, Baek." sagot ni Chanyeol kaya napakunot ng noo si Baekhyun.


"Pwede mo naman sabihin sa kwarto kanina."


"Ehh," nagpout si Chanyeol. "Gusto ko sa espesyal na lugar naman, kahit na sa garden lang ng hospital para maganda ang background."


Napairap si Baekhyun, "Whatever."


Nakarating sila sa garden ng hospital at walang masyadong pasyente ngayon. Linibot ni Baekhyun yung tingin niya sa garden at nagandahan siya rito dahil alagang alaga yung mga bulaklak.


Napatingin siya sa kamay niya nang biglang hawakan ito ni Chanyeol. Naramdaman niya, nakuryente siya. "Baek, pwede bang i-upo mo ako sa bench?"


Hindi na nagtanong pa si Baekhyun at inalalayan nalang si Chanyeol na makaupo sa bench dito sa garden. Umupo siya sa tabi ni Chanyeol at nagmasid sa paligid. "Ano nga palang sasabihin mo?"


Nagulat siya nang maramdaman niya yung kamay niya na nakaintertwine sa mga daliri ni Chanyeol. Hinablot niya yung kamay niya pero hinigpitan ni Chanyeol yung kapit rito. "Ano ba, Chanyeol."


Chanyeol stared on their hands intertwined with each other and smiled, "Ang sarap sa pakiramdam marinig ulit yung pangalan ko mula sa bibig mo, Baekhyun."


Kinilabutan si Baekhyun nang banggitin ni Chanyeol yung pangalan niya. "Haha, ganon ba." he laughed nervously. Bakit ba ako kinakabahan?! Hindi niya naman ako kakainin ha?!


Ipinatong ni Chanyeol yung isa niyang kamay dun sa magkaintertwine na kamay nila ni Baekhyun, "Maganda parin yung mga kamay mo, walang kupas." magkaparehas na magkaparehas sila ng kamay ni Baekchan.

The TransformationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon