fourteen

752 27 1
                                    

CHAPTER FOURTEEN



"Baek? Baekhyun!"


Nagising si Baekhyun dahil sa sunod sunod na pagdoorbell at pagsigaw ng isang tao sa labas ng bahay niya. Puta, ang aga aga! Sino ba yun?!


Hindi pinansin ni Baekhyun yung tumatawag dahil inaantok pa siya, antok na antok. Pero hindi rin naman tumigil si Chanyeol sa kakadoorbell at kakasigaw sa labas ng bahay ni Baekhyun.


"Baekhyun! Nandiyan ka ba?! Si Chanyeol to!"


Napabangon naman si Baekhyun sa narinig niya. Chanyeol? Anong ginagawa niya dito ng.. 6:54 ng umaga?!


Yinakap ni Baekhyun yung kumot at pinakinggan yung pinagsisigaw ni Chanyeol. Siya nga, ang lalim ng boses eh!


"Baek!" nawawalan na ng pag-asa si Chanyeol. Wala nanaman siya? Ano ba yan, alis balik siya lagi!


Tumayo si Baekhyun sa kama at bumaba na. Ano bang kagaguhan ang hanap netong si Chanyeol ng ganito kaaga?!


Magdodoorbell na sana ulit si Chanyeol nang biglang bumukas ang pinto ng bahay at lumapit si Baekhyun sa gate. Napalunok bigla si Chanyeol dahil..


Messy hair, dalawang butones na nakabukas, collarbones, half lidded eyes.


Putanginasdfghjkl!!!


Nabalik siya sa realidad noong binatukan siya ni Baekhyun, "Gago ka talaga! Anong kailangan mo?!"


Sa hindi malamang dahilan ay hindi makapagsalita si Chanyeol. Parang nabara yung lalamunan niya. Lunok lang siya ng lunok ng laway niya dahil.. ang sexy ni Baekhyun pag bagong gising.


"Hoy! Napipi ka na ba?! Halika nga sa loob!" hinila ni Baekhyun si Chanyeol papasok sa bahay at hindi na nakapagprotesta pa si Chanyeol at nagpahatak nalang. Para nga siyang nakuryente nung hinawakan siya ni Baekhyun eh.


"Ano bang ginagawa mo dito, ha?" tanong ni Baekhyun nang makapasok sila sa bahay. Iniwan niya si Chanyeol na nakatulala sa sala at pumunta siya ng kusina para uminom ng gatas.


Sumunod si Chanyeol sa kusina at pinanood si Baekhyun na magsalin ng gatas sa baso, "Ano kasi.."


"Kasi?" Baekhyun asked, not even looking at Chanyeol as he finished pouring milk to his glass.


"Wala," Chanyeol bowed his head. "I'm just checking if you're still here. The last time kasi, bigla ka nanamang nawala."


Napatigil sa pag-inom ng gatas si Baekhyun at linapitan si Chanyeol, "Concerned ka?"

The TransformationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon