five

624 29 14
                                    

CHAPTER FIVE



Baekhyun swears na hindi niya parin talaga maintindihan kung anong dapat niyang gawin, kung anong dapat mangyari sa mission na ito. He wants to go back to his old self, gusto niyang maging lalaki na ulit dahil mahirap maging babae. Ang daming cheche bureche sa katawan. Nakakairita.


At ngayon, sobrang inis na inis si Baekhyun dahil.. nireregla siya.


"Puta! Luhan ibili mo nga ako ng napkin! Putangina bakit ba ako nireregla?!" reklamo ni Baekhyun habang nakasilip sa panty niya.


"Hoy, paano ako makakabili ng napkin eh multo nga ako?! Saka babae ka kaya, hello!" umirap si Luhan kaya napamura nanaman si Baekhyun, "Alam mo, hindi mo bagay magmura lalo na't babae ka. Hehehe."


"Boset!" kinuha ni Baekhyun yung toilet tissue at yun ang ginawa niyang napkin pansamantala. Bakit ba hindi pumasok sa isip ko na pwede akong magregla?


Lumabas siya ng banyo at iritang irita siya dahil pakiramdam niya ay kusa siyang umiihi sa panty niya, it feels so uncomfortable.


Ginamit ni Baekchan ang kotse ni 'Baekhyun' for the first time after niyang maging babae. Tinted naman ang kotse kaya walang makakakita sa kanya dito sa loob. Tangina, bakit ba sa labas pa ng subdivision yung convenient store?!


Binilisan niya ang pagdrive at bigla bigla nalang sumulpot si Luhan sa shotgun seat.


At napapreno bigla si Baekchan.


"TARAGIS MO KUNG GUSTO MO NAKONG MAMATAY, SAKSAKIN MO NALANG AKO!"


"Easy, kalma lang. Matutuyuan ka ng regla niyan," cool na sabi ni Luhan.


"Bwisit ka, tumigil ka nga sa panggugulat mo sa akin! Hindi na nakakatuwa!" reklamo ni Baekchan at nagsimula nang magdrive ulit.


At hindi napansin ni Baekchan na nasa kabilang kalsada si Sehun, nakatingin sa kotse ni 'Baekhyun.'


Kay Baekhyun hyung yun, di ba?! Nakabalik na siya?! Imposibleng hindi siya yun, parehas ng plate number!


Nakita niyang tumigil ang kotse sa tapat ng convenience store, bumukas ang pintuan ng kotse at makikita na niya sana yung nasa loob kaso.. may dumaan na napakalaking truck.


At pagkatapos dumaan ng truck ay wala na yung nakasakay sa kotse.


Puntahan ko ba? Pupuntahan na sana ni Sehun yung convenient store kaso nagvibrate ang phone niya.


Hannie's 11th death anniversary.


Nainis siya sa nabasa niyang notification sa phone niya kaya pinatay niya ito. Should I visit him?

The TransformationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon