"Tapos ka nang pag nasaan ako?" Nagulat naman ako na bigla siyang nag salita. Bumalik ako agad sa upuan ko. Rinig na rinig ko ang tawa ni Manong driver at Thomas. Kahihiyan mga teh! Ano na? "Kuya Gerry, idaan mo naman kami sa McDo. Gutom na yung Misis ko."

Kinindatan pa ako. Lupa, lamunin mo na ako. Ngayon na! Pulang pula na ata yung mukha ko sa kahihiyan. Pwede naman kasing gisingin ng maayos! Ara, anong kalandian 'yan? Sumiksik ako sa gilid lalo pero ang loko hinila ako papalapit sa kanya kaya nasubsob ako sa dibdib niya.

"Love, bakit ka naman lumalayo sa akin?" Love? Anong love? Anak ng tipaklong! Nasobrahan ata sa puyat at pagod 'to kaya kung ano anong pinag sasabi. "Wag kang mahiya kay Kuya Gerry. Hindi naman niya tayo papansinin."

"Oo nga, Ma'am! Labing labing all you can." Napangiti na lang ako ng alanganin. Kailan ba matapos 'tong kahihiyan ko. "Congratulations nga po pala Mr. and Mrs. Torres!"

Nginitian ko na lang si Kuya baka sabihan pa ako na suplada ako kahit gusto ko na siyang sakalin dahil sa awkwardness na pinaramdam niya sa akin.

"Heto na ang pinaka-hihintay natin

Heto na tayo magkayakap sa dilim
O kay sarap ng mga nakaw na sandali
Habang tayoy magkayakap sa dilim"

Natawa si Thomas dahil nilakasan pa lalo ni Kuya yung radio niya. Kung abot ko lang 'yan baka pinatay ko na. So much embarrassment for this morning.

Nag take out na lang kami at sa daan na kumain. Medyo nag mamadali na rin kasi kami para makatulog muna kami bago i-meet ang parents niya mamaya. Kailangan ko sigurong ihanda ang katawan at tenga ko sa maaring mang yari mamaya.

Sa condo unit niya sa Quezon city muna kami tutuloy. Malaki naman yung unit pero ang issue ko lang talaga eh bakit ang liit ng kama niya? Naubusan ng pera sa pag bili ng unit kaya pag dating sa kama nag tipid?At eto pa, ang laki ng kusina at living room pero di man lang nag effort mag lagay ng guest room. Di bale na matapos naman ng araw na ito kay Mama na ulit ako tutuloy.

"Lapag mo na lang muna diyan gamit mo. Mamaya na natin ayusin." Sabi niya pag labas ng CR. He's wearing a plain white shirt and boxer shorts pero nag uumapaw ang... WALA! "Mag palit ka muna ng damit para comfortable ka pag nag pahinga."

Pinahiram niya ako ng towel at saka dumiretso ng banyo. In fairness, malinis parang hindi lalaki ang nakatira o baka naman may helper siya na dumadating once a week. Ano bang pakialam ko dun?! Nag linis na ako ng katawan at nag bihis.

"Saan ako matutulog?" Tanong ko sa kanya pag labas ko ng CR. Naabutan ko siyang nag aayos ng gamit niya. Akala ko ba mag papahinga muna kami?

"Diyan sa kama." Turo sa kama niyang pang isang tao lang ata ang kasya.

"Eh ikaw? Saan ka matutulog?"

"Edi diyan din. May iba ka pa bang kama na nakikita?" Tabi kami? Last time na nakatabi siya ay yung... Shete never mind. "Don't worry. Wala akong gagawin sa'yo, pagod ako."

"So kung di ka pagod may gagawin ka sa akin?" Aba! Ngumiti ba naman ng nakakaloko. Anong tingin niya sa akin makukuha na lang ulit nang ganon ganon na lang? "Oh! Anong ginagawa mo?! Diyan ka lang!"

Paano ba naman kasi unti unting lumapit sa akin tapos kakaiba pa yung tingin. Habang papalapit siya sa akin ay paatras ako ng paatras hanggang sa maramdaman ko yung pader. Sasapakin ko n asana siya kaso...

"AHHHH! THOMAS NAMAN EHH!!!" Binuhat niya ako papunta sa kama at saka ako niyakap nang mahigpit. Pilit akong kumawala pero ang higpit ng yakap niya. Para siyang sawa tapos nilingkis pa niya yung legs niya sa akin. "THOMAS , WAG KASI!!!!"

Whirlwind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon