- xx -

353 29 4
                                    





Pagkatapos ng kasal ay nahiga na sa kama ang dalaga at binata. Ibinigay ng dalaga ang kanyang sarili kay Kamatayan. Sa huling pagkakataon. Dahil noong mahimbing nang natutulog ang binata sa kanyang tabi ay humalik ito ng huling beses sa kanyang noo at pinuntahan ang kulungan ng mga kaluluwa.

Mahal ko, alam kong ninais mo lang bigyan ako ng mundo.

Ngunit hindi ito ang mundong nais ko. Kaya't kailangan ko itong gawin.

Pinakawalan niya ang mga kaluluwa ng anim na prinsesa, pati na si Meriga at Khragna. Ngunit bago sila umalis ay kinausap ng dalaga si Para. "Kayo ay aking iniligtas at bilang kapalit, nais kong tuparin niyo ang aking hiling."

Nakinig silang lahat sa dalaga at gagawin ang lahat upang makaalis lamang sa impyernong iyon.

"Nais kong pagbalik ninyong lahat sa ibabaw, talikuran niyo na ang lahat ng inyong dating gawi. Gawin niyo ang isang mundong napakaganda at payapa, malaya sa anumang kasakiman at galit. Kung kayo'y susuway sa'kin, kayo'y aking susunduing muli upang ibalik rito."

Tumango ang mga prinsesa at prinsipe at tuluyang umakyat sa mundong ibabaw. Tumingin ang dalaga sa kanyang likod at nakita ang kumikinang at manipis na taling nag-uugnay sa buhay niya at ni Kamatayan. Gamit ng isang butong matulis ay pinutol niya ito at naging paruparo siyang muli, itim ang mga pakpak.

Simula noon, nilibot ng mag-isa ng paruparo ang mundo.

Bilang pagmamahal at paghingi ng patawad sa kanyang mahal, sinusundo ng itim na paruparo ang mga mamamatay na upang ipadala sa mundo ng kanyang asawa. At bilang sagot ni Kamatayan, nagpapadala siya ng panibagong buhay sa mundong ibabaw.

At habambuhay ito ang magiging ikot ng mundo.


✥-------------------✥-------------------✥

✥-------------------✥-------------------✥

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Paraisla III: ParuparoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon