- 17 -

516 32 16
                                    



✥-------------------✥-------------------✥

e u f y

✥-------------------✥-------------------✥


"Ano?" nahintakutan kong tanong. Baka mali ako ng pagkakarinig. "Gusto mo akong magsanay kay Lianne?" Hindi nagbago ang mukha ni Martyn. Seryoso nga siya. "Kahit pa utos ng Hari na sanayin siya, tiyak na ba tayong lalaban siya para sa'tin?"

Kung sinira na nila ang utak niya? isip ko. Ngunit hindi sinabi.

"Nakita kong magkasama sila ni Earl sa buong dalawang araw na lumipas. Lumabas pa nga sila sa food court para kumain at walang inatake ni isang kaluluwa ang kapatid mo," sagot niya.

Kapatid mo. Kapatid ko-- si Lianne. At tungkulin ko ngang alagaan siya ngunit bakit may pumipigil pa rin sa'kin.

"Isa pa'y nagpapagaling na siya sa ilalim ni Ginoong Adam."

Hindi pa rin ako makapagsalita.

"Natatakot ka bang saktan ka niya?" pukaw ni Martyn.

Umiling ako. "Hindi." Hindi ako natatakot na masaktan niya. Natatakot ako na kapag nasimulan na niya ang pananakit sa'kin, tuluyang masira ang natitirang katinuan niya bilang Lianne. "Sigurado ka bang ayos na siya?"

Tinapik ako ni Martyn sa balikat at ngumiti. "Oo. Konti na lang at maibabalik na rin siya sa dati."



✥-------------------✥-------------------✥


Pumasok ako sa isang silid-ensayo kung saan naghihintay si Lianne. Nang makita ko siya, hindi napigil ang aking saya dahil lumulusog na siya. Ang kanyang mga payat na pisngi noon ay nagkakalaman na kahit papano. May kulay na rin ang kanyang maputlang balat at ang kanyang mga mata'y nagsasabing nakakuha na siya ng sapat na tulog.

Ngunit sa aura niya'y may kakaiba. Tila ba may namumuong galit doon pagkakita sa'kin.

"Ba't siya narito?" tanong ni Lianne sa nakaupong si Earl sa gilid.

Tiningnan ako ng binata-- hindi na malamig, ngunit hindi rin palakaibigan. Tila pareho kaming estranghero sa isa't-isa, kilala lamang sa pangalan. "Siya ang magsasanay sa'yo mula ngayon."

"Ngunit bakit hindi na lang ikaw?"

Kinagat ko ang aking labi. Maaga pa lang ay alam ko nang ayaw na ni Lianne sa'kin. Pinilit ko siyang intindihin.

"Dahil kailangan ako sa pagpaplano ng estratehiya. Marami na akong gagawin simula ngayon," tugon ni Earl at papalakad na sa akin. Nang tumigil siya sa harap ko, inabot niya sa'kin ang isang baril na pampatulog. Malamig iyon sa aking palad. "Alam mo na ang gagawin."

Pakiramdam ko'y may bara sa aking lalamunan kaya't hindi ko kayang magsalita. Tapos na tayo, sabi ko sa kanya noon. Tinapos ko na ang meron sa amin.

Puno ako ng hinanakit sa kanya ngunit nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon. Kahit wala na ang lahat sa'min. Tumango ako at nilisan ni Earl ang silid.

Paraisla III: ParuparoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon