- 19 -

561 27 47
                                    





✥-------------------✥-------------------✥

y o h a n

✥-------------------✥-------------------✥



"Ito ay araw ng inyong kalayaan. Maaari niyong gawin ang inyong nais."

Iyon ang anunsyo ng Pinunong Rowan sa lahat kaninang umaga. Sapagkat ito na ang huling araw-- ang huling araw na madadama namin ang kapayapaan. O sa iba, ang huling araw ng buhay nila. Hindi ko maiwasang malungkot. Sa mga kawal na tulad ko, ito ang huling pagkakataong magawa namin ang mga nais naming gawin.

Hinawi ng hangin ang mga puno. Nalaglag ang mga pulang dahon ng punong nasa taas namin ni Eufy. Maalaga kong inalis ang mga dahon na nalaglag sa kanyang buhok habang nakahiga siya sa mga hita ko at nagbabasa ng libro.

"Hindi ka pa ba nangangawit?" tanong niya.

Umiling ako. "Hindi."

Mapagmasdan lang kita ay sapat na. Kailangan kong makabisado ang mga detalye habang may oras pa.

Sinapo ng palad niya ang mukha ko. "Ano ba, nahihiya ako."

Nahuli ko ang palapulsuan niya. "Ayaw mong tingnan kita?"

"Ang tindi naman kasi ng pagtitig mo."

Tumawa ako. At tiningnan ang mga dalagang nasa damuhan din at nanunuod sa dagat sa ilalim ng bangin. "Kung ganon, ibang babae na lang ang-"

Agad niya akong pinaharap sa kanya gamit ng kamay. "Oo na nga eh."

Hinaplos ko ang gintong buhok niya. Nagseselos nanaman siya. Marunong pala siya magselos, huh? Pumikit si Eufy at tila nagugustuhan ang paghaplos sa kanya. Parang pusa lang. Saka ko malakas na pinitik ang kanyang noo. "Ah!"

Bumangon siya at galit na tumitig sa'kin. "Ba't mo ginawa iyon?"

Tiningnan ko ang aking daliri. "Um, gusto ko lang-- Ah!" Sinakal niya ako gamit ng braso. "Ah, Eufy!"

Pinakawalan niya ako at sumimangot. "Wag mo na ulit iyon gagawin! Lapastangan ka."

Tumawa ako at saka humiga naman sa mga hita niya. "Opo, Prinsesa." At namula ang mga pisngi niya. Inabot ko ang isa at pinisil. Napahagikgik ako-- ang lambot kasi. Kaya pinisil-pisil ko pa.

"Hoy, nakakarami ka na ah."

Binitawan ko at lumipat sa pagpisil sa ilalim ng kanyang leeg. May kaunti siyang taba doon. "Hehe."

"Yohan naman!" Pinalo niya ang kamay ko at natatawa na rin. Pinisil niya ang tagiliran ko ngunit hindi naman ako nakiliti. Kaya lumipat siya sa ilalim ng braso ko, doon sa parteng masakit kapag kinurot.

"Ow!" Napabawi ako ng kamay.

Ang sakit eh.

Paraisla III: ParuparoWhere stories live. Discover now