- xvii -

316 22 1
                                    






Ang buhay ko, para sa buhay ng aking mga kapatid. Alam niyang espesyal itong kundisyon-dahil karaniwan, isang buhay para sa isang patay. Hindi na masama ang kasunduang ito.

Yumuko si Para at nagdasal. Kalaunan ay nabuo na ang kanyang desisyon.

"Payag ako, ngunit ano ang iyong isa pang kahilingan? Hindi ba't may pangalawa ka pang hiling kung mapatay mo si Khragna?"

Isang hiling para sa pagligtas ng mga kapatid niya.

Isang hiling para sa pagpatay kay Khragna. Hindi iyon nakalimutan ni Para.

Ngumisi si Kamatayan. "Nais kong pamahalaan ng mahal ko ang kaharian."

Nanlaki ang mga mata ng dalagang nasa tabi ng binata. Dapat ay matuwa siya. Ngunit wala nang maramdaman ang dalaga kundi takot. Kung ganito ang kapalit ng pagmamahal mo, wag na lang. Hindi naman ito ang kailangan ko. Pinilit niyang magsalita ngunit nakarinig na lamang sila ng ingay mula sa isang pintuan.

Nakita na lamang nila ang kagigising lang na si Khragna.

May hawak itong espadang gawa sa talon ng agilang kanyang pinatay noon. Sa kanyang mukha, isang nakakatakot na ngiti ang sumilay.

"At sa wakas, narito na rin kayo."

Handa na siyang pumatay.


✥-------------------✥-------------------✥

✥-------------------✥-------------------✥

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Paraisla III: ParuparoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon