20 - [ Ethan/Anastasia ]

Magsimula sa umpisa
                                    

"Teka nga. Nag away ba kayo?" Tanong niya

"Hah? Hindi ahh. Basta kaninang umaga parang nagtatampo ata na parang galit ganon" sabi ko nalang

"Eh bat ayaw-" hindi na natuloy ni athena ang sasabihin niya nang magsarado ang pintuan namin

Pagkatingin ko si ethan at si tyrone

"Hi ana! Hi athena!" Bati ni tyrone saamin

"Hi ty" bati pabalik ni athena ako naman ay naghalf smile lang

Niligpit ko na ang pinagkain ko at inilagay sa lababo, ganoon din si athena nang matapos siyang kumain.

"Athena akyat muna tayo" sabi ko at umakyat na kami kaso tumigil ako sa pagakyat

"Kung gusto ninyong kumain nasa lamesa ang mga pagkain" sabi ko at tuluyan nang umakyat

Nang makapasok kami sa kwarto nagkwentuhan padin kami ni athena at ibinigay ko sakanya yung pasalubong ko.

"Girl alam mo ba may nakilala akong pogi doon sa italy. Babalik nga ulit ako doon pagkagraduate ko eh" sabi niya na kinikilig

"Speaking of graduation, malapit lapit na din ah" sabi ko

"Oo nga eh wala ka pa bang plano after graduation?" Tanong niya

"Hmm siguro pagkalabas ni baby, tsaka ako maghahanap ng trabaho okaya magtatayo nalang ako ng sarili kong business" sabi ko

"Ay okay yan! Ako naman siguro pupunta akong italy at doon nalang magtatayo ng sariling business din okaya maghahanap nalang ng trabaho" sabi niya

"Nako bes sobrang saya ko din kasi magiging ninang na akooo~" masayang sabi niya i chuckled

"Ako din masaya din ako dahil magiging nanay na ako" sabi ko

"Bes anong pangalan ni baby pag lalaki?" Tanong niya

"King Zeo Montecarlo" sagot ko

"Ay bongga! Yayamanin ang pangalan! Eh pag babae?" Tanong ulit niya

"Queen Zoe Montecarlo" sagot ko

"Ay ang ganda din! Sana lalaki muna tapos susunod babae" sabi niya and i chuckled

"Dito ka ba ba magdidinner?" Tanong niya

"Ano bayan bes kakakain lang natin ng lunch, dinner agad tinatanong mo pero sige dito na din ako ehe" sabi niya

Buong hapon nag kwentuhan lang kami at napagpasyahan naming pumunta sa pool para magswimming

Pinahiram ko muna siya ng two piece ko at syempre ako din nag two piece at nagsuot ng robe.

Nang makababa kami nakita namin na sila ethan ay nasa sala at naglalaro.

"Huyy~ saan pupunta ang magagandang dilag?" Tanong ni tyrone at napatingin din si ethan

"Ah sa may pool? Bakit sama ka? Wag na." Sabi ni athena kahit kailan talaga ito oh

Umalis na din kami at dumiretso sa pool area.

Hinubad na namin ang roba at naglublob sa ilalim ng tubig. Hay ang sarap.

Naramdaman ko namang kumikirot ang hiwa kaya umahot muna ako saglit.

"Oh bes? Ahon ka na agad? Kakalublob palang natin ah" nagtatakang tanong ni athena

"Saglit lang kumikirot yung sugat" sabi ko at nagpunas ng katawan at nag suot ng robe

"Pasok muna ako saglit gamutin ko muna ito" sabi ko at tumango nalang siya

Pagpasok ko naglalaro padin sila kaya dumiretso ako sa kitchen at mukha namang hindi nila ako napansin.

Hindi nakatali ang robe ko kaya nakikita ng konti ang katawan ko.

Kinuha ko ang first aid at ginamot ang kumikirot na sugat.

"Hey are you alright?" Nagulat ako sa nagsalita

"Ethan... Uhh oo okay lang" sabi ko at ibinalik ang first aid sa cabinet, nalagyan ko na ang sugat ko ng betadine at band aid.

Pumunta muna ako sa ref. para kumuha ng tubig.

Nagsalin na ako sa baso at ininom ito.

Nang matapos ako at pagkaharap ko andoon padin pala si ethan.

"Can i see your hand?" Tanong niya kaya ipinakita ko ang left hand ko at itinago sa likod ang right hand ko

"No the other hand" wala na akong nagawa kaya pinakita ko na ang right hand ko

"Anong nangyari dito? Bat ka nagkasugat? Sino may gawa nito?" Sunod sunod na tanong niya

"Nahiwa lang ako, okay. Gagaling din ito. Sugat lang ito. Ako din ang nakagawa dahil may iniisip lang ako" sabi ko at binawi ang kamay ko sabay alis pero pinigilan ako ni ethan

"We'll talk later" sabi niya at binitawan ako at umalis

Ganoon din ang ginawa ko, umalis na din at pumunta na din sa pool area.

*\(^o^)/* *\(^o^)/* *\(^o^)/*

A/n: heyhey wassup guys!

Anotha update and longer

Ill update anotha chapter and i hope you liked this chapter and if you do please vote and comment and please do follow me here hehe

Yun lang labyu all mwuaps!

Secretly Married to My Professor (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon