CHAPTER 30

5.3K 131 0
                                    

Jana's POV

Sobrang bilis ng mga pangyayari. Bago pa kami makalapit kay Navi, lumalangoy na si Jared at si Louie.

Oo. Si Jared ang nagligtas kay Navi at iniligtas ni Louie ang bata.

Walang malay ang bata nung inahon sya ni Louie pero si Navi umuubo lang. Sobrang dami nya sigurong nainom na tubig.

Ginawa ni Louie ang CPR sa bata at gladly, nagkamalay naman sya. Bigla namang sumulpot ang mga magulang nung bata. Psh. Mga pabaya oh!

Lumapit kami kay Navi na umiiyak. Hinahaplos naman ni Jared yung likod nya.

"Navi okay ka lang ba?" Nicky.

"Ano bang nangyari? Bakit kasama mo yung batang nalulunod?" Tanong ni Leila.

"Huhu. *sniff* Yung bata kasi...
nalulunod. Sumisigaw sya... wala namang pumapansin sa kanya kaya...ano...."

"Kaya ano?! Kaya ikaw ang pumunta?! Gosh Navi! We all know na hindi ka marunong lumangoy! You should've call for help instead!" Sigaw ni Shana.

"Shana tama na yan. Wag mo ng pagalitan si Navi. Ang mahalaga ligtas sya." Pag-awat ni Jerry.

"Halika na Navi." Inalalayan namin sya patayo at inihatid sa kwarto nya. Hinintay  namin syang magbihis at sabay sabay na kaming kumain.

"Si Andree saan pumunta yun? Bakit hindi na bumalik?" Tanong ni Nicky.

"Hayaan mo na Bee. Baka gustong mapag-isa ni Leader."Louie.

Hindi na kami kumontra at tinapos na ang pagkain.

"So? Anong gagawin natin ngayong Sunday?" Tanong ni Jared.

"Let's ride the beach motorbike first!" Suggest ni Aiken. Nag agree ang lahat kaya pumunta na kami sa cottage na nagpapa-rent ng mga motorbike.

"Ah Mam. 5 na lang po ang available. Reserved na po kasi yung 15 motorbikes dito eh." Sabi nung lalaking crew dito.

"Hmm. Ganun ba. Paano guys? By pairs na lang tayo? Ok lang sa inyo?" Tanong ko.

Nag-agree naman sila.

"Ok. Group yourselves into two!!" Sigaw ko.

"Huh? Anong group group yan Jana? Wag ka ngang shunga dyan hindi tayo naglalaro." Taray talaga ni Shana kahit kailan.

"Kaming dalawa ni Bee ang magkasama!" Louie declared while Nicky just rolled her eyes.

"Uhhh. Kami ni Leila."sabi ni Aiken.
At ito na naman po ang blush couple. Haha. Cute!

"Sus! Ikaw Aiken ha! Yang mga galawan mo ha."pang-aasar ni Shana.

"Sus. Inggit na naman ang isang Daldalita dyan." Jerry.

"Hoy! Jerry wag mo kong simulan." Pagbabanta ni Shana.

"Oops sorry. Nagsisimula na ko. Haha. Hoy hoy Jana. Kami ni Shana ang magkasama!" Sigaw ni Jerry na akala mo naman ang layo ko at nakasigaw sya. Psh.

"Huh? Ikaw? Ayoko nga! Mamaya ihulog mo pa ko!" Sigaw ni Shana.

"Exactly! Hahaha."tawang tawang sabi ni Jerry at ayun na po ang dalawa naghabulan na dahil pikon na si Shana at gusto nyang sapakin ang tumatawang si Jerry.

"Hmm. Okay na yung tatlong beach motorbike. So, isa satin ang magsosolo." Sabi ko.

"Hmm. Ako na lang magsosolo. Magsama na kayo ni Navi." Sabi ni JD.

"Uhh. Hindi kami marunong magdrive?" Alinlangang sabi ko.

"Oh. Okay. Hmm. Teka.. Ayan na si Andree."
Nakita naming palapit si Andree sa direksyon namin.

I Married that Gangster (On-HOLD)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt