CHAPTER 13

5.9K 170 3
                                    

Navi's POV

*yawn*

Umaga na pala. Tinignan ko yung orasan. 10 am na. Buti na lang walang pasok ngayon  eh kasi nga Saturday. Hihi.

Bumangon na ko at dumiretso sa banyo. Pagkatapos ko mag ayos bumaba na ko. Napansin kong ang tahimik ng bahay.

Wala na naman si Jammy? Kinatok ko yung kwarto nya at binuksan pero wala sya dun. Umuwi ba yun kagabi? Inintay ko sya sa sofa eh. Teka. Paano ako nakapunta sa kwarto ko kung nasa sofa ako?  Holo?! Hindi ko maalala. Baka naman sa sobrang antok ko kaya hindi ko namalayan na nakaayat na ko sa kwarto. Hayy. Makapunta na nga sa kusina.

Oh? Wow. May breakfast na sa table. Dumating na kaya si Manang Rin?

"Manang? Manang Rin?" Hinanap ko si Manang pero wala naman sya.

Oh? Sinong nagluto nito?

Holo?!

Si Jammy kaya? *blush*
Hihi.

Umupo ako sa la mesa at nagsimula nang kumain. Waaah. Sarap.

Nahinto ako sa pagkain ng may marinig akong kumakatok. Tumayo ako at pumunta sa sala. Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin ang hyper na mga kaibigan ko.

"Navi!" sigaw ni Shana sabay yakap.

"Haha. Bakit kayo nandito?" Tanong ko.

"Wala lang. Napag usapan kasi naming magmall. Gala gala lang." Leila.

"Himala ah. Kasama nyo si Nicky." Sabi ko. Nagtawanan namin kami. Eh kasi minsan lang to sumama dahil mas gusto nya sa bahay nila.

"Teka. Himala ulit. Bakit wala si Jana?" Takang tanong ko.

"Nagtext syang pass muna sya. Masama daw pakiramdam nya. " Shana.

"Ah ganun. Sige intayin nyo ko tatapusin  ko lang yung pagkain ko at magbibihis lang ako. "

"Magbihis ka na lang. Dun na tayo kumain sa mall. " sabi ni Shana. Hindi na ko umangal kasi atat masyado tong si Shana. Tinulak tulak pa ko papunta sa kwarto ko.
Pagbaba ko naabutan ko sila sa sala na nonood.

"Nga pala Navi. Nasaan ang asawa mo?" Tanong ni Leila.

"Ha? Eh. Hindi ko rin alam eh." *pout*

"Hayy. Wala talagang kwenta yang asawa mo." Shana

"Hindi naman." Pagtatanggol ko.

"Whatever. Tara na nga lang." Shana. Umalis na kaming apat at pumunta sa SM.

Ang saya talagang kasama ng mga to. Hihi. Nanood kami ng sine at namili na rin ng damit si Shana at bumili ng books yung magpinsan. Ako naman bumili ng maraming marshmallow. Sarap sarap! Hihi.

Papunta sana kami sa Sistah Botique kaya lang nakasalubong namin yung limang babaeng walang mukha. Hayys.

"Oops. Sorry. My bad." Sabi ni Maica sabay tawa.  Natapunan kasi nya ng frappe si Nicky. Natapunan o tinapunan?

"Bulag ka ba? O tanga ka lang talaga?" Ayan na si Shana. Di na nya mapigilan.

"Don't you dare talk to my friend like that. Baka nakakalimutan mo kung sino ang kausap mo."  Mataray na sagot ni Joice.

"Chill girls. Wag dito. Let's go in a place where no one can see us." Sabi ni Mhe Anne at hinila nya yung kamay ko. Waaah. Ang sakit. Sobrang diin ng pagkakahawak niya sakin. At halos bumabaon na ang mahahaba nyang kuko. Feeling ko magkakasugat ako nito. Huhu.

Halos madapa kaming apat sa paghila nila samin. Bwisit na bwisit namang pumapalag si Shana. Dinala nila kami sa park na walking distance lang sa SM.

I Married that Gangster (On-HOLD)Where stories live. Discover now