CHAPTER 40

5.2K 118 5
                                    

Leila's POV

Natapos ang music na nabigla pa rin kami sa nangyari.

Ang lakas ng hiyawan ng mga tao. Napatingin kami sa tinitignan nila.

Whoaaah! Nagkissed si Andree at si Navigne. And that was really shocking!

"Aminan mode pala to eh. Di naman nagsasabi si Andree." Bulong sakin ni Aiken. Natawa na lang ako sa mga moves ni Dree.

"Whoah! That was unexpected!" sabi nung MC.

Nakatayo na kaming sampu sa gitna. Medyo in shocked pa rin kami dahil sa biglaang pagiging partner namin sa IF.

"And for more unexpected happenings, we will be extending our college days until Monday and the "College Ball" will be the main event. So FRUsians, see you on monday! And BRING YOUR DATES!"

Hiyawan na naman ng ga studyante ang narinig namin.

College Ball? Sa monday?

Bakit bigla akong kinabahan? Aish. Umandar na naman ang pagkaweird ko. Err.

"Bhei. Are you okay? Bakit ka tulala dyan?"tanong sakin ni Aiken.

"Uhh. Ok lang ako. Baba na tayo sa stage."
Tumango naman sya at kami ang unang bumaba sa stage. Bumaba na rin yung walo.

Dumiretso kami sa parking lot.
Ihahatid daw kami ng boys eh.

"So Navi may first kiss ka na rin!" Biglang sigaw ni Shana.

Adik talaga to. Alam ng awkward yung dalawa mas pinapapa awkward pa nya.

Namumula si Navi at si Andree kahit madilim kitang kita namin yun.
Hinila naman ni Andree si Navi papasok ng kotse nya at umalis na sila.

Hinatid na rin ng ibang IF ang mga kaibigan ko. At si Aiken naman ang naghatid sakin.

Umandar na ang sasakyan at nagsimula na sya magdrive.

"Pupunta ka ba sa ball?"tanong ni Aiken.

"Ewan. Hindi ko alam. Bakit kasi kailangan pang magdala ng partner or date or whatever sa ball. Wait. Speaking of partner. Anong nangyari? Bakit.... bakit kayo ang kapartner namin kanina?"

I saw him smirking.

"Ewan ko din."

"Hoy wag mo kong pinaglololoko dyan Aiken ha. Bakit nga? Bakit hindi sumipot sina Jeremy. Tsaka bakit alam nyo yung steps?"

Naguguluhan kasi talaga ako eh.
He sighed.

"Napikon kasi si Dree nung nakita nyang masyadong intimate yung sayaw nyo. Kaya sya nagwalk out. Gusto na nyang itigil yung intermission nyo pero wala syang maisip na paraan kung pano."

"Tapos?"

"Ayun. Biglang nagsuggest si Louie na kami na lang ang maging partners nyo. Inilabas nya ang phone nya and to our surprised, vinideohan pala ni Louie yung sayaw nyo. Ayun. Sinaulo namin yung choreography for two days.."

"Ohhh. Kaya pala hindi kayo nagpakita samin nung college days. Ganun pala."

"Bakit? Namiss mo ko?"

"H-hindi noh! Asa!"

Napangiti ako ng naalala ko yung sayaw namin kanina.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Mabuti hindi narinig ni Aiken.

In fairness ang galing din nyang sumayaw. May hidden talent pala ang IF eh.

Nakarating na kami sa tapat ng bahay ko. Alam na nya kung saan kasi naihatid na nya ko dito.

I Married that Gangster (On-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon