CHAPTER 20

6.3K 134 2
                                    

Jana's POV

Natapos na yung whole day seminar at tatlo lang kaming umatend. Si Leila kasi hindi namin alam kung nasan.  We tried to call her pero nasa bag pala nya yung phone nya.

Pauwi na kaming anim. Yeah. Kasama namin ang IF. Napansin din naming wala si Aiken. Kaya alam kong may utang na kwento na naman tong si Leila mamaya sa hospital. Haha

"Huy! Pano tong bag ni Leila?"tanong ni Nicky.

"Dalhin mo na lang sa Hospital. Tutal dun na rin naman tayo magkikita kita eh." Sagot ko.

Nauna ng umalis yung mag asawa. At syempre sumunod naman yung magboyfriend. Masaya ako para kay Nicky. Kasi mukhang ang saya saya nilang dalawa ni Louie. At masaya rin kami kasi wala ng mga naglipanang fan's club ang IF. Tumahimik na yung dangerous five at hindi na nila kami pinapansin kahit nakakasalubong namin sila. Payapa na ang FR University Finally. I smiled in that thought.

"Huy! Jana. Anong nginingiti ngiti mo dyan?"
Nagulat naman ako at nandito pa tong si Jared.

"Oh? Nandito ka pa? Bakit di ka pa umaalis?"tanong ko.

"Ahh. Pupunta pa kasi akong faculty room. May sasabihin daw sakin si Sir Reyes eh. Ikaw? Hindi ka pa uuwi?"

"Uuwi na rin. Naghihintay lang ako ng taxi."

"Hatid na lang kaya kita?"

"Salamat sa offer pero wag na. May pupuntahan ka pa tsaka baka may dumaan na ring taxi eh. Sige na punta ka na sa faculty. Naghihintay yata si Sir Reyes. "

"Ah. Sige. Ingat ka Jana ha."
I nodded. At umalis na sya.

Naghintay ako ng mga taxicab pero lahat may laman.
Naghintay pa ko ng naghintay pero waaaah.

Wala na yatang dadaan dito eh?

6pm na at medyo madilim na din. Ano ba naman yan. May kukunin pa ko sa bahay bago pumuntang ospital eh. Gagabihin ako nito.

"Hi Miss. "

Nilingon ko naman at may apat na lalaking kaschoolmate ko lang.
Si Joseph yung isa sa kanila. Nanligaw to sakin 3 years ago eh. Pero binusted ko. May fiance na kaya ako. Si little boy.Haha.

"Oh Jana? Bakit nag iisa ka? Gusto mo hatid na kita? Gabi na oh?" Sabi ni Joseph.

"Kilala mo tol? Paubaya mo na sakin. Ehem. Jana right? Ako na lang maghahatid sayo. San ba punta mo?" Sabi nung kasama nya.

"Ah. Wag na. Magtataxi na lang ako. Salamat sa mga offer nyo."

"Eh madilim na oh. Baka mapano ka pa. Lika na Jana. Ako na lang maghahatid sayo. Wag na jan sa dalawang yan. "

"Ah. Hindi. Hindi na talaga. I can manage. Thank you."

"Jana Ako na maghahatid sayo. Kung gusto mo pumunta tayo sa lugar kung saan mag eenjoy ka ng todo." Saka naman sila nagtawanan at hinila nila ang kamay ko.

"Hoy! Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko at hinigit ko yung kamay ko kaya nabitawan naman nya ko. Akmang kukunin nya ulit yung kamay ko nang may marinig kaming magsalita.

"Touch her again and your throat will be ripped."

Napalingon kami kung san nanggaling ang boses  at tama ako. Si Jared nga. Namutla naman yung apat na lalaki at biglang tumakbo paalis.

Lumapit sakin si Jared. And he sighed.

"Bakit ba masyadong kayong close ng salitang trouble? Tss. Halika na. Ihahatid na kita."

"Hindi. Ok lang Jared. Magtataxi na lang ako."

"Lumipas na ang isang oras Jana at nandito ka pa rin. Tingin mo may dadaan pang taxi dito?"

I Married that Gangster (On-HOLD)Where stories live. Discover now