CHAPTER 16

6.1K 163 10
                                    


Navi's POV

Half day na ko nakapasok. Si Jammy kasi. Ayaw akong papasukin. Magpagaling daw ako. Eh wala naman akong sakit. Di tuloy ako nakapagquiz. Sayang din yung score ko dun*pout*

Kakatapos lang ng klase namin at as usual nandito kami sa tambayan.

"Hoy Navi ! Pakwento na nung nangyari. Kanina pa kami kating kating malaman kung ano nangyari." Jana

"Ha? Wala yun. Kalimutan nyo na yun."

"Paanong kalimutan? Eh halos mabasag ang speaker ng phone ko sa pagsigaw sakin ng asawa mo!" Jana.

Ayoko. Ayokong sabihin sa kanila. Ayokong madamay sila. Natatakot ako na baka kung anong gawin ni Mhe Anne pagpinagkalat ko yun.

"Stop refusing Navi ! Alam mong hindi ka namin titigilan hanggat di mo nasasabi yan."Nicky

Hayy. Wala nga palang nakakalusot dito sa barkadang to. Ayun kinuwento ko na.

"Hala? Eh sino nagkulong sayo? Sino nagtext sayo? At sino nagtext kay James na magkasama tayo?" Jana

"H-hindi ko alam." Napatungo naman ako.

"Impossible namang di mo alam Navi." Leila

"Hindi ko talaga alam. Basta pumasok ako sa loob at hinanap si Jammy tapos biglang may humila ng bag ko at kinuha yung phone ko. Tapos tinulak nya ko. Hindi ako nakatayo agad. Napakinggan ko na lang na may tao sa labas at nilock yung pinto."

Hindi na sila nagtanong pa. Naiiyak na naman kasi ako. Ayoko ng maalala yun. *sniff*

Naramdaman ko namang may papalapit samin. Sana wag sila. Please.

"Navi are you crying?"tanong ni Aiken.

"Hey Navi what's wrong?" Louie.

"Hoy hoy! Pinapaiyak nyo ba ang kaibigan nyo?"Jerry

Waaah. Paano ko ba sila malalayuan kung ganito sila kabubuting tao.

"Ha? Hindi ako umiiyak. Haha. Kayo talaga. Sandali lang ah. Mag ccr lang ako."

Hayy. Ito muna ang unang palusot para umiwas. Hindi naman sila tumutol pa kaya umalis na ko. Napansin ko namang wala dun si Jammy. Hayy. Buti naman.

Leila's POV

"Anong nangyari dun? " tanong ni Jerry sa amin.

"Wala. Nagkukwento kasi sya sa nangyari sa kanya kahapon. Eh dumating kayo. Nahiya siguro." Sagot ko naman.

"Ah ganun ba." JD
Siguro alam na rin nila yung nangyari kay Navi.

"Nasan nga pala yung leader nyo? Bakit di nyo kasama?"tanong ko.

"Haha. You know. Hinahanap nya yung taong may gawa nun sa asawa nya. Psh. Inlove na yata si Leader." JD

"Haha. Talaga?" Jana. At nagkwentuhan na sila.

Napansin ko naman ang pagtabi ni Louie kay Nicky. Haha. Hindi pa rin kasi nya napapaibig si Nicky. Ayun. Kinukulit na naman nya ang kawawang pinsan ko. Haha.

Tinignan ko naman si Aiken. Ayun nagdadrawing. Hayy. Di nya talaga ako pinapansin. Ano bang trip nito?

Nakakainis.

Pero bago ko mapansin ang pang iisnob sakin ni Aiken, mas kanina ko pa napapasin ang pagiging tahimik ni Shana. Kanina pa to. Or should I say kahapon pa syang ganyan. Parang walang tulog na parang may masakit sa kanya. Di ko lang mapin point kung ano yun. Umandar na naman ang pagkaweird ko. Ewan ko. Lakas kasi ng instinct ko. Hihi.

I Married that Gangster (On-HOLD)Where stories live. Discover now