CHAPTER 27

5.4K 148 8
                                    

(My note:  This chapter is dedicated for GanstaLove and @Reyes98bae dahil sa walang sawang pagcocomment. Haha. I love you both. Enjoy reading!)

Navi's POV

"Huwag mong sasaktan ang anak ko! Wag mo syang idamay dito!"

"Iisa isahin ko ang lahi nyo! At wala akong ititira na kahit sino!"

"Hayop ka! Ako na lang! Ako na lang! Wag si Sam. Wag mo syang idamay dito! Nakikiusap ako."

"Pakiusap?! Huli na!! Pagbabayaran nyo ang ginawa nyo sakin!"

"Waaag!"

*gun shot*

"WAAAAAAAH!!"
Ito na naman ang panaginip na yun. Madalas ko na syang napapanaginipan. Paulit ulit rin lang naman. Tapos habang tumatagal nagiging pamilyar sakin ang pangalang Sam. Kilala ko ba yun?

Ano bang trip nun? *pout*

Teka..

Nasan ako? Holo?! Hindi ko kwarto to!
Inilibot ko ang paningin ko at waaaah! Hindi ko nga to kwarto!
Iba na rin ang damit ko.

Tumayo ako sa pagkakahiga ko sa malaking kama. At lumabas ng pinto.

Waaaaaaaw! Ang ganda!
Lumabas ako at pinuntahan ang dagat na naghihintay sakin. Ang ganda grabe! Pure white sand and clear water.

Waaaah. Nakakaiyak sa ganda!!
Gusto ko na dito tumira!

Pero wait!
Sinong nagdala sakin dito?!
Inilibot ko ang paningin ko ng makita ko ang barkada kong nag iihaw. At yung iba nasa cottage.

Holo?!

Isinama nila ako dito?!
Kung iba lang ang sitwasyon magtatatalon ako sa tuwa. Kaya lang hindi eh. Wala dapat ako dito. Hindi dapat nila ako sinama. Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Waaaa!
Hindi to pwede!

Mabilis akong pumunta kung nasan sila at nakita naman nila ako.

"Anong ginagawa ko dito?!" Sigaw ko sa kanila. Lahat sila nakatingin sakin.

"Nakatayo?" Pilosopong sabi ni Louie.

"Mukha ba kong nakikipagbiruan sa inyo?! Bakit ba pati ako isinasama nyo sa trip nyo?!"

Jana's POV

Akala ko matatawa sya sa sinabi ni Louie pero hindi. Ibang iba na si Navi. Para bang may nagkokontrol sa kanya.

At ito ang purpose ng outing namin ngayon. Ang malaman ang dahilan kung bakit bigla syang nagkakaganito. Halata naman eh.
Magkaiba ang sinasabi nya sa pinapakita ng mga mata nya. Obvious na nasasaktan sya sa mga sinasabi nya.

Miss na miss na namin sya. At gusto na naming matapos to kaya namin to ginagawa.

"We're here to have some fun Navi! Ayaw mo ba nun?"sabi ko.

"Mukha bang gusto ko yun?!"sagot nya.

"Hay naku Navi. Gutom lang yan. Kumain ka na muna."Shana.

"No! Uuwi na ko." Tumalikod sya samin at naglakad na.

"You're not going anywhere Navigne. You're staying here." Sabi ni Andree. Ang pinakaapektado sa lahat ng nangyayari. Sinasabi nya samin ang lahat ng masasakit at weird na salita na binibintawan sa kanya ni Navi.

"Uuwi na ko. At hindi nyo ko mapipigilan!" Tuloy tuloy lang sya sa paglalakad.

"Fine! Then go! We'll see if you can go home. You don't even know where is this place."
Napatigil si Navi sa paglalakad at nagpapadyak na parang bata.

I Married that Gangster (On-HOLD)Where stories live. Discover now