CHAPTER 19

6.1K 177 6
                                    

Shana's POV

Nagising akong wala na ang mga kaibigan ko. Alam ko namang may pasok na yung mga yun eh. Wala ring tao sa kwarto ko. Ito yung masakit.

Mag isa na naman ako. Akala ko sanay na kong mag-isa. Hindi pala.

Miss ko na si Mama. Miss na miss ko na sya. Sa pambubugbog na ginawa sakin ni Tito Erick, akala ko makakasama ko na si Mama. Pero niligtas ako ni Jerry.

Tapos sabi nya sya daw magbabantay sakin ngayon, pero wala naman sya.
Masakit mag isa at umasa. Hindi ko mapigilang hindi umiyak. Malakas ang iyak ko kasi wala namang nakakarinig sakin. Masakit pa rin yung labi ko dahil sa hiwa nito.

Hikbi lang ako ng hikbi. Masakit na rin yung mata ko. Siguro pasa pa to. Pinahidan ko ang luha ko nang makaramdam ako ng pagkagutom. Nagugutom na ko. Pero self service ang kailangan ko, kasi wala namang gagalaw dito para asukasuhin ako kundi ang sarili ko.

Kahit masakit pa yung mga hita at binti ko dahil sa mucle pain at medyo pasa pa rin, tumayo ako.

Ang sakit. *sniff*
Natumba ako. Mahirap tumayo. Kasi masakit. Pero pinilit ko pa rin. At galing galing! Nakarating ako sa may pinto. Pero bigla yung bumukas kaya napasalampak ako sa sahig.

Waaah. Ang sakit sa pwet. Huhu.

"Sh*t! Shana ano bang ginagawa mo?" Sigaw ni Jerry.

"J-jerry?" Umupo sya at binuhat nya ko ng bridal style. Ibinalik nya ko sa kama ko.

"Aalis ka ba Shana? San ka naman ba pupunta?!"
Galit na naman sya.

"K-kukuha kasi sana ako ng p-pagkain. K-kaya... "

"Tss. Hindi mo ba ko mahintay?"

"Akala ko kasi hindi ka na dadating."

"Tss. Basta wag ka ng tumayo ulit ha? Hintayin mo munang bumalik yang lakas mo. Sinabi kong ako nga ang magbabantay sayo eh. Bakit ba kasi ang kulit mo!"

Abat!

"Hoy! Jerry! Wag mo nga akong sinisigawan dyan!"

"Wag ka kasing makulit kung ayaw mong sinisigawan ka!"

"Eh malay ko ba kung pupunta ka nga? Malay ko bang niloloko mo lang ako kahapon?!"

"Sa tingin mo ba matitiis kitang mag isa na ganyan yang kalagayan mo? My ghad Shana! Pwede mang manahimik ka na lang?! Wag ka ng makipagtalo!"
Napaiwas naman ako ng tingin. K. Fine. Panalo sya sa conversation namin today. Hmmp!

Kumuha sya ng tissue sa tabi ng table.
Nabigla ako ng pinahid nya yung sa bibig ko kaya napaurong ako.

"Wag ka ngang malikot!" Iritang sabi nya at hinawakan  nya ang batok ko at nilapit ang mukha ko sa mukha nya.

"Sigaw kasi ng sigaw. Kaya hindi gumaling yang sugat mo sa labi eh."
Hindi ko alam pero napatitig ako sa mukha ni Jerry. Ang lapit lapit nya sakin. Gwapo rin pala tong gagong to eh.

Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko? Ano ba naman yan. Feeling ko anytime mawawalan ako ng hininga kasi pinipigil ko talaga.

Then suddenly our eyes met. Bakit ganyan sya makatingin. Hindi ko mabasa ang iniisip nya.
Bakit di sya umiiwas ng tingin.

Waaah. Hindi na talaga ako makahinga kaya ako ang unang nag iwas ng tingin. Feeling ko masusuffocate ako sa tingin ni Jerry.

Tumayo naman sya ng ayos at pumunta sa table at inayos nya na yung pagkain ko.

"Oh. Kumain ka na. Iinom ka pa ng gamot." Sabay abot sakin nung tray.

"Thanks. Ikaw ? Kumain ka na ?"

I Married that Gangster (On-HOLD)Where stories live. Discover now