CHAPTER 39

4.7K 134 8
                                    

Navi's POV

College Days: Day 2

Waaaaah. Bakit?

Bakit ganun pa rin? Ang saya ko lang kagabi! Pero bakit ngayon ganun na naman?

Pagkatapos akong ihatid ni Jammy dito sa school wala na naman siya!
Wala na naman ang IF.

Wala na naman sila!
Waaaah.
Napakaboring ng college days!

Nandito kami ngayon sa cafeteria. At kami lang lima ang magkakasama.

Nakita namin sina Jeremy pero marami siyang kasama. Alangan namang makisama pa kami sa kanya.

Pansin ko lang puro lalaki ang kasama ni Jeremy. Di ba pag bakla babae ang kasama?

Siguro may crush sya sa isa sa mga yun. Hihi. Hayaan na nga yang trip ni Jeremy.

"Lahat ng booth napuntahan na natin. Marriage booth na lang ang hindi." Shana.

"Gusto mo ba ipakasal ka namin?"pang aasar ni Jana.

"No thanks. Yan na lang si Nicky. Sya may boyfriend dyan eh."Shana

"May boyfriend nga. Nowhere to be found naman. Psh." Nicky.

Nagtataka na nga kami. Nasan ba kasi sila. Nung nagbebreakfast kami ni Jammy tinanong ko sa kanya kung san sila galing kahapon pero tumingin lang sya sakin at ngumiti.

Dahil sa pagngiti nya nakalimutan ko na naman ang lahat. Eh pano naman kasi. Waaaah. Ang gwapo kaya ni Jammy pag nakangiti.

"Hayy. Ewan ko nga dun sa mga lalaking yun. Hindi sumipot sa college days. So pano na? Anong next nating gagawin?" Tanong ko.

"Tara kina Shana! Magmovie marathon na lang tayo!"suggestion ni Leila.

Pumayag naman ang lahat kaya pumunta kami kina Shana. Sya lang mag-isa dito sa bahay nya. Buti hindi sya natatakot. Baka may mumu.

Tinext ko si Jammy na nakina Shana lang ako.
2pm na din at nagsimula na kaming magovie marathon.

3 movies ang pinanood namin.
Divergent, Insurgent at Allegiant.

Maganda naman sya. Gwapo gwapo rin ni Four. Hihi.

7:30pm na ko nakauwi. At wala na naman si Jammy sa bahay.
Ganito na naman. Hmmp!

Dumiretso na ko sa room ko at nagpalit. Hindi na ko kumain ng dinner kasi kumain na kami kina Shana.

Hindi ko alam, wala naman kaming ginawa today pero bakit pagod na pagod ako?

Ipinikit ko ang mata ko at nakatulog na ko.

Kinabukasan.

College Days: Day 3

Nakahiga pa ko sa kama. Naramdaman kong may mabigat sa likod.

Feeling ko may nakayakap sakin!

Waaaaah. Ano daw yun?

Iminulat ko ang mga mata at nakita ko ang mukha ni Jammy na soooobrang lapit sakin. Napaurong ako ng biglaan at

"WAAAAAAAAH!"
Huhu. Nahulog lang naman po ako sa kama. Huhu.

"Why do f*ck are you screaming?!"

"NAHULOG AKO OBVIOUS BA! ANO BA KASING GINAGAWA MO DITO?!"

"I SHOULD BE THE ONE ASKING YOU THAT?! WHAT THE HELL ARE YOU DOING IN MY ROOM?"

Huuuh?! Ano daw?!

Nilibot ko ang paningin ko at napakunot ako ng makita kong room ko talaga to.

I Married that Gangster (On-HOLD)Where stories live. Discover now