CHAPTER 43

5K 115 9
                                    

Shana's POV

Wala.
Si Leila may date.
Si Nicky nasa Baguio.
Si Jana may pupuntahan daw.

Waaaah.
Wala!
Walang akong mayaya magmall!

Ang boring tuloy ng weekends ko. Alangan namang si Navi pa ang yayain kong magmall, eh nagmomoment silang mag-asawa.

Whatever! Eh ano naman kung mag-isa. Eh di eenjoyin ko mag-isa. Tsk.

Nag-ayos ako ng sarili at pumunta sa mall.
Lulunurin ko na lang ang sarili ko sa DQ! My favorite!

"Ano po sa inyo Mam?"

"Ah. Rocky Road, Large."sagot ko.

"Dalawang rocky road na large yung order nya." Sabi ng boses sa likod ko.

Humarap ako at booooom!
Sumabog ang ulo ko sa kabwisitan.
Or kakiligan? Joooke! Psh.

"Anong ginagawa mo dito Pangit. Sinusundan mo ba ko ha?"

"Yuph. Namiss kasi kita Daldalita."sabi nya ng nakangiti.
Ano meron sa ngiti nya at bakit bagay sa kanya?
Hindi ko alam pero bigla akong napatitig sa kanya. Ngayon ko lang nakitang nakangiti si Jerry.

"May dimple pala to."

"Yeah. Meron nga. Cute noh?"
Huh?! Nasabi ko ba yun ng malakas?

"Tsk. Ewan ko sayo."

"Gusto ko ng cake." Nakapout nyang sabi. Eeehhh. Ang panget.

"So? Eh di bumili ka."

"Ayoko nga. Gusto ko home made."

"Wow. Choosy ah."

"Tsk. Daldita Marunong kang magbake??"tanong nya sabay bayad ng DQ namin.

"Whoah. Libre mo? Ayos!"

"So ano? Marunong kang magbake?"

"Bake? Oo. Gusto mo ipagbake kita?"

Huh?! Ano daw sabi ko?

"Talaga?! Yes! Come on. Tara sa inyo."

"Huh?! Sira ka ba? Ayoko nga. Tsaka wala kaming ingredients sa bahay."

"Eh di maggrocery tayo. Tara na tara na!"

At hinila nya papunta sa supermarket. Siraulo din to eh. Di naman ako pumayag. Hay naku.

After nya bumili ng mga gagamitin namin sa pagbebake, pumunta na kami sa cashier. Oo sya lang talaga ang mga pumili. Ako? Kumakain ng DQ. At yung DQ nya kinain ko na din. Haha.

After nya magbayad naglakad na kami papuntang parking lot.

"Bakit sa bahay pa? Sa inyo na lang!"sabi ko.

"Ayoko nga. Psh. Daming maids. Buti sa inyo tayojdlangdjdalawahz"

"Ano? Ano daw yun?"

"Wala. Sabi ko ayoko dun. Psh."

"Arte oh."

Nakarating kami sa bahay at hinanda ko na yung mga kitchen tools na gagamitin like baking pan, spatula, electric mixer at marami pang iba.

Sya naman hinanda nya yung mga ingredients.

Nagsimula na kaming magbake. Nag-stir ako ng mga dry ingredients tulad ng baking powder at flour.

Sya naman naghalo ng butter and sugar using the electric mixer.

"Okay na to. I-Add na natin yung flour mixture and liquid." Sabi ko.

Lumapit sya sakin at tinignan ako.

"Ganyan ka ba talaga magbake?"

"Huh?! Bakit? May mali ba?"

"Tss. Ang dumi ng mukha mo oh." Lumapit sya sakin at hinaplos ang kamay nya sa pisngi ko.
Bakit parang may something sa kamay nya. Ang gaspang eh.

"Meron pa sa ilong at noo. Halika nga pupunasan ko." Pinunasan nga nya.

Teka. Pinunasan nga ba?

Tinignan ko sya at pinipigilan nyang tumawa kaya napakunot ako.

"Anong tinatawa tawa mo dyan?"

"Wala. Kahit Daldalita ka, ang cute mo talaga. Haha."

>///<

"Tsk. Whatever."

Pinaghalo na namin yung mga ingredients then we poured the cake butter sa baking pans.

Naghintay lang kami mabake yung cake. Nakaupo lang kami sa kitchen stool at hinihintay yung cake.

Napapasulyap ako kay Jerry at naiilang ako. Nakatitig kasi sya sakin. Kaya para hindi ko mameet yung glances nya, inimis ko na lang yung mga gamit na ginamit namin at hinugasan sa sink.

Err. Hindi ako komportable. Yung buhok ko kasi napunta sa mukha ko. Hindi kasi nakapuyod kaya whip ako ng whip ng buhok. Tsk.

Maghuhugas na sana ako ng kamay para puyuran ang buhok ko na maramdaman kong pinupuyuran na ko ni Jerry. Hindi na ko umangal.

Ipinuyod nya ng messy bun. I spilled a sigh.

This feels comfortable. I smiled.

"Thanks panget."
Sabi ko ng hindi lumilingon sa likod.

I stiffed when I felt something on my neck.

"Ang bango mo naman Daldalita."

O____O

O/////O

Humarap ako kay Jerry at ang lapit ng mukha nya sakin.

"Be my date."
Seryoso nyang sabi.

Nabigla ako kaya di ako nakapagreact agad.

Sheyt. Bakit sya lumalapit?

Hanggang sa 1 inch na lang ang pagitan samin.

"Be my date or I'll kiss you."

O___O

"A-ano? Hoy unfair ng choices mo ah!"

"Eh yun ang choices eh. Sige na pili na. Tagal oh."

"Pano kung ayoko?"

"Eh di hahalikan kita."

"Eh pano kung pumayag ako?"

"Eh di hahalikan pa rin ki---- araaay! Joke lang. To naman nanghahampas kaagad." Sabi nya habang hinihimas ang braso.

"Pumayag ka na kasi. Daming arte oh."

Tumalikod ulit ako at pinagpatuloy ang paghuhugas ng plato.

"Sige na. Ikaw na date ko. Pumapayag na ko. Kawawa ka naman kasi. Wala kang ka......" I stopped dahil naramdaman kong yumakap sya sakin. His arms on my waist and his chin on my shoulder.

"Thanks Daldalita. Be gorgeous on the Ball. Hihintayin kita sa sala."at kumalas na sya sa yakap pero bago yun....

Waaaaaah. Walanghiya!
He kissed my nape!
Kaya parang estatwa na naman ako ditooo!

I blushed. Err.

Ano daw?! Hihintayin sa sala? Eh paano ako makakapunta sa sala kung hindi ko magalaw ang katawan ko?!

Nahuhulog na nga yata ako kay Jerry.
Err. Tsk.

(My note: Sorry kung maikli ang chapter na to. But on the other hand babawi ako sa mga susunod na chapters. Navigne and James on the next chapter so stay tuned. Sorry kung medyo matatagalan. Soooobrang busy po sa school. Please understand. Enjoy reading! Saranghae!)

I Married that Gangster (On-HOLD)Место, где живут истории. Откройте их для себя