CHAPTER 41

5.2K 134 5
                                    

Nicky's POV

Saturday ngayon at nandito ako sa sala nagbabasa ng libro.

Umalis si Mommy dahil may appointment na naman sya.

Mabuti na lang talaga at hindi na nya ko kinukulit na iblind date sa mga mayayamang anak ng kasosyo nya sa negosyo. Hayy naku. Nakakaimbyerna yun noh!

Bago ako mabwisit ng todo, pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ko.

Doorbell Ringing

Tumayo ako para buksan ang pinto.

"Hi Bee." Bungad sakin ng nakangiting bubuyog. Sinara ko ulit yung pinto. Bahala sya dyan. Mangungulit na naman sya.
Bumalik ako sa sofa para magbasa ulit.

"Bee! Hoy Bee bakit mo naman sinara yung pinto?" Sabi nya at lumapit sakin at umupo sa tabi ko.

Tinignan ko sya ng masama.
"Sinong may sabi sayong pumasok ka sa bahay ko?"

He leaned closer and smirk.
"Bakit? Kinakabahan ka ba kasi nandito ako sa bahay mo?"bulong nya sakin. Tumayo lahat ng balahibo ko sa sinabi ng bubuyog na to. Itinulak ko naman sya kaya napasandal sya sa sofa at tawa ng tawa.

"Wag mo kong pagtripan ah. Napipikon na naman ako sayong bubuyog ka! Lumayas ka na nga dito sa bahay ko!"

"Hahaha. Sus. Kinabahan sya. Anyways, pumunta ako dito para yayain ka. Gusto mong sumama?"
Seryoso syang nakatingin sakin.

"Saan naman?"

"Sa Baguio."

"Huh? Seriously? Ano bang trip mo? Asa ka namang payagan ako ni Mommy noh?"

"I already got her permission. And we're going right now. Kaya magbihis ka na. Wala ng maraming tanong. "

Naexcite naman ako. Weeeeiii! Pupunta akong Baguio. Pumunta ako sa kwarto ko hindi dahil naeexcite ako kundi dahil tinulak ako ng bubuyog na to.

"Bakit mo ba ko tinutulak? Bakit pumayag na ba ko ha?"

"Whether you like it or you love it, pupunta tayo sa Baguio. Kaya magbihis ka na."

Ano daw?

"Ayoko nga!"

"Magbibihis ka o ako ang magbibihis sayo." Seryoso nyang sabi.

Luuh?! Bakit kinabahan na naman ako?! Err.

"Manyak!!" Sigaw ko at pumasok na ko sa kwarto ko

Nagbihis lang ako ng jeans, white shirt at white doll shoes. After nun lumabas na ko.

"Bee ang cute cute mo talaga. Naiinlove na ko nyan."

>////<

Psh. Playboy talaga. Nilampasan ko lang sya at lumabas na. Lumabas na rin sya at sumakay na kami sa sasakyan nya.

"Bee. Mahaba ang byahe. Tulog ka muna. Kung nagugutom ka naman may pagkain sa back seat."

Bakit ba ang sweet na naman ng boses nya. Madalas na syang ganito. Sobrang sweet. Sya ba talaga to or parte ng pagkaplayboy nya?

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at natulog.

Maya maya naramdaman kong may sumusundot ng pisngi ko.

"Bee. Maganda kong Bee. Gising na. Bee. Cute kong bee. Sexy kong Bee. Gising ka na. Nandito na tayo."

Minulat ko ang mga mata ko at sh*t ang lapit na naman ng mukha nya kaya naitulak ko na naman sya.

"Napakamanyak mo talaga! Hayy naku Louie. Tigil tigilan mo na yang pagiging manyak mo ha!"

Ayan. Tumatawa na naman sya.

I Married that Gangster (On-HOLD)Where stories live. Discover now