CHAPTER 12

6.2K 177 9
                                    

JD's POV

Alam kong bothered si Andree dahil sa sulat. Kilala namin si Marcus. Mabait syang kaibigan ngunit iba sya kapag may kaaway. Kaya lahat kami nag aalala sa pwede nyang gawin.

Hindi namin alam ang pinaplano nya.
Pero ngayong gabi we'll try to know. Dahil magkikita kita na ulit kami after three years. Ngayon na lang ulit sya nagpakita.

(Inclined letters ay Flashbacks okay?)

"It's 10:50 in the clock. Should we go now?" Aiken.
Tumayo na si Andree hudyat na pupunta na kami sa UG. Pagdating namin dun ay 10:58. Pumasok kami sa loob ng isang napakalawak na Arena. After magsara ng pinto ay nilibot namin ang paningin sa Arena.
Malapit ng mag 11pm pero walang presensya ang makikita sa loob nito.

Ano ba talagang pakay ni Marcus?
Gusto ba nya ng bakbakan o mangangamusta lang? Tsk.

"Oh? Anong meron dito?" pagbasag ni Louie sa katahimikan.

"Wala ngang laman eh tapos sasabihin mong meron?" Pambabara ni Jerry.

"Notice the question mark Pare. Kaya nga tinatanong ko eh"
Binatukan naman silang dalawa ni Aiken. Tsk. May energy pa kasi para magbarahan. Hindi nalang ireserve para sa laban. Ang tanong. May laban nga bang magaganap? Lakas din mantrip tong si Marcus eh tulad ng dati.

"Bakit ba tayo pumunta dito?"Aiken

"Sabi ni Marcus nandito daw sya eh" Jerry.

"Haha. Nakita ko kaya si Kuya! Nagpunta sa bahay nina Louie. Pustahan kinakain na nya yung cake na binake ng mama mo Louie. Haha" sabi ni Vince.

"Tara na tara! Baka maubusan pa tayo ng baboy na yun!" Pikon na sabi ni Andree.

Loko talaga tong si Marcus. Pinapunta nya kami sa playground dahil may sasabihin daw sya. Natitrip lang pala.

Pagdating namin sa bahay nina Louie naabutan namin si  Marcus na maraming amos sa mukha dahil sa chocolate cake na sinakmal nya sa bibig nya. Binatukan sya ni Andree at tawa naman ng tawa si Vince dahil sa katakawan ng half brother nya.

Nagpalipas kami ng five minutes pero walang nangyari. Blanko ang expression ni Leader kaya di ko alam ang tumatakbo sa isip nya.

"Let's go." Sabi ni Andree. Naalala kong maikli nga pala ang pasensya ng taong to. Ayaw nyang pinag iintay pag laban.

Naglalakad na kami papuntang pinto ng bigla itong bumukas at bumungad samin ang sandamakmak na grupo ng mga lalaking nakasuit at may mga hawak na baseball bat. Pssh. Ito pala ang hinanda nya para samin.
Nagpasukan sila sa loob. Sh*t ang dami nila. Tsk. Alam kong hindi sila gang. Kung tama ang hinala ko, mga tauhan to ng isang mafia.

Anak ng! Wag mong sabihing myembro na ng isang mafia tong si Marcus.

Tumigil sila sa harap namin at may isang lalaking papalapit kay Andree. Handa naman kami sa maaring gawin ng lalaking to. Inabot nya ang cellphone kay Andree at kinuha naman nya to.

"Hey Ramirez. I didn't know that you will actually go there. Is it just me or habang tumatagal nagiging tanga ka na."
Rinig namin ang tawa ni Marcus sa kabilang linya.
I saw how Andree clenched his fist.

"Where are you?" Mariing sabi ni Andree.

"You miss me that much huh? Don't worry. We'll meet soon. But not now."  Alam kong nakangisi si Marcus sa mga oras na to. Nauto na naman nya kami. Tsk.

"I didn't know that you're still using that f*cking name as your Gang name Ramirez. It f*cking reminds me of my innocent brother."

Breaktime ng training namin dito sa main gym. Kaya umupo muna kami ng pabilog habang nagpapahinga.

I Married that Gangster (On-HOLD)Onde histórias criam vida. Descubra agora